Chapter 14 (Take a risk)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alright, fine if that's what she wants." she write it down on paper.

"Why don't we wait for her to come back? She has more ideas to share for sure. Anyway, she'll be here in three months."

"I know and that's my point."

"What's with the rush, Maggy?"

Maang siyang tumingin dito. "Isn't it obvious? I wanna go back to Manila."

He smirked. "I don't think that's possible. Tatlong buwan. Iyan ata ang narinig ko na sinabi sa iyo ni Lola."

Biglang pumasok sa isip niya ang nakataas na kilay ng lola Maldita, este Matilde niya. "Oh, shut up." Lihim na lamang siyang nagpasalamat ng dumating na ang inorder nilang pagkain.

Habang kumakain ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Napapaisip siya. Para kasing hindi pa masyadong kilala ng mga ito ang isat-isa. Ni hindi nga nito alam ang paboritong kulay ni Sheena. O baka naman nagbibiro lang ito? Paano kung nabibigla lang ang pinsan niya sa desisyon na magpakasal dito? At paano kung hindi pa naman talaga handa ang mga ito?

Ahh... Wala na siguro siyang pakialam pa kung ganoon man ang sitwasiyon. Ang gusto niya ay hilahin na ang mga araw at gabi para makabalik na siya sa Manila.

Abala ito sa pagkain nito habang siya naman ay wala sa pagkain ang atensiyon kundi nasa kaharap niya. Lihim niya itong pinapanuod kumain. Kahit kasi kumakain ito ay ang gwapo parin nitong tingnan. Ang sarap nitong kumain. Hindi sinasadya na napasulyap siya sa mga labi nito ng sumubo ito ng pagkain. Para tuloy eksena sa pelikula na nagbalik nanaman sa ala-ala niya ang halik na namagitan sa kanilang dalawa.

Damn..

Pakiramdam niya ay nag-init bigla ang kaniyang mukha. Wala sa isip na kinuha niya ang baso at inubos ang laman noon. What is happening to her?

"Are you just gonna stare and watch me eat the whole meal?"

Tinamaan ng magaling. Hindi parin pala niya inaalis ang mga mata dito. "B-busog na ako."

"Nabusog ka saan?" Tiningnan nito ang pinggan sa harapan niya. Halos hindi niya nagalaw ang laman niyon.

Sa kakatitig sa iyo. "Nah, I don't really eat breakfast. A-I preferred fruits." pagdadahilan niya rito. Paano ba naman kasi siya makakakain kung ito ang nakikita niya? Imbes na kumain siya ay pinapanuod niya lang ito. Mas masarap kasi itong titigan kesa sa pagkain niya...

Damn it Maggy. Ang landi mo!

"Bakit hindi mo sinabi kanina? Wait here." tumayo ito at pumasok sa pintuan na pinasukan ng waiter kanina. Ilang minuto rin itong nawala at ng bumalik ay meron na itong dala na isang basket ng ibat ibang klase ng prutas.

"Ano 'yan?!"

"Fruits."

"I'm not stupid. Alam kong prutas ang mga iyan. Saan mo kinuha ang mga ito?" nandoon ang ilan sa paborito niyang prutas. Dumampot siya ng ubas.

"Hindi ko alam kung anong klaseng prutas ang gusto mo, kaya kinuha ko na lang ang mga nakita ko. Siguro naman makakakain kana niyan?"

"Yes, than-"

"Naks naman si Matt. Congrats sa inyo pare." natatandaan niya ito. Isa ito sa mga kaibigan nito na nakita nila sa dalampasigan noong nakaraang gabi.

"Bakit andito kayo?" nakasimangot nitong tanong.

"Tumawag kasi sa amin si Chef. Nagrereklamo siya, kinuha mo raw lahat ng prutas sa kusina niya."

"Mukhang totoo nga. Ang bilis mo Matt ha. Congratulations." sabi ng bagong dating na hindi niya matandaan kung sino.

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon