"Haha! What do you mean? Excuse me, i wont do that. Never as in never."

Madiin nyang sabi.

"Mabuti naman kung ganon. Okey, rule #4 wag na wag mo akong papakealaman sa mga gusto ko."

"Yes i will."

Mabilis nyang sagot.

"Meron paba? Inaantok na kasi ako e."

Sabi nya kaya nag isip pa ako ng iba. Pero sa ngayon wala naman na.

"Okey, rule #5. Ahm- ikaw naman kaya mag isip. Ako na nga sa apat e."

"Okey okey. Rule #5. Dont break the rules."

Pagkasabi nya non ay umalis na ito sa harapan ko. Naiwan naman muna ako sa living room. Papaunahin ko na syang umakyat. Ayaw ko syang makasabay.

After 10 minutes ay napag isip kong pumunta na sa kwarto ko. Ngayon ko palang nakita ang kabuuan ng bahay, dahil ngayon palang naman ako nakarating dito sa taas.

May magkatapat na pintuan akong nakita. Hindi ko alam kung saan ang magiging kwarto ko. Pero nang may makita akong papel na nakadikit at may nakasulat sa pintuan ay naliwanagan ako.

"Strictly NO ENTER specially when your name was vanessa."

Sabi dun sa sulat.

"Psss."

Sabi ko sabay pasok na din sa kwarto ko. Naghanap din ako ng papel at tape saka din ako nagsulat ng ididikit ko sa pintuan ko.

"Dont dare enter if you are pathetic ugly."

Natatawa pa ako ng idikit ko ito sa pintuan ng kwarto ko.

-----
Kinabukasan. Maaga akong nagising, papasok pa kasi ako sa eskwelahan. Ya im still studying. And im taking BSIT as my course. Graduating naman na ako this year kahit papano ay nakakapasa pa naman ako.

Pagkalabas ko ng pintuan ng kwarto ko ay sakto namang palabas na din si lui sa kwarto nya. I give a space para makita nya yung nakasulat sa pintuan ko, pero di naman ito lumingon.

Halos magkasunod lang kame sa hagdan.

"Goodmorning lovers!"

Bati nung babae na bigla bigla nalang sumulpot sa harapan namen.

"Who are you!?"

"Sino ka!?"

Sabay pa kameng nagtanong ni lui.

"Ah, mam ser. Ako pala yung pinadala ng mommy nyo po na maging yaya nyo daw, bantayan ko daw po kung nagwowork daw ba ang relasyon nyo e."

Si mommy!? Anak ng putcha. Bat kailangan maging ganito?!

"Ha, kaya naman namin e. Diba husband?"

Pinanlakihan ko ng mata si lui para sumang ayon.

Pero hindi ko inaasahan ang sinabi nya.

"Yeah. We need yaya, kase halata namang hindi ka marunong magluto at sa mga gawaing bahay."

Nasapak ko nalang ang noo ko. Akala ko pa man din nagkakasundo na kami.

"Prepare breakfast yaya. Gutom na ata si wife."

Sabi nya saka sya sumunod sa may dining area. Kaya sumunod nalang din ako.

"Ano kaba naman!"

Inis na sabi ko sakanya.

"Why?"

The Teen'age Wife (Updating)Where stories live. Discover now