"Talaga?!" I asked with delight and excitement.

LoL. Muntanga talaga ako 😂

"Oo... Kaya sige na." Then she finally pull the knob to close the bathroom door

While inside the bathroom, everything that happened keep playing back in my mind. Isang linggo lang kaming nandito pero napaka dami na ng nangyari.

Is this really a corroboration of Love moves in mysterious ways ?

Baka nga.

Pero hindi ko din maiwaglit sa isip ko ang pangamba sa mga susunod pang mangyayari.

Alam kong marami pa kaming haharapin ni Glaiza. At susubukin kung gaano kami katatag at saan aabot ang kaya naming gawin para  panindigan ang salitang  Pag-ibig

Ayokong mauwi sa wala ang lahat na kapag mawala na ang alab na nararamdaman namin, mawawala na din ang pagkakaibigan.

Nangyayari talaga yun, diba?

Sabi nga nila,
Friends can be lovers,
But lovers can't stay friends after the relationship.

Aw. Tama ba?

Pero depende din kung paano nag end ang relasyon. Di din naman natin maiiwasan minsan maging bitter.

But I do hope, hindi yun mangyari samin ni Glaiza.

Iniisip ko pa nga lang, parang pinupunit na ang puso ko...

dahil sa isiping iyon, minabuti ko na lang na maligo nang sa gayon ay mawala ang pag aalala sa isipan ko...

...

Pagkalabas ko ng banyo, nakita kong tutok na tutok si Glaiza sa harap ng laptop nya. Nakasalpak ang earphones sa tenga at sigurado ako, naglalaro nanaman ito.

Idagdag mo pa ang pa-game face nya.

Hindi na ako nag abala pang pumasok ng banyo para mag bihis, don na lang din. Sigurado naman akong di nya ako mapapansin dahil nasa laro ang atensyon nya...

"Lablab!!!" Sigaw nito kaya napalingon ako sa kanya

"What the heck Glaiza?! Aatakihin ako sa puso sayo e! Why are you shouting ba?!"


"Bat dito ka nagbihis?! May banyo oh! Hello?!"

Isinubsob nito ang mukha sa kama.

"E bakit, anong masama?!"

"Anong masama? You're not alone in the room, FYI... Saka pwede ka namang mag bihis na naka tabon ng tuwalya ah..." Now she's lying and covering her face with the comforter.

"Oh, e bakit kung makasigaw ka jan e para kang napuputukan ng litid sa leeg... Para kang sira."

I hurriedly put on my clothes and hop in the bed.

"Tapos na! Ang arte neto..." Then hinila ko ang kumot na nakatabon sa mukha nya

Kanda salpok ang kilay nito kaya natawa ako.

"What so funny?!"

"Ikaw... Para kang sira... As if ba na hindi mo na nakita lahat sakin. OA mo...!" Biro ko

Namula agad ito kaya mas natawa ako

"Hoy, tumigil ka nga kakatawa jan... Wla namang nakakatawa e. Para kang baliw.!"

Hard Habit to Break #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon