Nakita ko ang pag igting ng bagang ni Daryl. Shemay.

“My her---“

“Cooousin!” sigaw ko ng makawala ako sa kanya. Nanlaki ang mata ni Ash. “hehehe. Cousin ko sya, cge ha! Alis na kami. Ash. Tatawag nalang kita mamaya. See you!” sabi ko tapos hinatak si Daryl paalis sa cafeteria. My gosh! Kung hindi ko sya napigilan baka naisigaw nyang finacee ko sya. Pinagtinginan na kami ng mga estudyante. Baka mamaya nyan naissue pa kami ni Daryl.

Hihilain ko sana sya sa classroom kaso, hinila nya ako papuntang parking lot. Binuksan nya ang kotse nya at ipinasok ako doon.

“Daryl! Anu ba!” sigaw ko.

Pumasok sya sa loob tapos ay tinitigan ako ng nakataas ang kilay. “Jes. Huh?” saad nya.

“Anu bang kinagagalit mo? Tss, I can’t believe you!”

“Hindi kana pupunta sa bar, Jessica. Not anymore!” sabi nya. Nanlumo ako.

 

“What? Bakit ba ikaw ang nagdedecide? Nakakainis kana ah!” sigaw ko.

“kung asan ka laging may gulo! Lagi kang nadidisgrasya kaya hindi pwede!” sigaw nya sakin pabalik.

Sobrang naiinis na ako sa kanya. Napupuno na talaga ako! Hindi pa naman kami magasawa para pagmalupitan nya ako ganito! Nakakainis sya! Nakakainis!

“pupunta padin ako! Sa ayaw at gusto mo!” sigaw ko. Ngumise sya.

“Wag mo akong subukan, Jessica.” Aniya

“Bakit ba? Bakit mo ba ak---“

“WHAT THE FVCK! WAG MO AKONG PAGALALAHANIN PALAGI PWEDE? WHAT IF YOU CRY AGAIN? PAANU KONG MASUGATAN KA? PAANU KONG MASAKTAN KA? PAANU KONG MABASTOS KA ULIT? DAMMIT JESSICA! IM SO SCARED TO DEATH! BAKA MAMAYA NYAN KUNG ANU ANG MANGYARI SAYO!!” sigaw nya. Nanlaki ang mata ko, Napatahimik ako sa sinabi nya. What was that? Anung ibig sabihin nun?

BADUMP. BADUMP. BADUMP.

Heart beats fast. Butterflies in my stomach again.

Uminit ang pisnge ko.

“An- anung g-gusto mong gawin ko?” tanung ko.

Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim. “Stay. Just stay.” Mahinahong tugon nya.

Tumungo-tungo lang ako. Lumabas na din kami ng sasakyan nya pagkatapos. Mapula padin ang pisnge ko hanggang sa makarating ako sa classroom. Hindi magfufunction ng mabuti ang utak ko. What the?

Napahawak ako sa dibdib ko, bakit ang lakas padin ng tibok. Wah! This is bad. Ang lakas.. ang lakas ng tibok.

Wala akong imik sa sasakyan hanggang sa makauwi ako ng bahay. Hindi kami sabay ni Daryl ngaun kaya pinasundo nya ako sa driver.

Love Again: Daryl Enrique StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon