At sa panahong iyon, nakalimutan ko ang pagregla ko at dahil inisip ko, bunga iyon ng miscarriaged ko.

Now, I'm watching my son. Siya ang batang akala ng doktor hindi mabubuhay. Naramdam ko ang luhang namalisbis sa pisngi ko. Tuwing naalala ko ito, naiiyak parin ako.

"What happened, Cyrus?" narinig kong tanong ni Nico.

"I kiss her," natatakot na tumingin sa akin si Cyrus.

"He stole my first kiss!" lumingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Leila an malapit sa amin, ang pisngi nito hilam ng luha. Napakacute nito sa suot nitong stripe white na two piece. Curly na buhok at brown eyes. Pinaghalong Zoey at Marvin.

Natawa naman si Zoey at Marvin. Akala namin kung ano na. "Anak, bakit mo naman ginawa iyon?" sabi ko saka ako nagsquat para magkalevel kami ng mata. Bigla naman parang nainis ito.

"She told me she'll give it to Jarrick her first kiss!" Tumingin ito ng matalim kay Leila.

"So you kiss her?" namamanghang tanong ko, habang sinusupil ko ang tawang gustong kumawala sa aking bibig. Nang tingnan ko ang aking asawa, amused na amused ito kahit ang mag-asawang Saavedra.

"Yes!" matapang na sagot ng anak ko saka nito pinagkrus ang kamay sa dibdib.

"Pero anak, hindi mo pwedeng gawin yan," sabi ko sa masuyong boses. "Say sorry to her," pag-eengganyo ko.

"But mom, I want to marry her. She's going to marry me and not that Jarrick!" matigas nitong sabi na ikinatawa ko at si Zoey. Si Jarrick anak ni Fatima at Brandon. Magkasing-taon sila ni Leila din.

"I don't want him. He kiss every girl in the school, and all my friends loves him. I don't want a competition!" reklamo naman ni Lelia saka nagdadabog na umalis ito.

"Ikaw naman ang gusto ni kuya!" pahabol na sabi ng anak kong si Coco. Nakanguso pa ito habang sinusundan ng tingin ang likod ni Leila. Natawa tuloy kami.

Natatawang ikinumpas ni Zoey ang kamay nito sa amin. "Mga bata pa sila," natatawang sabi ni Zoey.

Lumapit si Marvin kay Cyrus ng tumayo na ako. Ito naman ang pumalit sa pwesto ko. "Little man," umpisa nito. Mukhang seryoso ito. "My princess is precious and I don't like it when someone makes her cry. Will you promise me not to make her cry again?" sabi ni Marvin sa seryosong tinig.

Tumango-tango naman ang anak ko na parang matanda. Napakaseryoso nito."I promise," sabi nito sa seryoso ding tinig. Natawa si Marvin.

"Sounds good!" then he ruffled his unruly hair na ikinatalim ng mga mata ng anak ko. He hated it when you touch his hair. Marvin raised his hands in surrender habang tatawa-tawa ito.

"Your kids are adorable!" komento nito saka tumingin sa amin. "Hindi ba marunong magtagalog yang panganay mo?" tanong ni Marvin pagkatayong-pagkatayo.

"Nakakapagtagalog rin pero hindi kasing fluent ng pag-english niya. Eh si mommy and mostly na nag-alaga sa kanya eh," sagot ni Nico.

Simula kasi ng manganak ako, mostly dito na sa Pinas tumira si mommy Rona at tatay. Sila narin ang katulong naming nag-alaga, ngunit mas naging full-time si mommy. Sobrang saya nito ng lumabas si Cyrus at lalo pa itong masayang-masaya dahil kamukhang-kamukha ito ni Nico daw nung baby pa siya.

"Kaya pala," tumango-tangong sagot ni Marvin.

Tumango naman si Nico. "He's in the US every summer, kaya ayan, mas fluent pa ito sa Inglis kesa sa salita natin," dagdag ko.

Umiling-iling si Marvin habang natatawa. "Eh itong si cutiepie. Marunong din bang magtagalog?" tanong ni Marvin kay Coco.

"OPO!" malakas na sabi ng anak ko at super proud. Nagtawanan kami.

The Heartless CEO and His Revenge BRS2 (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon