"Bangtan Boys Hidden Daughter?" Napanganga ako sa nakasulat na article.
"Teka? Hi-hindi sa akin ito!" Reklamo ko.
"Anong hindi sayo? Ang linaw-linaw ng pangalan mo sa baba oh!" Tinuro niya ang pangalan na nakalagay sa baba ng article.
"Hindi! Hindi Akin ito! Hindi ako ang gumawa!" Tinignan ko ang time frame at malinaw na kakapost lang nito. Ilang saglit lang ay sabay-sabay na nag ring ang mga telepono.
"Aish! Heto na naman tayo!" Iritableng saad ng kasamahan ko.
Ano ito?
Bakit may ganitong article?
Hindi akin ito!
---***---
Namjoon's POV:
Malakas na ibinagsak ni Mr. Bang ang dyaryo na kanyang hawak. Pinatawag niya kami sa Opisina niya dahil sa malaking problema.
"Hindi ba ang sabi ko ay mag ingat kayo? Bakit nakalabas ito?" Lahat kami ay napatingin sa nakasulat sa dyaryo.
"Oh My! Ba-bakit may ganyang issue?"-JHope.
"Lagot na."-Jimin.
"Paanong nakalabas ito?" -Jin.
"Mr. Bang, sabihin nalang natin na tsismis lang iyan. Wala naman silang ibedensya. Ni picture nga wala sila." Saad naman ni Suga. Puro text lang kasi iyon at walang litrato.
"Oo nga po Mr. Bang. Sabihin na natin na sinisira lang nila kami kasi successful ang comeback namin." Ani Jungkook.
Tama naman siya doon. Napapansin ko din sa tagal na namin sa Idol world ay lagi kaming nakakatanggap ng negative article lalo na kapag successful ang event namin. Dapat sanay na kami sa ganitong issue.
"Pero iba ito Boys. Hindi ito chismis lang. Fact ito. Tingin niyo tanga ang mga journalist? Maglalabas ba sila ng ganitong issue kung wala silang ibedensya? At ikaw Jimin." Napatingin kaming lahat kay Jimin.
"Bakit po Mr. Bang?" Tanong nito.
"Alam mo bang si Miss Choi ang nagsulat nito?" Nagulat kami sa sinabi ni Mr. Bang.
"Sabi ko na nga ba, may hidden agenda yang girlfriend mo." Ani Suga. Bigla namang tumayo si Jimin at kinuwelyuhan si Suga. Bakas sa mata ni Jimin na hindi niya gusto ang sinabi ni Suga sa kanya.
"Guys! Kalma lang!" Pumagitna naman si JHope sa kanila.
"Jimin. tama na yan." Pigil ko dito. Agad naman niyang tinanggal ang pagkakakwelyo nito at umupo sa kanyang upuan.
"Hindi niya magagawa iyon. Baka ginamit lang ang pangalan niya." Pagtatanggol nito.
"Totoo man o hindi na siya ang gumawa, please lang. Kausapin mo siya at burahin ang article na ito." Matapos iyon sabihin ni Mr. Bang ay lumabas na ito ng opisina.
"Hyung, ano ng gagawin natin?" Tanong ni Jungkook.
"Paano si Ami? Anong mangyayari sa kanya?" Ani V.
"Wag tayong magpaapekto. Naniniwala akong sinisiraan lang tayo tulad ng lagi nilang ginagawa." Saad naman ni JHope.
" Pupuntahan ko si Nari." Tumayo si Jimin at akma ng lalabas ng Opisina nang biglang pumasok ang Manager namin.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito kay Jimin.
"Pupuntahan konang Girlfriend ko." Aniya.
"Hindi pwede. Madaming reporter sa labas." Aniya.
"Pero kailangan kong puntahan siya. Gusto kong ipaliwanag niya ang nangyayari." Iritable nitong saad.
"Sabi ni Mr. Bang ay bawal kayong lumabas." Wala na itong nagawa kundi ang mainis at bumalik sa kinauupuan niya.
"Oh hindi!" Sigaw ni JHope habang nakatingin sa phone niya.
"Bakit Hyung?" Lumapit sa kanya si Jungkook at napahawak na lamang ito sa bibig sa pagkagulat.
"Hyung...Yung picture." Aniya bago ipakita sa amin ang nasa screen ng phone niya.
Kaming Pito kasama si Ami.
"Hindi lang iyan. Meron pa." Ani Jin at pinakita din sa akin ang nasa Screen ng phone niya.
Si Ami kasama ang Mama niya.
Pati yung nasa Ospital at Comeback ay nakuhanan siya.
"Namjoon.. Ano ng gagawin natin?" Kahit ako ay hindi rin alam ang gagawin.
Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.
Bakit nila ito ginagawa sa amin?
Sino ang nasa likod ng mga ito?
Paano na si Ami?
Mauulit na naman ba sa kanya ang nangyari sa Mama niya na hindi nakapagdebut dahil sa amin?
BINABASA MO ANG
I Have Seven Daddies
FanfictionIsa po ako sa mga Adik sa mga lalakeng ito. Sorry. Mahal ko lang po talaga sila. 😂😂 Wag magtaka kung nagtatagalog sila. Naka-DUBBED Po itong story ko. Haha. ( Lakas maka KDrama) Newei, sana magustuhan niyo. -JHope's Wifeu~ ----*--- Prologue: Manin...
Article
Magsimula sa umpisa