"No." sabi ko habang tinititigan siya.
"It's good na may kakilala pala ako bukod kay Toby." sabi noong babae.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya.
Na sa lahat na lang ng taong pwede kong makasama ay siya pa ang naging kaklase ko.
"Do you still remember me? I'm Allysa."
Oo, tandang tanda pa kita, Allysa Alvarez. Ang linta sa buhay ni Caleb.
**
Hay, what a long day for me. Grabe, first day pa lang pero ang dami ng schoolworks na kailangan. Kaya ko naman silang lahat eh except sa isa.
Ang gumawa ng movie review ng isang horror movie.
Paano ko magagawa 'yon kung takot akong manood? Nakakatrauma na kasi eh, last time kaya na nanood ako ng horror movie ay nilagnat at hindi ako nakatulog ng isang buong linggo.
Kaya ayon, matapos noon ay inayawan ko na ang panonood ng horror.
Pero ngayon kailangan ko nang manood kung hindi bad shot agad ako sa prof ko. At ayokong mangyari 'yon!
Maghanap na lang kaya ako sa internet ng movie reviews?
But that's cheating! <-konsensya
"Hoy!"
Nagulat ako ng paluin ni Caleb ang table namin.
"Caleb naman, gusto mo ba akong atakihin sa puso?" sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang puso.
"Eh para kasing ang lalim niyang iniisip mo eh. Andito naman ako ah. 'Wag mo na akong isipin." sabi naman ni Caleb.
Pinalo ko siya. Syempre, 'yong malanding palo.
"Ang kapal mo talaga!" sagot ko.
"Bakit? Hindi mo ba ako iniisip?" tanong niya at sumimangot siya.
Ito namang si Caleb eh. Alam naman niyang nahuhulog ako lalo sa mga ganyan niya eh.
Hindi ko na siya nasagot nang dumating na ang order namin.
Magkasama kami ngayon sa isang restaurant na malapit sa condo ko.
Yes naman! Lakas ko makapagsabi ng condo eh. Okay lang 'yan, galing ka 'yan sa dugo't pawis ng tatay ko. Graduation gift niya sa'kin 'yan. Mayaman naman kasi siya eh. At tsaka ang katwiran niya, mas okay na 'yon dahil mas malapit iyon sa UP at nag-aabroad na naman kasi si mama.
Okay, back to us na uli ni Caleb. Baka magtaka na naman 'yon kung ano ang iniisip ko.
"Kamusta ka naman sa UP main?" tanong niya sa'kin.
"Ayon, wala pa rin akong friend. Tapos ang dami dami na agad ibinagsak na schoolworks sa'min. Kastress!" sagot ko.
Well, 'yong doon sa walang friend part, hindi ko sure 'yon. Eh kasi naman, itong si Allysa feeling close sa'kin (or nakikiclose) dahil nga daw ako lang ang kakilala niya sa klase namin kanina. Tapos pati 'yong boyfriend niya na si Toby (I can smell AWKWARD) ay nakikipagclose sa'kin.
Ayoko namang sabihin kay Caleb 'yon dahil number one, baka landiin uli siya ni Allysa (naku! kahit may boyfriend na siya, hindi ko pa rin siya trusted) at number two, baka pagselosan niya si Toby.
Natawa naman si Caleb sa sagot at itsura ko.
"Kayang kaya mo naman 'yang schoolworks na 'yan eh. Ikaw pa!" sabi niya sa'kin.
Ang lakas talaga ng bilib nito sa'king boyfriend ko eh. Mas mataas pa kaysa sa'kin.
"Kaya ko naman eh, except sa isa."
BINABASA MO ANG
My Best Friend and My Boyfriend (Book 3)
RomanceKung sa tingin mo ay nakamit na ni Aria ang happy ending na hinihintay niya, pwes nagkakamali ka. Mas maraming conflicts, mas maraming revelations and definitely, mas maraming kilig! Kaya tunghayan na ang huli at ikatlong libro ng Best Friend Boyfri...
Chapter 1
Magsimula sa umpisa