Kinatok ko naman yung noo niya. Sabay sabing...
“Sana po di magkatotoo.”
“Aray! Pambata naman yung ganun.”
“Ewan ko sayo. Tara na nga.”
The next day~~~
•••••••••••••••••••••••••••
Maris’ POV*KRIIIIINNNGGGG*
Napaupo naman ako nang dahil sa gulat. Tinignan ko yung phone ko.
“ Hello Jane? Bakit napatawag ka? ”
[Hello Maris? Samahan mo naman kami ngayon.]
“ Sure! Saan ba yan? ”
[Sofia’s favorite place.]
“ Mall again? ”
[Yah! Magpapatulong siyang bumili ng dress para sa date nila ni Jon. And don't worry, lilibre niya daw tayo. Anything that we want. Hihi!]
Bigla naman akong naexcite sa sinabi ni Jane. Anything daw eh.
“ Sige. I’m in. ”
[Okay. Sunduin ka namin. Bye mwaaahh!]
Tapos binaba niya na.
Tumayo na agad ako at kinuha yung robe ko. Pumunta na agad ako sa C.R at naligo. Ginawa ko lahat nang dapat kong gawin and after 45 minutes tapos na akong maligo.
Pumunta agad ako sa wardrobe ko at pumili ng susuotin. I choose my black dress with long sleeves but 3/4 lang yung haba niya at nag-white sneakers ako. Pagkatapos nun naglagay lang ako ng konting make up. And then, done.
Beeeeppp
Beeeeeppp
Beeeeeppp
Bumaba na agad ako. Nakita ko naman si Kuya Luke sa sala.
“Oh? Saan ang lakad mo?” tanong niya habang pababa ako.
“Sa Mall po Kuya.”
“Oh sige. Mag-iingat ah?” sabi niya. Then hinalikan niya ako sa noo.
Tumango lang ako tapos lumabas na rin.
Paglabas ko nakabukas na yung pinto ng van ni Sofia at nandun ang dalawa na nakangiti sa akin. Sumakay na agad ako tapos umalis na kami..
Habang nasa biyahe kami.....
“Maris, bakit hindi ka na pumasok kahapon after lunch?” tanong ni Jane.
“Oo nga. May quiz pa naman sa Science.” dugtong naman ni Sofia.
Bigla naman akong kinabahan at hindi mapakali. Ewan ko ba. Kung bakit kinakabahan ako sa nangyari kahapon. Bwiset kasi eh! Bakit ba nakita ko pa yun? Uggh!
“Ah eh! Hehe.. A-ano kasi. Ano.”
“Ano?!” sabay na tanong nung dalawa na para bang nabibitin sa sinasabi ko.
“Su-sumakit yung p-puson ko. Kaya ayun di ko na natiis umuwi na lang ako. Sobrang sakit kasi eh. Woah!” palusot ko.
“Ah? So. Meron ka ngayon?” tanong ni Jane.
“Ah. Hehe. W-wala. Ganun lang talaga ako bago magkaroon.”
Tumango naman si Jane.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Mall. Pi-nark muna bago kami bumaba.
Pumasok na kami sa Mall pero kumain muna kami sa Jollibee para magbreakfast. Hindi pa kasi kami kumakain ng almusal eh.
Pagkatapos nun, pumunta na kami sa clothing line na lagi naming pinupuntahan.
•••••••••••••••••••••••••
TO BE CONTINUED.....A/N: Hey! Do you miss me guys? I mean my story? Hehe! I’m sorry ngayon lang nakapag-update si Author. Busy po kasi ako sa school. Andaming assignments eh. Thank you po sa mga naghihintay ng update ko. Na-appreciate ko po yun. Mwah!
BINABASA MO ANG
If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)
FanfictionHave you ever felt like you don't know what's going on anymore? You've lost your motivations to do anything. You are confused about your past and you have that feeling of emptiness and the feeling that no one is there for you. That feeling that no...
Chapter 26 √
Magsimula sa umpisa