Chapter 22: The Nerd?

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero may natatandaan akong isang tao kapag titigan ko siya. Imposible naman na siya ang taong 'yon.

"Video call."

"Video call?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Magka-video call kami ni Kaye ng bigla kang nahagip ng camera. Busy ka ng araw na 'yon kaya hindi mo ako napansin. Noong oras na nakatulog ka dahil sa pagod do'n na nagsimula na i-kwento ka sa akin ni Kaye. Actually, Napahanga mo ako dahil sa pinapakita mong tapang at tatag ng loob. Kahit na nasasaktan kana nakakaya mo parin ngumiti. Sa tingin ko nga halos lahat ng tungkol sayo alam ko dahil sa pagiging madaldal ni Kaye."

Biglang namula ang pisngi ko dahil baka nasabi din ni Kaye na mahilig ako kay Spongebob. Mababatukan ko talaga mamaya ang babaeng 'yon.

"Oh, I forgot! "

Napansin ko na may kinuha siya sa bulsa niya pagkatapos tumayo siya sa harap ko habang ako ay nakaupo lang sa duyan at nakatingala sa kanya.

"Here."

Tiningnan ko ang nilagay niya sa palad ko na ikinapula ng pisngi ko. Nakakahiya dahil mukhang alam niya na nga.

"Why are you blushing? Kinikilig ka naba sa akin?" nakangisi niyang tanong habang nang-aasar ang kanyang mukha.

"H-hindi ah!" mabilis kong tanggi sa kanya at hinigpitan ko ang hawak na binigay niya.

"Spongebob," sabi niya habang nakataas ang sulok ng labi niya.

"A-an---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may pinakita siya sa akin na katulad ng binigay niya.

"Give me your phone. "

Binigay ko sa kanya ang phone ko at kinuha niya sa kamay ko ang keychain na binigay niya at inilagay do'n.

"Ang cute naman," aniya habang pinagmamasdan ang cellphone namin na pareho may nakalagay na keychain na Spongebob.

"Thank you!" nakangiti kong wika at napansin ko na natigilan siya.

"Y-your welcome," tugon niya habang naka-iwas ang tingin sa akin.

"KYAAAHHH!!"

Nagulat kaming dalawa ng biglang may sumigaw at tatakbo na pumunta sa amin. Sinamaan ko ng tingin si Kaye pero hindi niya ako pinansin dahil kay Luke siya nakatingin.

"I missed you so much panget," rinig kong sabi ni Kaye at niyakap si Luke na ngayon ay ang lapad ng ngiti.

"I missed you too witch!" sabi naman ni Luke at niyakap niya si Kaye.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Kung hindi ko lang siguro sila kilala malamang napagkamalan ko na may relasyon sila.

"Paano mo nalaman na nandito kami?" tanong ni Luke kay Kaye ng matapos ang yakapan nila.

"GPS duh!" mataray na sabi niya at pinakita ang phone niya na bukas ang GPS.

Nakalimutan ko palang I-off ang phone ko kaya malamang nalaman niya kung nasaan ako.

"Explain," sabi ni Kaye habang nakataas ang isang kilay niya. Kailangan pa ba nun?

"I saw her," tumingin siya sa akin habang ako ay umiling dahil ayaw ko na sabihin niya na umiyak na naman ako.

"...walking in the street," pagtutuloy niya.

"Ano pa?" naiinip na tanong ni Kaye habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Niyaya niya akong maglaro dito sa playground," nakangisi niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi naman totoo 'yon.

"Eh?" nagtatakang tanong ni Kaye dahil hindi naman talaga kapani-paniwala ang sinabi niya.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon