Why Kaye Cal?

111 6 1
                                    

WARNING: Ito ay 'di istorya. Letter lang talaga para mai-share ko na. Ang dami kasi talagang tumatakbo sa isip ko about Kaye😭. Lagi siya ang laman ng utak ko. Langya.

So, ginamit ko ang simpleng account na 'to kung saan walang info about me  para manatili akong anonymous. (HAHA May ganon?) Ayokong makilala niyo ako noh. At 'wag niyo na pong subukan.😂😜

. . .

Uumpisahan ko kung paano ko siya nakilala.

Mahilig akong manood sa YouTube ng mga OPM music videos dahil gusto ko talaga ang mga kanta dito sa Pilipinas. Siyempre ang nakakaakit sa paningin ko is yung mga videos na maraming views (baka nga ganun din kayo e). Ang dami ko nang napanood. Iba't-ibang singers, iba't ibang songs. At base dun sa panonood ko, yung kay Yeng ata ang pinakamaraming views. Yung song na "Ikaw" na may 44 million views na (ngayon, 50+ million views na ata yun at lalo pang dumarami habang patagal ng patagal). Naghanap pa ako then may nakita akong video, hindi siya music video pero 33 million views. Naintriga ako dahil kahit hindi yun music video, ang laki ng views! Hindi rin ako masyadong familiar sa title ng song kaya mas lalo kong gustong mapanood. "WALANG IBA by ezra band". (guys subukan niyong i-check sa yt yung pinakamaraming views ng Walang Iba. Baka mga 39 million views na yun ngayon. Yung gumawa at nagpost nun sa YT ay "oOoOlennOoOo")

Ang jeje nung video. Pero ang napansin ko ay yung tono ng kanta at yung boses nung kumakanta. Narinig  ko na siya before lalo na yung chorus dahil lagi ko siyang naririnig sa radyo. Pero nakakamangha pa rin. Ang lamig. Ang ganda nung kanta. Ganda ng tono.

Sa pagkakataong yun, yun na ang naging favorite song ko. RIP sa replay botton dahil paulit-ulit ko yung pinakinggan. Plinay ko nang plinay pero di ko na pinapanood yung video kase dumako na ko dun sa comments. Ewan ko, pero gustong-gusto kong nagbabasa ng comments pag nagyu-YouTube ako.

Scroll . . .

Scroll . . .

Scroll . . .

Hanggang sa napunta na ako sa comment section. Maraming nagandahan sa kanta gaya ko. May mga taga-ibang bansa pa nga eh kahit 'di naman nila naiintindihan. Pero marami rin akong nabasang comments na pinaguusapan ang tungkol sa gender.

Kaye, babae ka pala? That makes me love you more!

Hindi yan yung excactly pero may pagkaganyan. Tapos marami pang comments pa na ganun ang sinasabi na ang lead vocalist ay girl. Like what the hell? Seryoso? Legit? Dahil sa hindi ako naniniwala, iniisip kong hindi yun ang orig na kumanta at iniisip kong baka yung tinutukoy nila ay yung original na kumakanta.

Pero mas lalo lang akong naguluhan. So tiningnan ko ang official music video nun. Sa una, hinahanap ko yung kumakanta. Apat kasi sila dun diba?(kuya Nor, Jester, John and Kaye)

Tapos nung clinose up yung mukha nung vocalist, tiningnan kong mabuti. Babae nga. Pero kung hindi ko tiningnan yung comments, siguro iisipin ko lang na long hair na lalaki yung vocalist.

Dun na nag-start ang lahat. Pinanood ko yung nasa pgt pa siya (Yung Runaway originally sang by the Corrs din ang ganda bakit ganun?), pinanood ko rin yung mga covers niya at dun na nagstart ang pagkakaroon ko ng information kay Kaye. Nalaman ko na solo singer na siya at yung mga kabanda niya na nanatili doon sa Davao.

Saktong pagkatapos kong mapanood ang covers niya na nakakainlove, pinatalastas yung Himig Handog tapos nakita ko si Kaye. 'Di pa nga ako makapaniwala kung si Kaye ba talaga yun kase iba talaga yung makikita mo siya sa tv kesa sa yt na replay-replay lang.

Hindi ko alam kung pano naging ganyan ka-astig ang boses mo, idol. Why so unique? First time kong magkaroon ng idol na ganito ang epekto sakin. Dahil sayo, nalaman ko ang meaning ng idol. Nang dahil sayo nakakarelate ako dun sa mga story dito sa watty tungkol sa mga fangirl. Nang dahil sayo, nagiging stalker na ko😭. Lahat na ata ng videos sa YouTube na may kinalaman sayo, napanood ko na (WAHAHA Di naman obsession yon diba?😂😂😂)

Dahil sayo, nagkaroon ako ng tunay na inspirasyon. Yung tipong gusto kong sumunod sa yapak mo. Yung tipong kapag nakarinig ka ng pamba-bash, masasaktan ka rin na akala mo ako yung sinasabihan. Yung tipong pinatulan ko na yung paniniwalang kapag nagbilang ka ng siyam na bituin sa siyam na gabi at mag-wish ka, matutupad. Di ako naniniwala sa mga ganon pero sinubukan ko na rin. Alam mo bang ang winish ko eh sana magkaroon ako ng unique talent ng gaya sayo? Ganon ako kabilib sa talento mo. Huhuhu.

Why Kaye Cal? Kase yung kalidad at lamig ng boses niya, walang katulad. May feelings din, mararamdaman mo yung message ng song. Yung kapag nag-start na siyang kumanta lalo na kapag nakapikit, mapapa-'Oh My God nakakainlove' ka na lang.

I'm not a legit member of TeamKayeCal. Kaya naiinggit ako sa inyong mga TeamKayeCal. Gusto kong maging member. Gusto kong maging kasing updated niyo ko. Gusto kong suportahan ang idol ko gaya ng walang katulad na support na ibinibigay niyong TeamKayeCal. Gusto kong makita na sa personal si Kaye. So TeamKayeCal, how to be legit po?

Thank you guys sa pagsupport niyo kay Kaye Cal. Sana, soon, makasama na ko sa inyo, TeamKayeCal. 😊

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Mar 22, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

The Voice Of SoulDonde viven las historias. Descúbrelo ahora