" Oo nga eh. Sabi sa'kin everyday yun nandito. At ang ganda ng boses, grabe!" Namamangha pang saad ni Cyril.

" Ganun yong mga boses na ang sarap pakinggan habang pinapaligaya.. Haahahhaha," dagdag pang kamanyakan ni Raizel. He's the playboy of the group.

" Sasayaw kaya siya ngayon?," biglang tanong naman ni Gyle...

Naiintriga na talaga ako sa pinag-uusapan nilang hot chick.. Hindi naman kasi sila nagkakasundo sa tipo nilang babae, ngayon lang yata..Minsan kasi, kapag sinabi ni Raizel na hot, kokontrahin ni Cyril na hindi naman maganda at pupunahin naman ni Gyle ang actions nito. O di kayay pag si Cyril naman ang nagandahan ay may naibabato namang pangit ang dalawa.. Hindi naman ako nangingialam sa mga tastes nila. I have my own preferences of a woman. At isa lang din ang pumasa sa standard ko.
Hindi ko namalayang nakapasok na pala kami sa loob. At taliwas sa inaasahan kong ingay ng isang night club ang naabutan namin sa loob. May kumakanta kasing bababe sa stage, and damn! Ang ganda ng boses! Ito na siguro ang sinasabi nila. At dahil medyo nakatigilid siya sa amin ay hindi ko kita ang mukha niya. Habang tinititigan ko at inaaninag ang mukha ng babae sa stage ay para namang may kurenteng dumaloy mula sa paa ko paakyat sa ulo. Hindi ko maintindihan pero parang deja vu lang! I felt this feeling before in Australia! Noong SIYA ang kasama ko. Nakasunod ako sa tatlo patungo sa isang table kung saan reserved na siguro ng tatlo. I bet suki na sila ng club na ito, but I couldn't take my eyes off that lady singing on the stage.

" Just walking around the alley
To see all the beauty around me
Another day goes by
To search for that beautiful smile.."

May kung anong humaplos sa puso ng marinig ko ang lyrics ng kinakanta niya. 

" Hindi kaya....... But, impossible...." , I thought to myself habang patuloy na tinititigan lang ang babae. Bakit ba naman kasi nag-guitar pa siya. Hindi tuloy siya nakaharap. Parang nawalan ng boses ang mga tao rito gayong punong-puno naman ang club. Parang nahihipnotize ang lahat na nakikinig lang sa pagkanta niya at napanganga dahil sa ganda ng boses niya.

" How could I miss those eyes that melt my heart away..
You got a smile that brightens
Til the end of day...."

Pumasok sa isip ko ang nangyari sa Australia. At tama ang lyrics ng kanta, HER eyes melted my heart. And HER smile made my night, dahil sa ngiti lang niya parang binibigay na niya sa akin ang mundo. It felt like SHE was made for me alone, and that night was intended for just the two of us. Sa isiping iyon ay biglang nagsikip ang dibdib ko. Nanghihina talaga ako pagdating sa KANYA...

"With the silence you got closer
I catch my breath,
I catch my breath
You're an angel in disguise
So perfect, so perfect love....
I want this all my life...."

Indeed, in silence SHE got closer. It was unexpected. And truly, SHE was an angel in disguise. Dahil kung anong saya ang naramdaman ko noon, sobrang sakit naman ang kapalit niyon. SHE appeared suddenly, and as sudden as how SHE came, it was also as sudden as how SHE left. Parang biglang nawala ang hypnotismo sa akin ng kumanta dahil sa naalala ko. Nanghihina naman ako. I am always like this. When it comes to HER, parang ang hina ko. When she didn't promise me a single thing. Pero parang kapalit ng isang saglit na iyon ay buong pagkatao ko na. How will I be able to forget HER? Kung lahat ng nakikita ko at naririnig na maganda ay SIYA ang naaalala ko? I heaved out a sigh.

" Ken, are you ok?," si Gyle.. May pag-aalala na sa tono niya..

" Tss. Natahimik kasi kayo." ---  ako

" Parang nanghi-hypnotize kasi ang boses niya," si Raizel na nakangiti habang hindi inaalis ang tingin sa babae..

Tumayo ako at tumungo sa bar counter para sana umorder, when all of a sudden, humarap ang babae sa audience dahil tapos na pala ang kanta. There, at that exact moment, parang huminto ang oras, literally. Parang slow motion ang nangyaring pagharap niya, and what's even surprising ay sa akin agad napunta ang mga paningin niya. Siguro dahil ako lang ang nakatayo malapit sa stage. But I do not really care. Our eyes locked and I can saw it in her that she was surprised as well. Pero saglit lang iyon at naging pormal na uli ang mukha niya. Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kaniya at alam kong aware siya doon. I can't even take another step. Nakatayo lang ako doon at pinagmamasdan siyang tinatanggal ang guitar. Parang hindi niya ako nakilala, but I know alam niya. She recognized me! Pero bakit parang wala lang sa kanya? I want to call her, to ask her and even hug her. Pero ni isa man sa mga naiisip ko ay wala akong nagawa hanggang sa bumaba siya ng stage at pumunta sa back door. Nakatayo lang ako doon, at sinusundan ng tingin ang papalayo niyang likod. I was really stunned, hindi ko na alintana ang nagtatakang mga tingin ng mga tao sa paligid . At hindi ko rin naririnig ang mga sigaw sa paligid.

" It's HER... It is really her..It is her! "Paulit ulit kong sigaw sa utak ko.

" Sino? Ok ka lang ba talaga Ken?", napapitlag pa ako ng akbayan ako ni Gyle habang sinisigaw na halos sa tenga ko ang tanong niya. Hindi ko namalayang nasabi ko pala ng malakas ang nasa isip ko.

" Siya!" Sabay turo ko sa backstage. Wala na siya roon, pero dahil wala pa ako sa tamang huwisyo ay iyon lang nasabi ko.

" Umupo ka na nga muna. Naka-order na sina Cyril. Bigla ka kasing na-estatwa diyan," nakatawang saad pa nito.

Nagpahila ako at tuluyang umupo. Unti- unting bumabalik ang ang katinuan ko . Parang nakalimutan kong huminga saglit. Tsk! Bakit kaya pagdating sa KANYA ay parang nagiging mas malamya pa ako sa babae.

" Nastarstuck ka ba kay Heart, ha,   Ken at gayon na lang ang pagkatulala mo sa kanya, ha? ," pang-aasar agad ni Raizel nang makabalik na sila sa pwesto namin na may dalang mga inumin.

" Na love at first sight  ka noh? Sabi naman namin sa'yo di ba? Mag-eenjoy ka talaga dito. Hindi mo pa nga nakitang sumayaw yon, naku! Baka himatayin ka na," dagdag pa ni Cyril.

"But really Ken, may problema ba? Si Heart ba ang tinutukoy mong SIYA?," tanong ni Gyle.

" Oo. Siya. Yung kumanta kanina. Siya ang sinasabi ko sa'yong babae sa Astralia. Siya yon Gyle."    

Nagsisimula na akong mapikon sa sarili ko. Dapat may gawin ako. Dapat tinawag ko siya at tinanong. Dapat sinundan ko siya!
Tumayo ako at diretsong naglakad patungo sa backstage. Baka maabutan ko pa siya doon. Hindi ko na binigyang pansin ang tawag nina Gyle. Sigurado ang mga hakbang ko at sigurado na rin ako sa gagawin ko.


"I will move heaven and earth to make you mine again......Heart....





Or .........











Mavis".



















Invincible VS VulnerableWhere stories live. Discover now