Chapter 52: Painful Lie

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah Yumi! Pweede ko na bang ituloy yung panliligaw ko sayo?" Gusto kung sabihin na Oo pweede! Pero hindi huli na Ace! Magulo na ang lahat. Hindi na pweede tayo.

"Sorry Ace, kami na kasi ni Brett" sorry kailangan ko na naman mag sinungaling

"Kayo na?"

"Oo"

"Mahal mo ba sya?"

"Oo mahal ko sya" Ace ikaw ang maha ko!

"Okay! Sana maging masaya kayong dalawa" hindi ako magiging masaya

Umalis na sya, gusto ko syang habulin gusto kung sabihin sa kanya na sya ang mahal ko. Na sya ang gusto kung makasama. Na sya ang nag papasaya sakin. Pero hindi pweede na umpisahan ko na ang kasinungalingan nato kailangan ko tong panindigan. Tumulo na yung luha ko.

Tiniwagan ko si Mae sya pala si Red Blood.

"Yumi napatawag ka?"

"Mae asan ka?"

"Nasa condo ako ngayon. Bakit?"

"Pweede bang dyan muna ako mag palipas ng gabi?"

"Am okay sige"

[MAE'S CONDO]

"Yumi may problema ba?"

"Wala"

"Yumi alam mo hindi pa tayo matagal mag kakilala pero kilala na kita"

Bigla na lang ako umiiyak "Mae ang sakit! Ang sakit masaktan ang mga taong mahalaga sakin"

"Yumi alam mo kung ano mangyan dahilan mo. Alam ko para naman yan sa kanila"

"Sana nga yun ang iniisip nila"

"Gusto mo inom na lang tayo"

"Loka loka wala pa tayo sa tamang edad para uminom"

"Tanga Yumi, malalaman ba nila kung ilang taon na tayo"

"Ewan sayo"

"KJ mo club na lang tayo"

"Sige lang! Sumbong kita kay Sky"

"Tsk! Dito na nga lang tayo uminom, sige bili muna ako sa 7/11. Ano bang gusto mo?"

"Soju lang"

"Wow naman sosyal ka rin no? Ang mahal ng gusto mo"

"okay na yun! Libre mo naman"

"Oh sige baba muna ako para makabili sa 7/11"

Umalis na si Mae habang wala pa sya tinignan ko muna yung mga picture frame sa pader puro sya lang naman ang nasa picture asan kaya yung mga magulang nya? Bakit kaya mag isa lang sya?

Hindi ko sinasadyang madala ng paa ko sa kwarto nya

Sa may pintuan ng kabinet may nakasabit na jacket parang pamilyar yung jacket di ko maalala kung saan ko nakita o kanino ko nakita pamilyar talaga sya..

"Nandyan ka pala" sabi ni Mae bilis nya naman

"Ah sorry kung napunta ako dito sa kwarto mo"

"Okay lang yun"

"Am Mae kaninong jacket yan kay Sky ba?"

"Ah hindi, sa ex ko yan"

"Ex? May ex ka pala?"

"Wow naman Yumi! Anong akala mo sakit hindi patulin ng lalaki?"

"Hindi naman sa ganun nag tataka lang, eh asan na yung ex mo?"

"Wala na sya"

"Anong wala na? Umalis ng pilipinas"

"Patay na sya, pinatay sya" bigla akong nakaramdam ng kaba biglang bumilis ang tibok ng puso ko

"Pinatay?"

"Oo pinatay sya! Pero yung mas masakit nasa tabi ko sya nung araw na hirap na hirap na sya. Ayaw nya non mag padala sa hospital dahil alam nyang mamatay na sya kaya mas gusto nyang makasama ako. Yang jacket na yan ang suot nya nung namatay sya. Wala manlang akong nagawa para sa kanya, na gi-guilty ako sa sarili ko at sa taong pumatay sa kanya."
Bumibilis talaga kabog ng dibdib ko hindi ko alam kung bakit.

"Sino ang pumatay sa kanya?"

"Ikaw, Ikaw Yumi"

The Band Boys Vs The Gangster GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon