May naalala ako—ang collar!

Oh, fuck! How can I forget that?!

Sa pagkakaalam ko ay gawa sa norimantine ang collar. Ang uri ng metal na 'yon ay kayang panghinain or worse, isara ang kapangyarihan ng isang nilalang. Ang alam ko rin ay effective 'to sa mga witches para hindi nila magamit ang mga mahika nila. Pero ang norminatine ay hindi kayang i-suppress ang inborn physical strength ng isang nilalang kaya naman taglay pa rin ng mga vampire at werewolf ang kakaibang lakas ng mga ito.

Tss! So kailangang makahanap ako ng paraan para matanggal ang collar na 'to. Then, kung tutulungan ako ng freak na 'yon at magagamit ang kapangyarihan niya ay may chance na makatakas ako—kami ni Jeda rito.

Hinawakan ko ang collar at sinubukang tanggalin pero bigla akong natigilan bago ko pa man iyon magawa. Naalala kong hindi basta-basta matatanggal ang collar. Kung hindi gagamitin ang susi, anumang paraan para matanggal ang collar ay napakadelikado. Kung pipilitin kasing tanggalin ang collar ay maglalabas lang ito ng napakalakas na boltahe na maaaring ikamatay ng may suot nito.

Takang nakatingin sa akin si Jeda kaya naman sinabi ko ang nalalalaman ko tungkol sa collar ng Bastille.

"Whew! Mabuti na lang at 'di ko pa sinubukang tanggalin 'to kundi ay tiyak na natusta na ako," wika nito pagkatapos.

"We need to get the key," seryosong sabi ko. "I need to get out of this filthy prison!"

Hindi ako nabibilang sa mga nilalang ng Bastille kaya hindi ako nababagay rito! Kailangan kong makatakas at mapanagot ang mga Aragon sa mga kasalanan ng mga ito!

Ako dapat ang namumuno sa Brahm ngayon at hindi isang bilanggo sa nakakasulasok na lugar na 'to!

"At paano naman natin makukuha ang susi? Ni hindi nga tayo makalabas sa seldang 'to eh."

"Kailangan nating humanap ng paraan."

Sandaling natahimik si Jeda at napailing. "Gusto ko mang mag-isip nang positibo pero ang pagtakas sa Bastille..." Muli itong napailing. "It is suicide. Makatakas nga tayo sa seldang 'to, maraming panganib pa rin ang nag-aabang sa atin sa labas. At saka paano tayo makakaalis ng isla? Dagat ng asido ang nakapalibot sa isla. At higit sa lahat, nariyan ang daan-daang Seraph na nakabantay sa lahat ng sulok ng Bastille maging sa himpapawid."

Sa madaling salita, imposibleng makatakas kami ng Bastille. Kamatayan lang ang maghihintay sa amin ngunit ayokong panghinaan ng loob.

"Hindi ako nagmamadali, Jeda. Hahanap ako ng paraan at bubuo ng plano para makatakas dito. At unti-unti kong isasakatuparan 'yon...unti-unti ngunit sigurado..." seryosong wika ko.

***


Hindi na ako nag-inarte pa kahit sukang-suka na ako sa mga kinakain ko sa Bastille. Kailangan kong mag-survive at makatakas sa Bastille kaya wala akong pamimilian. Isa pa, hindi ko maisasakatuparan ang mga plano ko kung gutom ako lalo pa't isang beses sa isang araw lang magpakain ang Bastille!

Ngunit hindi ko na yata kakayanin ngayon...

Hindi pa man ako nakakasubo ay bigla akong natigilan dahil sa nakita ko sa mangkok ni Jeda nang mapasulyap ako rito.

Ayoko mang paniwalaan ang nakita ko pero hindi ko magawa. Maisip ko pa lang ay bumabaligtad na ang sikmura ko, ano pa kaya kung malalasahan at kakainin 'yon.

"Namumutla ka?" tanong ni Jeda. Hindi pa ito sumusubo ng pagkain at panay ang halo. Hindi naman ito nakatingin sa kinakain dahil nagbabantay pa ito sa paligid. Tingin ko'y ayaw na nitong mangyari ang nangyaring gulo kamakailan.

"Y-Yong pagkain mo..." wika ko.

Kumutsara ito at lalo akong nanghilakbot.

"Putangina!" malutong na mura nito. Sa gulat ay nabitawan nito ang kutsara kaya nahulog sa lamesa ang piraso ng daliri—daliri ng tao!

Prisoners of BastilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon