S2

14 1 0
                                    

Naunang gumising si anderson bago ang kanyang mga magulang

" nay tay ! Gising na ! Mamamasyal pa tayo ng ibang isla tapos sisisid pa ako sa ilalim para tulungan sila nemo at dory na hanapin ang pamilya nila !"

" hay ang inggay na naman ng anak ko Tara na nga !" Sabi ng tatay niya at akmang tatayo na ngunit may naisip pa si anderson dahil ayaw pang gumising ng nanay niyang tulog mantika kung matulog.

Nagkatinginan ang magama na parang naguusap gamit lamang ang mata.

"One. Two. Three" mahinang bilang ni anderson na hinay hinay sa pagsalita para hindi makaramdam ang nanay niya sa gagawin nila .

Sabay nilang sinundot ang tagiliran at kilikili ng nanay nila .

" hahahhahahah! Tama na ! Ano ba ! Hahahahha"

"Hahhahah"

" gising nay! Hahahahha!"

Napakasaya ng pamilya lalo na kapag magkakasama sila .

Kumain muna sila ng agahan at agad na ginawa ang kanilang unang agenda . Ang mag island hopping !

Masaya at nagkukulitan  pa ang pamilya sa pagpunta nila sa ibat ibang isla .

At syempre ang pinaka gustong gawin ni anderson ay ang tulungan sila nemo at dory !

Masayang nagmasid si anderson sa ilalim ng tubig habang karga karga ng kanyang ama. Batid ang kasiyahan sa kanyang mga labi na walang pagod at todo sa pagngiti . Maituturing na yata niya itong pinakamasayng birthday nya .

Bumalik sila sa pangpang para naman gumawa ng castle gawa sa sand na kung saan naging masaya rin si anderson sa paglalaro

Masaya rin ang magasawa na nakikita nilang masaya ang kanilang anak sa araw ng kaarawan nito .

" nay balik na ulit tayo sa dagat di ko pa tapos ang misyon ko kila nemo at dory ehhh "

Bumalik sila sa dagat ngunit hindi pa man sila nakalalayo ay malakas na alon na ang nakasalubong nila. 

Naputol ang kapit ni anderson sa tatay niya at napalayo.

" anak!"

Nakita na lamang ni anderson na nilalamon na ng ipo ipo ang nanay niya na agad namang tinulungan ng tatay niya ngunit sa kasamaang palad nadala rin ang tatay niya ng ipo ipo

" nay tay!" Umiiyak habang hirap sa paglangoy ang bata. 

" anak wag kang lalapit! "

" pumunta ka na sa pangpang !"

Sinunod niya ang mga magulang ngunit pagharap nya sa dagat ay hindi na niya nakita ang nanay at tatay niya.

Umiiyak parin si anderson at hindi alam ang gagawin

Hanggang sa gumabi na . Nakakita siya ng mga dahong malalaki na punulot at inipon niya upang mahigaan at magsilbing kumot niya sa gabing napakadilim .

Gusto nya sanang gumawa ng apoy pero ilang beses nya nang ttry ang ginagawang ng tatay niyang pagkuskus ng dalawang bato ngunit hindi niya magawa . Marahil at hindi sapat ang lakas niya dahil bata pa siya.

Hanggang sa namalayan na lamang niya na umaga na .

Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon