“Hindi sa ganun?”

“Then why you acting like shit?” sumigaw na si Sophia.

“Kelangan ako ni Adrienne ngayon” i stay calm.

“at paano ako?. Paano ang bata sa sinapupunan ko?”

“Gulong gulo na ang isip ko, ayoko na. aalis na ako, bahala ka sa buhay mo. Basta kelangan ako ni adrienne ngayon” tumalikod ako at noong malapit na ako sa pintuan ay narinig ko ang huling sinabe ni Sophia.

“Once na lumabas ng kwartong ito, hinding hindi mo na ako makikita, o maski ang anino ng batang ito karlo. Tandaan mo yan”

pero nagpatuloy parin akong lumabas ng kwarto nya. Sumunod na narinig ko ay mga basagsakan ng kung ano anong mga inihigis ni Sophia. Gusto ko mang syang balikan pero hindi ko magawa. Kelangan ako ni Adrienne ngayon. Kelangan nya ng taong makakausap at makakaunawa sa kanya. Kelangan nya ang tulad ko. Pero paano si Sophia?. Paano ang bata sa tyan nya?.

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at drinive ang kotse patungon sa hospital na syang pinagdalhan kay Adrienne. Pero gaya parin kanina ay hindi parin ako gustong makausap ni Adrienne. Nagdesisyon nalang akong umuwi ng bahay. Tinatawagan ko si sophia pero unattended na ito. Pagod na pagod na ako ng oras na iyon. Pagod na pagod na ako sa mga nang-yayari. Gusto ko ng matulog at ipikit ang mga mata ko. Pero noong wala na akong marinig kundi ang katahimikan sa loob ng kwarto ko at, bumigay na ako. Bumigay na ako gaya ng isang batang inagawan ng kendi. Umiiyak ako, tahimik at walang pag-imbot. Bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Tama ba ang mga ginagawa ko?. Tama ba itong mga ginagawa ko?. Tama ba ang iniwanan ko si Sophia at mas pinili ko si Adrienne?. Puro na ako tanong sa sarili ko. Pinag-susuntok ko pa ang ulo ko na kanina pa sobrang sakit. Parang kumikirot, parang may kung anong bagay na syang nagpapakirot sa loob ng ulo ko. Wari’y may kung anong bagay na nagbibigay ng instant migraine sa aking ulo. The next thing I knew, nakahiga na ako sa aking higaan. At namimilipit sa sobrang sakit na aking nararamdaman.

Magkahalo ang sakit na aking nararamdaman. Ang pagkirot ng aking ulo. At ang pagkirot din ng aking puso.

Mahirap magtimbang sa mga bagay na sobrang mabigat ang nararamdaman ko sa dalawang bagay na iyon. Tumigil ang sakit, napalingon ako sa taas, saka naman tumulo ang mainit na luha galing sa aking mga mata. Di ko na ininda ang sakit na nararamdaman ko sa akin ulo. Dahil wala na sigurong mas sasakit pa sa nararamdaman ni Adrienne at ni Sophia ngayon.

Nabalitaan ko na nakalabas na si Adrienne kinabukasan. At isang masamang balita rin ang nabalitaan ko kinabukasan. Noong nasa harapan ako ng bahay nila Sophia, sinabe sa aking ng kanilang kapitbahay na, umalis na raw sila sa bahay na iyon. At bumalik sa ibang bansa. Tinototoo nga ni Sophia ang banta nito sa akin, na kapag lumabas ako ng pintuang iyon ay hinding hindi ko na sya makikita. Hinding hindi ko na makikita kahit ang anino ng aking anak.

Tatay na ako, sa edad kong 16 years old ay kabilang na ako sa magiging tatay 9 na buwan simula ngayon. Ang sarap sabihin na tatay na ako, pero alam ko na mabigat ang responsibilidad na maging ama. Napaka-bata ko pa para maging ama. Pero ganito talaga ang buhay, kapag nakagawa ka ng isang bagay na hindi tama, may karampatang parusa ito. Hindi ko sinasabe na parusa ang baby namin ni Sophia, kundi yung bagay na ginawa namin ay isang bagay na syang hindi dapat ginagawa ng mga batang kaedaran namin. Masyado kaming naging mapusok sa aming mga damdamin. At ito ang naging bunga.

Hindi ko na makikita ang anak ko. Ang unang sanang magmamana ng mga bagay na syang pag-sisikapan kong gawin habang patanda ako. Naluluha na naman ako sa katotohanan na lahat ng mga taong minamahal ko ay napapahamak. Una si Adrienne, pangalawa si Sophia. Na walang ginawa kundi ang intindihin at mahalin ako ng buong puso at buhay nya.

…………………….

All Right Reserved 2014

Copyright by: Mervin Canta

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon