B.A: Chapter 7

Magsimula sa umpisa
                                    

Laking pasasalamat ko na lang nang hindi ko na ulit narinig ang boses niyang nagtatanong.

Limang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami agad sa S.U. Hindi ko na rin hinayaang pagbuksan niya 'ko ng pinto dahil baka isumbat niya sa 'kin 'yon pagkatapos.

"Nga pala, 'nong sadya mo dito?" tanong ko sa kanya pagkababa ko ng sasakyan.

"Inutusan ako ni dad." saglit pa akong mapahinto dahil sa sinabi niya. Kung tutuusin, sanay na ako na si Ty ang mas pinagkakatiwalaan ni dad sa 'ming dalawa. Nakakapagtaka lang na nakaramdam ako ng kaunting kirot sa t'wing naiisip ko ang gano'ng bagay.

Huminga muna ako ng malalim at tinignan si Ty. Nagsimula na rin kaming maglakad papasok ng university. "Nga pala, kamusta na si Dad?" naiilang kong tanong.

"Ayun, hindi ka parin naiisip." pabiro niyang sagot. Sinamaan ko siya ng tingin dahil do'n. Kahit kailan talaga, walang makakapigil sa bibig niyang maglabas ng masasakit na salita. tsk.

"Aray ko ha! Pangit mo talagang magbiro. Badtrip 'to," sabi ko naman at umarteng nasasaktan. Sinuntok ko pa siya ng mahina sa braso pero ako ata ang nasaktan saming dalawa. Napakatigas kasi ng braso niya. Dehado 'tong maganda at makinis kong kamao.

Tumawa pa siya ng mahina dahil sa nakita niyang reaksyon ko. "Haha! Totoo naman eh. Pareho nating alam 'yon Zana. Ayaw mo lang talagang tanggapin." pangaasar niya pa. Kahit sanay na ako sa gano'ng usapan, hindi ko parin maiwasang siryosohin yung gano'ng biro ni Ty.

Yumuko na lang ako at mas binilisan pa ang paglalakad.

Minsan, gusto ko ng itapon sa Jupiter si Ty dahil sa ugali niya eh. Feeling ko tuloy, may bipolar disorder siya. Kanina kasi, napaka sungit na parang nangangain ng buhay. Tapos biglang magj-joke, tapos tatawa? Nakakabadtrip. Nakakabadtrip lalo yung joke niya. tsk. Napaka insensitive niya rin sa nararamdaman ko. Lalo na kung si dad na yung usapan. Bwisit talaga.

"Ba't ka umiiyak ha?" tanong niya. Hindi ko napansin na napantayan niya na pala ang mga hakbang ko sa paglalakad.

Agad ko namang yinuko ang mukha ko para hindi niya makita ang itsura ko at pinunasan ang luhang hindi ko alam na tumulo na pala. peste naman oh.

"Hindi no. tss. Ba't naman ako iiyak?" hinarap ko siya matapos kong punasan ang pisngi ko at umarteng hindi man lang nasaktan sa sinabi niya.

Napaka sensitive ko pagdating kay dad at 'yon ang pinagkaiba namin ni Ty.

"Hindi ko alam kung saan ka pinulot ni dad at ganiyan ka ka-insensitive! Binabadtrip mo talaga ako 'no?" sagot ko at inirapan siya.

Pero hindi man lang siya nakonsensya dahil tumawa pa siya ng malakas na nakaagaw ng atensyon ng ibang estudyante na nasa daan.

"Ang pangit mo parin umiyak," sabi ni Ty habang tumatawa.

"Hindi nga sabi ako umiiyak! Bwisit!" Dahil sa inis ko, iniwan ko siya doon sa may pathway na mukhang tangang tumatawa.
Kingina late nanaman ako dahil kay Ty. tsk.

Nang makarating ako sa room namin, wala pang teacher na ikinapagpasalamat ko naman. Dumeretyo ako sa upuan ko sa may dulo at doon ko lang napansin na wala si Kisha pero nandito na yung bag niya.

"Sa'n 'yun?" bulong ko pa.
"Eunice? Nakita mo ba si Kisha?" tanong ko pa sa kaklase ko na katapat ko lang ng upuan.

"Si Faye? Lumabas ata eh. Tinawag siya ng mga friends niyo? Sila Valdez ata 'yon," sagot naman ni Eunice. Hindi na 'ko magtataka kung bakit kilala ni Eunice sila Vivian dahil nalaman kong isa sa mga varsity player ng volleyball si Vivian at ang kapatid niyang si Luis na laging mvp ng team nila sa basketball t'wing may laban. Ang team din nila Vivian at Luis ang may kakayahang talunin kahit senior high ang kalaban at mga varsity din ng college students. 'Yan ang isa sa mga naririnig ko sa t'wing nagk-kwentuhan sila.

Bravest AttemptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon