"Sinabihan ko na yan ah! Ang tigas ng ulo..."
"Umalis ka na nga, meron na akong ibang gusto, okay?!" boses iyon ni Milfuelle habang tinataboy niya si Frank... Nagulat ako sa mga nasambit niyang iyon... May nagugustuhan na pala siya...
"Yeah, I know... Si Toji yun, diba?" tanong naman sa kanya ni Frank.
"Oo tama ka... gusto ko na si Toji since nung nasa elementary palang kami..." sagot naman ni Milfuelle sa kanya... Natauhan naman ako dun sa sinabi ni Milfuelle... So ako pala yung tinutukoy niya... Tinuloy ko pa rin ang pakikinig...
"Sinabi mo na ba ang feelings mo sa kanya?" tanong ulit ni Frank sa kanya.
"hindi pa, pero balak ko na sana..." sagot naman ni Milfuelle. Feeling ko nag-iinit ako, at nakaramdam ng kahihiyan... Napahawak na lang ako sa panga ko pero tuloy pa rin ako sa pakikinig...
"Bakit hindi pa, kung hindi mo pa rin ipararamdam baka ma-missed mo ang pagkakataon..." sabi pa ni Frank.
"Hindi ako tanga Frank, it's just..." sagot ni Milfuelle. Nakatutok pa rin ako sa pag-uusap nila...
"It's just... what?" tanong ni Frank habang lumalapit ito sa kanya ng kaunti.
"May kaibigan akong nagsabi sakin once nung nasa elementary pa ako..." sagot naman ni Milfuelle.
***FLASHBACK
"Milfuelle, I'm sorry pero sabi ni Toji ayaw niya sa mga morena o maiitim ang kutis..."
***END OF FLASHBACK
"Yung mga salitang yun... Nagpahina yun sakin, pero hindi ako nagpadala basta basta... Inisip kong ituloy pa rin yung pangarap ko... and I figured out, kapag pumuti ako ng konti, kahit kapantay lang ng kutis niya ay isang bagay na magbibigay sakin ng pag-asa na maging girlfriend niya someday..." narinig kong lahat ng iyon na sinabi ni Milfuelle.
"So that's why, ini-skip mo ang swimming ngayon?" tanong naman ni Frank.
"Oo! Kailangan kong lumayo muna sa arawan kung kinakailangan, lagi akong naglalagay ng sunblock lotion araw araw o kung kailangan ko ngang mag-longsleeves araw araw, gagawin ko yun! Alang alang lang na pumuti ako..." sagot naman ni Milfuelle.
"Wow... Ang laki na ng effort mo Milfuelle..." sabi naman ni Frank.
"So ngayon alam mo na, na wala akong interes sa'yo..." sagot ulit ni Milfuelle.
"Hindi pwede yun... Ang laki ng dedikasyon mo sa kanya..." sabi ni Frank na mukhang kumikilos papalapit sa kanya at akma atang hahalikan si Milfuelle. Pero maagap si Milfuelle, nakahanda na agad yung kanang paa niya para sipain ito palayo.
"Wala akong paki!! Basta umalis ka na!" sigaw ni Milfuelle habang patuloy pa ring nag-aatemp na halikan ito ni Frank. At sipa sipa parin ito.
Nakita kong nagsalita si Say sa mga napanood namin...
"She told me that may gusto siya kay Frank, pero sinasabi niya ngayong gusto ka niya?! Toji, if I were you mag-iingat ako sa babaeng katulad ni... Huh?!" patungkol ito ni Say kay Milfuelle pero napatigil siya sa pagsasalita dahil nakatulala lang akong nakatitig sa dalawa at iniisip ang mga sinabi ni Milfuelle kani kanina lang...
Milfuelle:
Pumunta ako sa locker room upang magpalit ng sapatos para sa pag-uwi ng buksan ko ang locker, may nakita akong sulat sa ibabaw ng sapatos ko. Binuksan ko iyon at binasa... Ito ang pagkakasulat:
| Milfuelle, magkita tayo sa gilid ng pool nitong school. -FRANK |
Frank:
Late na siya... What the hell, dapat nandito na siya kanina pa... Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng pool at kinuha ko ang isang maliit na notebook at tiningnan ang nakasilid doon na pictures... Pictures yun three years ago with my previous girlfriend ng biglang humangin at nalalag sa pool... Pilit kong inaabot hanggang sa makuha ko at inilagay ulit sa bulsa ng pantalon ko ng nabitaw ako sa hand rail ng pool at malaglag sa kalaliman ng pool...
Milfuelle:
Habang naglalakad ako papunta sa direksyon kung saang lugar ang usapan, nagsasalita ko sa sarili ko... "Kung hindi niya ma-gets na hindi ko siya gusto, siguro gusto niyang matatooan ng 'I don't like you' sa mukha para matauhan siya.." natapos ako sa pagsasalita ng makarating ako sa poolside... Nagtaka ako kung bakit walang katao-tao... Pero tiningnan kong maigi ang buong pool nang biglang may lumutang na katawan mula sa kalaliman ng pool... At alam kong si Frank nga iyon...
CONTINUE...
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Bukas naman ang update... Antok na ako, atleast nakadalawang chaps ako this time...
Ano kaya ang nangyari kay Frank? well... pakiabangan na lang po!!
Maraming salamat ulit sa mga bumabasa :))
Jah Love!!
-morph
BINABASA MO ANG
PEACH GIRL (Adapted)
RomanceSi Milfuelle, simpleng babae ngunit may kinaiinisan sa kanyang sarili, pagiging morena nito. Dahil sa kutis niyang ito, naalala niya parati yung sinasabi ng bestfriend niya 9 years ago tungkol sa ultimate crush niyang si Toji.... Pero may umepal si...
Chapter 4: Introducing Toji
Magsimula sa umpisa