"Aish. Tae-ssi! Papalagay ka rin."

Sabi ni Hoseok na padabog na kumain. Taehyung is so adorable.

"Manahimik ka gusto ko rin malagyan ng ulam!"

Sabi ni Taehyung na nakikipag sukatan kay Hoseok. Nilagyan ko siya ng ulam at nginitian. Pinakita niya sa akin ang emoticon niyang ngiti. He is the living emoji ang sabi ng lahat. Lahat yata ng emoji ng phone ko nasa kanya na. (Tingnan mo yung mga emoticon ng phone mo. Ganyan si Taehyung lol)

"Kamsahamnida!"

Masayang sabi nito. Napatingin ako kay Jimin na nakatingin lamang kay Jungkook habang nagsasalita. Tapos na siyang kumain.

"Diet si Jimin. Ikaw hindi kana kakain?"

Tinaas ni Jin ang ulam na nasa kanyang chopsticks. Umiling ako bilang sagot. Busog na rin kasi ako.

"Diet ka?"

Tanong ni Jin sa akin.

"Hindi ah! Madami na nakain ko."

"Mas maganda sa babae ang malakas kumain."

Sabi ni Jimin na nagpakunot ng noo ko.

"Hindi maganda sa lalaki ang mag diet. Magagalit fans mo pag nalaman nilang nagda-diet ka."

Okay lang kahit mawala abs- yung muscles mo. Hindi magugustuhan ng fans kung malaman nilang hindi sila kakain ng maayos. Nakita kung umupo ng maayos si Jimin at nakakunot yung noo.

"Paano mo nalaman?"

Tanong nito sa akin.

"Sabi ni Jin."

"Hi-hindi.Yung tungkol sa fans namin na magagalit."

Shoot! Ottokae? Noon ko pa nalalaman na against yung fans sa pagda-diet nila. Tumawa ako para hindi mahalata.

"Staff niyo ko kaya alam ko."

Sabi ko at uminom ng tubig. Tumayo ako at dinala ang pinggan sa sink.

"Uminom ka na lang kaya ng gatas Hyung para tumaas ka."

Oh no! Kookie-yah! Ayaw ni Jimin na paglaruan ang height niya pero sadyang magaling talaga mang inis si Jungkook. Nakarinig ako ng hampas. Napangiti ako the usual Jimin when he gets angry. Hahampasin ang table pagkatapos ay tatawa ang mga kasama niya at siya magpipigil ng tawa hanggang sa huli magtatawanan sila. Sila lang yata ang makakagawa nun. Hindi naman siguro marunong magalit si Jimin. Nakarinig na ako ng tawa kaya napatingin ako.

"The most beautiful thing is watching each of you being happy. Ito lang naman ang hiling namin (ARMY's) sa inyo maging masaya kayo at kompleto. As long as we are together we will be happy."

I whispered. Napangiti nalang akong nakatingin sa kanila. Napatingin akong sa biglang sumiko sa akin.

"Nakita mo na ang Bangtan. Ano ang susunod mong gawin?"

Napatulala ako sa tanong ni Manager Kim. Nakita ko na sila. Ano na nga ba ang gagawin ko? Uuwi na? Napailing ako bigla.

"I dunno. Hi-hindi ko alam."

Tumalikod ako at humarap sa sink.

"Manager-nim may ginawa ka ba kay Ava-chi? Namumutla kasi siya."

Rinig kung tanong ni Jin na dala-dala ang mga pinggan na huhugasan. Lahat sila nakatingin kay Manager Kim except for Yoongi na naglalakad na palabas.

"Wala akong ginawa!"

Iiling-iling na sabi ni Manager Kim habang yung dalawang kamay niya nasa taas. Lumapit silang lahat.

"Okay ka lang Ava-chi?"

Lapit sa akin ni Jin at mahinahon niyang hinawakan ang aking balikat. Tumawa ako ng makitang pinagkakaguluhan na nila si Manager Kim. Si Taehyung na hinahawakan ang ulo ni Manager at sinuot pa niya ang glasses nito, Si Hoseok at Namjoon hinahawakan nila ang magkabilang balikat at si Jimin tumatawa at aakmang hawakan ang tiyan nito.

"Wala nga akong ginawa."

Nagsitawanan silang lahat.

"No.. Wala siyang ginawa."

Sabi ko kay Jin na matawa-tawa.I looked at them as they tried to tickle Mr. Kim. Nakita ko si Yoongi na nanunuod while leaning his body to the wall. He have this little curve at the end of his lips.

"Tulungan mo ko Ava. Hahaha Tu-hahahhaha tulong!"

Panghihingi ng tulong ni Mr. Kim. Natawa na rin si Jin na katabi ko. Pulang-pula na ang mukha ni Manager Kim kakatawa. Mukhang ako rin. I will never forget this.

Can I stay a little bit?


The Bulletproof FanWhere stories live. Discover now