Chapter 1: Academy

647 118 171
                                    

Chapter 1: Academy

-Tory’s Point of View-

“Dalawang buwan ka ng hindi nakakabayad kaya lumayas ka na ritong leche ka!” isang nakakabinging sigaw ng bruha ang akin nadatnan sa loob ng aking apartment.

Isinandal ko ang aking balikat sa may malapit na poste habang pinapanood itong tinatapon ang aking mga kagamitan sa labas.

Ang masasabi ko lang sa kanya ay wala akong pakealam? Eh ngayon ngayo’t din ay aalis na ako rito. Di ko na kaya ang pagiging bungangera ng babaeng yan na ang alam lang ay mag videoke mula umaga hanggang gabi.

“Tapos ka na? ” nakataas kilay kong tanong sa kanya.

Bumuntong-hininga muna ako bago ako kumalas sa pagkakasandal sa poste. Kumuha ako ng bato at agad na itinapon ito sa bintana ng apartment.

“Boom Basag!” nakangising sambit ko.

Dali-dali kong pinulot ang mga iilang gamit ko at agad na kumaripas na ng takbo.

“Mag babayad kang bata ka!” iyan ang huling narinig ko sa bunganga ng bruhilda.

Habang habol-habol ko ang aking hininga dahil sa ginawang pagtakbo, ay napag desisyonan ko munang huminto sa isang waiting shed.

“Kapag minamalas ka nga naman,” napailing na lamang ako nang bumuhos ang napakalakas na ulan at wala akong choice kung 'di mag i-stay rito sa waiting shed habang di pa ito tumitila.

Mag isa na lamang ako sa buhay. Namatay ang aking ate dahil sa malubhang karamdaman. Mayaman kami dati, dahil isang private lawyer si ate ngunit nagkan de leche-leche ang aming buhay dahil sa kanyang sakit. Bata pa lamang ako nang di ko man lang naramdaman ang kahit katiting na paga-aruga ng isang magulang. Siguro ay inawan na lamang kami ng mga ito ni ate ng basta-basta sa kadahilanang nahihirapan na sila sa pag-aalaga sa amin.

“Ate, tahan na,” dinig kong sabi ng isang bata sa akin kaya na alimpungatan naman ako.

Ay grabe panira ng moment ang batang ito.

“As if you care,” pairap na sabi ko ngunit ngumiti lamang ito ng malapad.

“Ba’t ka po umiiyak, Ate?”

“Hindi ako umiiyak! Masaya ako!” iritang sagot ko.

Bakit lahat na lang sila sinasabing umiiyak ako. Yung ate ko, pati na rin yung mga kaklase kong panay bully sa akin, eh ang bo-bo-bo naman.

Lumapit ang bata sa akin at itinaas niya ang kaliwang kamay nito. She touches the left part of my eye at parang may pinapahid siya rito.

“Ayan po ate oh. Umiiyak po kayo,” maamong saad ng bata.

“Hindi nga sabi ako umi i… hala nasaan na ang batang ‘yon?” takang saad ko na lamang pagkatapos kong punasan ang mga mata ko.

Paraan ko para hindi masabing umiiyak ako. Hindi naman talaga kasi ako umiiyak. Masaya nga sabi ako!

Baka guni-guni ko lang iyon. Maka idlip nga muna.

Kinuha ko ang twalya ko at ginawa itong kumot. Nahiga ako sa bench at sinimulan kong ipatong ang ulo ko sa cellophane na may mga lamang damit.

Sinimulan kong ipikit ang aking mga mata para umidlip ngunit napalitan ito ng napakahimbing na pagtulog.

Mga ilang oras pa ang nakalipas ay hindi ko na rinig pa ang pagbagsak ng ulan, pati narin ang mabahong amoy na dala nito.

EnsorcelledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon