"Ace!" Saway ng ina nya na syang pinagkibit balikat lang ng kanyang kapatid. She was about to speak para itanong kung totoo ba ang sinabi ni Ace ng sya namang dumating ang mga hinihintay nila.

Nakipag kamay sa mga magulang nya ang mga Montecillo at nginitian naman sya. Of course she knows the Montecillo, ilang beses na nyang nakasalamuha ang mga ito sa iilang gatherings na dinaluhan nya. Pero gulantang pa rin sya. Of all the clans, bakit ang mga Montecillo pa?

"Sht." Naibulong nya. Is it Kaito? Sa isip isip nya. At nakompirma nya nga iyon ng dumapo ang paningin nya sa tabi ni Ace. Prenteng nakaupo roon si Kaito at pinagtataasan sya ng kilay. Pinagtaasan nya rin ito ng kilay.

"I supposed kilala mo ang anak ko hija." Nginitian sya ni Mrs. Montecillo ng makaupo sila. Tinanguan nya ang Ginang. Sinong hindi makakakilala kay Kaito Montecillo na simula ata ng pinanganak eh habulin na. Pareho sila ng unibersidad na pinapasukan, and they're taking up the same course, magkaklase rin sila sa iilang courses/subjects.

"I heard you have a boyfriend hija?" Muling tanong ng Ginang sa gitna ng pagkain nila. Tila lahat ay natigilan, tanging si Ace lamang ang walang pakialam at patuloy sa pagsubo ng pagkain nya. Kaito raised his brow against her, napaubo naman ang kanyang ina habang ang natitira ay pawang sa kanya nakatingin.

"Ah, opo." She answered. Alam naman iyon ng mga magulang nya. Magtatlong taon na sila ni Zander, she met him noong unang taon nila sa kolehiyo, and then he courted her at hanggang ngayon ay matatag pa rin sila. Kung anoman ang nahihinuha nya sa usapang ito, gagawin nya ang lahat, just to end up with him at hindi kay Kaito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fool Me OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon