Prologue ☆

6K 127 2
                                    


Tanging ang pag-tap lamang ng daliri ng dalaga ang naririnig sa buong silid, wala siyang ibang magawa kung hindi iyon lamang dahil sa posas na nakalagay sa kamay niya. Bagot na bagot na rin siya sa kinauupuan niya dahil medyo kanina pa siya naghihintay sa interrogation room. Hindi niya rin maiwasang mapatingin sa one way mirror na meron ang silid dahil alam niyang may mga taong nanonood sa kanya sa likod nun.

Biglang bumukas ang pinto kaya napaangat siya ng tingin. Isang matipunong lalaki na nakasuot ng suit ang pumasok sa loob at ayon sa pananamit niya ay mukhang isa siyang detective.

Kilala ko siya.

Labis na nagulat ang dalaga nang umupo ang lalaki sa tapat niya dahil doon niya mas nakita ang mukha nito. Bumilis ang tibok ng puso niya pero hindi niya ito pinapahalata. Hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya. 'Bakit sa dinami dami ng tao, siya pa talaga', sa isip ng dalaga. Matagal na niyang pinangarap na makita at makausap ang hinahangaan niyang detective pero hindi sa ganitong sitwasyon.

"Nightmare"

Tawag ng detective, subalit nanatiling nakatitig ang dalaga sa pader.

"Bakit hindi mo ako tignan sa mata? Nahihiya ka ba? Dahil sa ilang taon kong paghahanap sayo at ilang taon mong pag takbo sakin ngayon nasa mga kamay na kita"

Hindi mawari ang tono ng pananalita ng detective parang may inis na may pagmamayabang. Napalunok ang dalaga at nanatiling tahimik.

Ako si nightmare. Tama ako si nightmare

Pangkukumbinsi nito sa sarili niya. Biglang nagbago ang expression ng mukha ng dalaga, ngumisi ito at taas noong tinignan ang detective.

"Should I congratulate you because the dream of yours have finally come true?"

Sarcastic na sabi ng dalaga buti nalang at hindi siya nautal dahil sa totoo lang ay kabadong kabado na siya. Pinatong niya ang kamay niya sa kanyang hita para itago ang panginginig nito.

"I suppose you know me already"

Kilalang kilala kita, Detective Kyron Drei Lopez. Sino bang hindi makakakilala sa isang sikat na detective na gaya mo.

"Can we just start?"

May hint ng iritasyon sa mukha ng detective dahil sa ugaling ipinapakita ng dalaga. Samantalang labis namang humihingi ng tawad ang dalaga sa loob loob niya dahil hindi naman niya ginusto na maging ganito sa lalaki.

"I just wanted you to know how happy I am that I have finally caught you."

"don't be too happy"

Nagkibit balikat lamang ang detective at binuklat ang folder na hawak niya at sinimulang basahin ito.

"So Elizabeth Autumn S. Gomez is your real name. You're too young, 19 years old really ? and you took up criminology because you wanted to be a----"

Hindi makapaniwalang napatingin si Kyron sa dalaga na parang manghang mangha sa nabasa.

"Detective"

pagtatapos ni Autumn sa naudlot na sentence ni Detective Kyron. Napailing nalang ito. Binaba niya ang folder at nag crossed arms.

"I've been tracking you for 3 years and you cannot obviously do those things alone. Sino ang mga kasama mo?"

"I work alone"

"Do you think I'm stupid to believe that?"

"Even if I am not alone, do you think I'm stupid to tell you who I'm working with?", she shot back.

Agent Nightmare ( COMPLETED )Where stories live. Discover now