Napatango naman ako. Hinatid na niya ko sa bahay dahil si Papa naman ang maghahatid sakin sa venue ng prior commitment ko. Biglang may nagtext sakin at galing ito sa GMA. Napatingin ako kay Ben.

"Why?"

Malapit na kami sa bahay.

"Nagtext ang GMA artist. Ikaw daw ang magiging surprise guest."

Napakunot noo siya. Nakakabigla naman yun pero wala na din naman kaming magagawa pa. Tulad ng nasabi pumunta na kami sa venue. Nauna akong pumasok para maka bonding ang mga fans ko. Ilang sandali din at pumasok na si Ben. Okay naman kami kahit medyo nakaramdam ako ng kaba dahil alam ko, alam na alam ko na may JuliElmo pa din dito kahit pa sabihin na puro Julie groups ang lahat ng nandito.

"Julie.."

Bumulong sakin si Ben.

"Hmm?"

"Don't forget."

Tumango naman ako sakanya. Ilang oras din kaming nanatili doon at tska kami nakauwi. Kumain lang kami sandali then okay na. Kasama namin ang buong family.

"Nagtext na ba siya sayo?"

Umiling naman ako. Tiningnan ko ang cellphone ko at napabuntong hininga. Matutuloy pa ba ito?

"Let's wait for him, okay?"

Tumango naman ako kay Ben. Naghintay pa kami ng ilang oras pero wala pa ding text galing sakanya. Naiinis ako sakanya! Siya ang nag-aya pero ni hindi man lang niya ko nagawang itext man lang kung itutuloy pa ba namin ito o hindi na? Tumayo ako.

"Where are you going?"

"Aakyat na ko. Magpapalit na ko ng damit. Mukhang hindi naman na matutuloy eh. Thank you for today, Ben."

Nagbeso ako sakanya bago umakyat. Agad akong nag ayos ng sarili ko at nagbihis ng pantulog. Aaminin ko medyo disappointed ako dahil sakanya. Iniisip ko kung pareho ba kami ng ginagawa ngayon. Kung pareho kaming pinapasaya ang mga kapareha namin. Binuksan ko ang cellphone ko at sakto na nakita ko ang nakatag saking picture.

So magkasama pala sila.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung tama ba ang nararamdaman ko pero naiinis ako. Napaisip ako bigla, wala kang karapatan na mainis sakanya, Julie. Wala kang karapatan dahil ginagawa mo din naman sakanya yan. Ang saktan siya.

TOK TOK.

"Pasok."

Bumukas ang pinto at nakita ko si Ben. Ngumiti siya sakin sabay mas binuksan pa ang pinto kaya nakita ko kung sino ang nasa likod niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya na nasa labas ng pinto ng kwarto ko.

"He's here. Aalis na ko. Take care of her, Elmo."

Tumango si Elmo kay Ben.

"I will and thanks."

"Welcome."

Umalis na si Ben kaya pumasok na si Elmo sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

"N..Nagpalit na ko ng damit. A..Akala ko kasi hindi ka na darating.."

Ngumiti siya.

"Let's go?"

"H..Ha? S..Sige magpapalit lang ako.."

Umiling siya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"It's okay."

"P..Pero.."

"You're perfect."

Namula ako sa sinabi niya. Hinila na niya ko. Biruin mo naman kung anong suot ko. Shorts at sando lang.

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon