Kabanata 1

604 12 2
                                    

Dalawang Talata ng Kabanata 1

Pumasok si Gallel kasama ang dalawang bathala at dalawang bathaluman sa isang malawak na kagubatan. Madilim, sapagkat hinaharangan ng mga dahon ng matatayog na puno ang mga silahis ng Araw. Ngunit panakanaka ay may nadadaanan silang mga punongkahoy na may sariling liwanag ang mga dahon at sanga. Habang binabaybay nila ang kasukalan, iba’t ibang huni ang kanilang naririnig: may mga sitsit, siyap at sipol, may mga alulong, may tila mga iyak, at may tila mga halakhak.

Wala lang para sa Apat na Celestia ang mga huni. Kilala nila ang mga hayop at iba pang nilalang na lumilikha nito. Subalit siya’y balisa. Napapapitlag siya sa tuwing may kaunting kaluskos. Tila ba inaasahan niyang may kakagat sa kanya sa dilim. Inunat at inalog niya ang kanyang mga pakpak para maalis ang maliliit na insektong kumapit dito. Napatalon siya nang biglang nagsalita ang bathalang si Arde sa kanyang likuran.

‡‡

Paumanhin: Kasalukuyang hindi nakapaskil ang mga kabanata. Chapters are currently unpublished.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Encantadia: Ang Apat Na Makapangyarihang Celestia 🎉
Encantadia: Ang Apat Na Makapangyarihang CelestiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon