"Labas!! Mag bibihis ako!" Itinaas niya ang kamay niya na parang sumu-surrender. "Chill." Tapos ay lumabas na siya.

Nag bihis na ako tska ako lumabas ng kwarto. Nagulat ako nung makita ko siya na nakasandal habang iniintay akong matapos.

"Anong ginagawa mo?"

"Sumasayaw kaya nga nakatayo lang ako rito eh." Sarkastikong sagot niya. Inirapan ko siya tska ako bumaba.

"Oy sorry na. Joke lang naman yon. Yana!!!" Napapikit ako tska ko siya hinarap.

"Oo na ang ingay mo!"

***

"Oh Kevs! Dito ka na kumain. Nagluto ako ng narami eh." Anyaya ni mama.

Okey I'm sorry, hindi ko agad siya napakilala sa inyo. Meet Kevin Prancia. My cousin.

"Nako hindi na tita, tinawagan na ako ni mama na umuwi na raw ako. Salamt na lang tita." Nakangiti niyang sabi.

"Ohh, okey sabihin mo sa mama mo pumunta dito bukas ha?" Tumango ito bago siya magpaalam na aalis na. Hinatid ko naman siya sa labas ng bahay.

"Tssk layas na! Istorbo ka eh!"

"Hahaha oo na! Namiss mo lang ako eh. Nga pala pinabibigay ni Clark." Inabot niya sakin ang isang bracelet na light pink. May disenyo itong bulaklak at petals. At sa gitna nito ay merong bakal na pendant. Love, nakasulat ito ng paibaba.

"Para sakin?" Tanong ko.

"Ay hindi, para sakin. Kaya nga binibigay ko sa'yo eh kasi para sakin." Sinamaan ko siya ng tingin at saka ko kinuha ang bracelet.

"Paki sabi salamat." Nginitian ko siya at ganon din ang ginawa niya. Kinuha niya ang kamay ko tska siya may nilagay dito. Isang box ng anime. At puro FairyTail ito.

Napayakap ako sa kanya at nagpasalamat. Tumango lang siya tska siya tuluyang umalis.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo agad ako sa kwarto. Agad kong tiningnan ang laman ng box.

"Kyaaaaaaa!!!!" Tili ako ng tili dahil ang daming picture nila Natsu Dragneel ng FairyTail. Ang gwapo niya talaga!

"Oh my gad!!! Natsu!!!! Ang pogi pogi mo!!!" Gumulong gulong ako sa kama ko dahil talaga namang kinikilig ako! Ang pogi kaya ni Natsu at idol ko siya. Bagay na bagay sila ni Lucy, idol ko din. Actually favorite ko ang FairyTail. At speaking, nabalitaan ko na inilabas na ang movie ng dragon cry at gusto ko talaga siyang panoorin!!

"Anong nangyari sayo?"

"Waaaaaa Yasi si Natsu!!!" Agad siyang sumampa ng kama at saka kinuha sakin ang hawak ko. Tumili ito at kinikilig din. Gusto niya rin si Natsu ang kaso mas favorite niya si Gray Fullbuster. Ang pogi at hot daw kasi hahaha.

Pagkatapos naming kiligin ni Yasi ay natulog na kami.

Kinabukasan ay maganda ang gising ko. Nakangiti akong pumasok sa room at naupo roon.

"Ang saya natin ha! Anong meron?" Napalingon ako at nakita na si Kai iyon. Umiling ako at ipinakita ang picture na nasa likod ng cellphone ko. Umiling na lang siya at saka nagsalita.

"Mas pogi pa ako jan eh." Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Mas pogi pa sa'yo si Natsu no!"

Nagtatalo kami ni Kai nung biglang sumulpot si Aril sa harap namin. Napahinto kami at umayos ng upo.

"Babe, samahan mo ko?" Pag aaya nito. Naku ang pabebe niya nanggigigil ako!

"San ba?" Tipid na sagot ni Kai. Sinamaan ako ng tingin ni Aril bago sya sumagot.

"Dyan lang sa canteen please?" Tapos nag pout pa siya. Sarap tampalin ng nguso eh.

"Ano Yana?" Napatingin ako kay Kai dahil tinatanong niya ako. Nagkibit balikat ako at saka umayos ng upo.

"Aril pwede bang mamaya na? May sasabihin lang ako kay Yana." Sinamaan ako ng tingin ni Aril bago siya kumiss kay Kai. Napaiwas naman ako ng tingin dahil wala lang. Nakakasuka kasi eh.

"Sige bye. I love you." Tumango naman si Kai sa kanya at tuluyan na siyang umalis.

"Ano pa lang sasabihin mo?" Umiling siya tsaka tumawa.

"Wala talaga. Hahahaha ayoko lang lumabas, maiiwan ka kasi dito." Tumango ako sa kanya.

"So pag may kasama ako iiwan mo rin ako? Ganon?" Inis kunwaring sagot ko.

"Syempre hindi! Iiwanan ba naman kita? Dipende sayo kung gusto mo na iwan kita edi aalis ako! Pero as long as wala kang sinasabi edi I'll stay beside you." Napangiti ako at aaminin ko sa sarili ko na kinikilig ako.

"Yana!!!!!" Napapikit ako nang marinig ko ang boses ni Kevin. Oh my gad! Don't tell me dito siya mag aaral? Huwaaaa no way!!!!

"Kilala mo?" Tanong ni Kai. Hindi ako kumibo at pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Dahil tiyak ay mangloloko nanaman yan.

"Oy Yana! Ganyan ka! Hindi mo na ako pinapansin! Nagtatampo na tuloy ako sayo!" Pumikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya. Nakakagigil!

"Oy Yana! Pansinin mo naman ako!" Hinarap ko siya at tiningnan ng masama.

"Bakit kaba kasi nandito? Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko. This time ay totoong naiinis na ako.

"Nasayaw ako dito at iinom ako ng alak kaya ako nandito. Diba school 'to? Kaya mag iinom ako at sasayaw dito kasi school 'to eh." Sinamaan ko siya ng tingin. See pilosipong tao si Kevin at iyon ang kinaiinis ko sa kanya. Nakakainis siya dahil tinayanong siya ng maayos ay pilosopong sagot ang sinasagot niya.

Hindi ko na lang siya pinansin pero siya ay nagpupumilit na magpapansin hanggang sa tinantanan niya ako at si Kai naman ang kinulit niya.

"Yow dude! Kevin nga pala, boyfriend ni Yana." Pakilala niya. Nanlaki ang mata ko at at tinaliman siya ng tingin.

"Ha? Boyfriend?" Tumango naman si Kevin.

"Anong boyfriend eh ako ang boyfriend ni Yana! Sino ka bang gag* ka?" Nagulat din ako dahil sa sinabi ni Kai. Oh my gad! What the hell is happening?

"Boyfriend nga ako ni Yana. Ikaw sino ka ba?"

"Ako. Ang. Boyfriend." Tumayo si Kai at kinuha ang kamay ko at hinila ako palabas ng room. Kinindatan naman ako ni Kevin at tsaka siya tuluyang tumawa. Nakakagigil talaga at talagabg binubwiset ako ng lalaking 'to!

Nakakainis!!!!!! Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Akala niya ba ay natutuwa ako sa ginagawa niya? Akala niya ay maganda ang ginagawa niya? Pwes nag kakamali siya dahil hindi! Hindi nakakatuwa!

Nagulat ako nung bigla akong yakapin ni Kai.

"O-oy Kai! Anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko.

"Let's stay like this please." Tumango ako at niyakao na lang siya.

"Totoo ba ang sinasabi nung lalaking 'yon?" Sasagot pa lang sana ako nung nagsalita ulit siya.

"Bakit Yana? Hindi ba talaga tayo pwede? Ang bilis mo naman humanap ng iba. Sana may chance din ako sayo." Napakalas ako ng yakap sa kanya at gulat siyang tiningnan.

"What the hell are you talking about?" Bulyaw ko. Hindi ko siya maintindihan.

"C'mon Yana! Alam kong alam mo at nararamdaman mo na nagseselos ako!" Nagseselos siya? Talaga ba?

"Nagseselos akosa lahat ng lalaking lumalapit sayo! Nagseselos ako pag kinakausao mo si Jake at pagmagkasama kayo! Nagseselos ako pag maykaclose kang ibang lalaki na hindi ko kilala! Yana nagseselos ako kasi mahal kita!!!" Napapitlag ako at tiningnan lang siya.

Wait lang! Di ko madigest mga bes!

--------------------------------------------------------

Hello!!! Sorry tagal ud ko!! Sorry ulit.

I Love My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon