37. Itinadhana sa Akin

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kilos na Elf, lead the way." Utos ni Vane.

May gustong sabihin si Ysa ngunit minabuti nyang sundin na lang ang lalaki.
She pouted her lips  at him bago  nagpatiuna sa paglalakad habang ito ay nakasunod sa likod nya.

*****

Nahanap nila ang bahay na tinutukoy ni Stephanie sa kwento nito.

Spanish house  na two storey ang taas. Hindi tulad ng tulay, sira-sira na iyon at mukha pang hunted house sa malayo.

Wala ng gamit sa loob ng bahay at puro dumi na lang ng hayop.
Halos ang west area na lang ang buo at ang ibang bahagi pa ng bahay ay wasak na.

Nagdesiyon ni Vane at Rolf na dito na magpalipas ng gabi.

Bago magdilim naghanap muna ng makakain sina Stendi at Vox.

Saging at buko ang hapunan nilang lahat.

Hindi kumain si Vane, ganon din si Rolf.

Si Ysa din ay wala na sanang balak makiagaw sa pagkain na kulang pa sa mga kasama niya ngunit lumapit sa kanya si Vane at inilagay sa palad nya ang isang saging.

"Eat." sabi nito bago tinalikuran sya.

Nang tuluyang gumabi hindi na sila gumawa ng apoy at tanging  cellphone na lang ang ginamit na tanglaw sa madilim na gabi,  nang sa gayon ay hindi sila matunton ng mga kalaban.

Tulog na ang lahat maliban kay Ysa na nakahiga sa isang gilid katabi ni Gen, nasa kanang bahagi silang mga babae habang nasa kaliwa ang mga lalaki.

Sa second floor nila piniling magstay lahat para makapaghanda kung sakaling may mga kalaban na paparating.

Tahimik na tumayo si Ysa.

Hindi sya makatulog. Bumaba at lumabas sya.

Tunog ng mga insekto at hayop panggabi ang sumalubong sa kanya.  Kaagad din na lumamig ang balat nya ng umihip ang panggabing hangin.

Madilim ang paligid at tanging buwan lang ang tanglaw niya sa paglalakad.

Nakalayo na sya sa lumang bahay ng makarinig sya ng kaluskos, eksaktong paglingon nya sa isang parte ng gubat lumabas naman ang mga kalalakihan na humahabol sa kanila.

Payuko na mabilis syang  tumakbo ng magpaulan ng bala ang isa sa mga ito sa direksyon nya. Tinalo ng tunog ng baril ang ingay na nililikha ng mga hayop at insekto.

Kumuha sya ng batong halos sinlaki ng kamao nya, nang tumigil ang putukan mabilis syang lumabas at hinagis ang hawak na bato sa isa sa mga ito.

Napatago ang ibang kalaban ni Ysa ng bumagsak ang tinamaan nya ng bato.

Sinamantala nya iyon at mabilis na tumakbo palayo sa bahay kung nasaan ang mga kasama nya.

Sa pagtakbo nya nakarating sya sa may tulay.

"Tigil o babarilin ka namin." Sigaw ni Alvin habang nakatutok ang baril na hawak  sa kanya.

Nasa gitna na sila ng tulay noon na umuuga-uga dahil sa ginawa nilang pagtakbo, mabagal nyang itinaas ang dalawang kamay bago dahan-dahang humarap sa mga ito.

Napangisi si Alvin ng makita na nag-iisa lang si Ysa.

Nakatutok parin ang baril na lumapit ang lalaki sa kanya.

"Nakita ko ang ginawa mo kay Hans. Barilin din kaya kita sa mata?" Sabi ni Alvin na nakalapit na kay Ysa sa likod nito nakasunod ang anim pang lalaki.

"Maganda yan pare ah." Sabi ng isa na nakatingin kay Ysa ng buong pagnanasa.

Napatingin din si Alvin sa babaeng kaharap. Maganda nga ito kahit may pilat sa pisngi . Sexy din.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon