Chapter 3: Interrogation

Magsimula sa umpisa
                                    

Napakunot ang noo ni Dela Conde sa inasta niya.

"Sabihin mo sa amin kung sino ang mga kasamahan mo at-" di niya pinatapos ang sasabihin nito.

"Wala akong sasabihin sainyo, inonsente kami ng mga kasama ko," sabi niya.

Kinunutan ulit siya ng noo ni Dela Conde dahil sa sinabi niya.

"Alam mo Jenan umamin ka na kasi huling huli ka sa akto na nakisali ka sa rambolan. At paano mo ipapaliwanag iyong mga biktima?" sabi ni Dela conde.

This time noo naman niya ang kumunot.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Natigilan nang bahagya si Dela conde sa tanong niya pero kaagad din itong nakabawi.

"Narinig ko nong sinigaw ng kasama mo," sagot ng pulis.

Subalit hindi siya kumbinsido sa naging sagot nito kaya ngumuso siya habang nakakunot ang noo sa binata pero bahagya siyang napangisi ng nakita niyang nakatitig sa mga labi niya ang gwapong pulis.

"Gomez, Castro labas. Ako ng bahala rito," utos ni Dela conde habang nakatoon parin sakanya ang mga mata nito.

Sinunod ng dalawa ang utos niya at nang nakalabas na ang dalawa ay pinatayo siya ni Dela Conde at biglang binuhat paupo sa lamesa. Napalunok siya ng dalawang beses.

Papatayin na ba ako nito? Tanong niya sa sarili niya nang nakatingin sakanya ng seryoso si Dela Conde habang nasa magkabilang gilid niya ang kamay nito.

Kung tutuusi'y kayang kaya niyang sipain ang lalaking ito total magaling naman siyang mangarate.

"Di ka ba talaga magsasalita?" tanong nito gamit ang mababang boses.

"I already told you, I'm innocent pero ayaw mong maniwala," mahinang sabi ni Jenan.

Parang ang tinig niya ay isang napakagandang tugtugin na kaysarap pakinggan. Napatingin siya sa labing mapupula nito at napakagat labi siya. Napansin ito ni Dela Conde.

"Don't bite your lip," sabi nito gamit ang parang napapaos na tinig.

Napaawang ang labi niya nang naramdaman niya ang hinlalaki ni Dela Conde na humamplos sa kinagat niyang labi.

Tiningnan siya ni dela Conde sa mga mata niya habang palapit ang mukha nito sakanya. Para siyang kakapusin ng hininga sa subrang lapit nilang dalawa.

Teka, ganito na ba ang bagong paraan ng pag-iinterogate ng mga pulis ngayon? Sa paraan ng paglalandi? Takang tanong ni Jenan sa isipan niya.

"Lumayo ka nga sa a-" di na niya natapos ang sasabihin niya dahil sa biglaang pag-atake ni dela Conde sa labi niya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa agresibong paghalik sakanya. Para siyang naging bato sa kinauupuan niya habang masuyong hinahalikan ng nilalang na ito.

"Fuck. Kiss me back, Jenan," sabi ni Dela Conde na may pagsusumamo.

Hindi niya alam pero parang nakaramdam siya ng kiliti nang tinawag siya sa pangalan nito and the next thing happens is that she kissed dela Conde back.

Inanggulo pa ni Dela Conde ang ulo ni Jenan upang mas palalimin pa ang halikan nilang dalawa. Hindi niya alam pero bigla na lang niyang naramdaman ang kagustuhan niyang mahalikan ang nakakaakit nitong mga labi. It feels like their lips were made for each other.

Sa huli ang lalake ang siyang naunang bumitaw sa halikan. Pinagmasdan niya si Jenan na hinahabol ang sarili niyang hininga dahil sa ginawa niya. The thought of Jenan likes his kisses makes him smile.

Then he captured her lips once again and this time he let his tongue travel inside her mouth. He heard Jenan's soft moan in his mouth and it makes him groaned. His hand travel over his body. May biglang tumunog ang cellphone kaya kapwa silang natigil na dalawa.

Napapikit na lang si Henrik sa inis nang mapagtanto niya ang nangyari kanina.

Malilintikan ka talaga, Henrik.

Samantalang napaawang ang labi ni Jenan habang pinagmamasdan niyang kinakausap ni Henrik ang pinsan nitong si Homer.

"Hindi ako sasama sa'yo Homer, may trabaho ako rito," sabi niya sabay tingin kay Jenan na nakayuko.

Nakonsensya siya dahil sa walang pahintulot nitong paghalik.

He kissed you back kaya wag kang makonsensya! Anang isang bahagi ng utak niya.

"Henrik naman! Damayan mo naman ako sa letcheng probinsyang yaon!" Sabi ng kausap niya sa phone. Napabuntong hininga na lamang siya.

"OK fine...sasamahan kita papunta pero babalik din ako rito," sabi niya sabay baba ng tawag.

Dahil baka magreklamo nanaman ito kapag 'di pa niya inunahang babaan.

"Why did you kiss me?" mahinang tanong ni Jenan sakanya.

"Kasi gusto ko," and to tell you honestly ngayon palang ako nag-enjoy ng husto makipaghalikan. Sabi niya pero sinarili niya ang ibang mga salita.

Nakayuko lamang si Jenan sa may lamesa na para bang nagsisisi sa nangyari. Napaangat lang ito ng tingin nang biglaang hinawakan ni Dela Conde ang baywang niya para ibaba siya sa lamesa.

Parang hinihigop ng mga mata ni Dela Conde ang enerheya niya dahil pakiramdam niya pagod na siya at gusto niya nalang na magpabuhat sa matitipunong braso ni Dela Conde.

Fuck! Jenan ang landi mo! Sabi ng isang bahagi ng utak niya.

"Forget about what happen, it's just a kiss anyway," her lips turn into thin line dahil sa sinabi ni dela conde.

Yeah! It's just a kiss but it already takes you to heaven Henrik! Sabi ni Henrik sa sarili.

"Yeah, let's forget it, halik lang naman iyon, but I can still sue you. That's sexual harassment," wika niya sabay martsa sa palabas ng silid.

Nagulat pa sina Gomez nang bigla siyang lumabas sa silid.

Akala nila'y tatakas siya pero iba ang ginawa niya. Siya mismo ang nagbukas ng selda at nagkulong sa sarili niya.

Damn it! How can I forget it if that was my fucking first kiss? Sabi ni Jenan sa sarili niya at ng nakita niya si Dela Conde ay inirapan niya ito at sumuksok nalang siya sa gilid.

"Anong nangyari d'on?" tanong ng isang pulis kay Gomez na siyang umiling lamang para sabihing wala rin siyang nalalaman.

"Tingnan natin 'yong CCTV," mungkahe ni Gomez na siyang ginawa nga nila.

Nagsinghapan na lang ang lahat matapos makita ang ginawa ni dela Conde sa dalaga.

"Tss. Tss. Yari i sir," wika ng isang pulis.

"Yari talaga," pagsang-ayon naman ng lahat habang umiiling-iling.

To be continued...

✔️Under Arrest BOOK 1 (Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon