And last but not the least, Liam James Payne. If I have to describe him in two words, semi-kalbo dejk, base rin sa research ko, I found out na pinanganak siya with one kidney. So as much as possible, iniiwas iwasan niyang uminom or kumain nang makakasama sa iisang kidney niya. I don’t know anything about this guy pero looks like siya yung leader? Hindi ako sure. He’s born on 29th day of August.


Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa pag describe ko isa-isa sa One Direction. I didn’t expect to be this obsessed on a boy band. I don’t know, after they came into my life—you know what it means when I say ‘came into my life’—everything started to change. I mean yung boring kong buhay noon, ngayon may thrill na.

Habang patagal ng patagal lalo ko na silang minamahal, hinahangaan at ini-idolo. Lahat sila napamahal na sa’kin kahit na sa harap ng tv, cellphone or computer ko lang sila nakikita at napapakinggan mga boses nila.

Ngayon nga papunta ako Moa Arena dahil mayroon silang concert dito. Yes! As in, nung malaman ko ‘to sa pinsan ko dali dali agad akong nagtanong kung magkano ang ticket, at ang bruha ‘di ko alam nakabili na pala. At kung sinuswerte ka nga naman, na-afford niya ‘yung dalawang VIP ticks.

Sa wakas, makikita ko na ang pinakamamahal kong Nini Beeeeaaaar!

Heto ako ngayon, pigil na pigil ang tili at kilig dahil andito ako sa Van ni Krizel—pinsan kong in love na in love kay Harry Styles, ang babaeng dahilan kung bakit nakilala ko sila, ang dahilan nang lahat lahat kung bakit naging exciting ang takbo ng buhay ko. At labis akong nagpapa-salamat sa kanya, dahil kung hindi sa kabaliwan niya sa bias niya hindi ko makikilala ang limang lalaking makakapag-pabago ng buhay ko. Kaya thankful akong naging pinsan ko ‘to. Sa totoo lang, siya na rin ang naging bestfriend ko, kaya ‘di ko kaya ‘pag wala siya sa tabi ko.

“Hoy Blur! Kumibo ka naman diyan, baka hikain ka sa sobrang pigil ng paghinga mo,” Rinig kong sambit niya na siyang ‘di ko na lang pinansin kaya bigla niyang sinundot-sundot ang tagiliran ko at nagsalitang muli “Aba’t hoy! Baka imbis na sa concert punta natin eh maging papuntang Ospi—“ hindi ko na siya pinatapos dahil bigla na lang akong napasigaw at napatili nang pagkalakas-lakas.

“Waaaaaaaah! Niall ko, wait for me!!!!!” walang humpay kong sigaw na ginantihan ‘din nang pinsan ko habang sinisigaw ang pangalan ni Harry.

Pareho kaming naghahabol nang hininga ng magkarahap sa isa’t isa na parang mga batang kakatapos lang makipaghabulan. Hindi ko naman kasi mapigilang ‘di sumigaw ng napakatagal, ‘yan tuloy gumaya si Krizel kaya halos ‘di na kami makahingang dal’wa pero agad din naman kaming nagtatawanan ng marealize ang pinag-gagagawa namin.

I took a deep breath and smiled—smiled like a girl who won a lottery prize—a house ‘n lot. Pero iba ‘tong saya na ‘to eh. sobra pa ‘to sa nararamdaman mo kapag nanalo ka ng house ‘n lot because this one is once in a lifetime lang but then I mentally slapped my face for that thought of mine. Stupid Blur, winning a house ‘n lot—once in a life time lang din yun mangyari ‘no. Hay Blur. ‘Di ko alam kung baliw lang ba talaga ako o timang dahil kinakausap ko ang sarili ko at parang nakikipag debatehan pa.

I shrugged my thoughts away and stared at my cousin who seems to enjoy herself from driving. Napailing na lang ako ng wala sa oras. Wala e, parang timang lang na pangiti-ngiti habang may papikit pikit mode pang nalalaman ang lokaret kong pinsan. Marahil ay iniimagine nun ang mga mangyayari mamaya sa loob nang stadium.

Pinabayaan ko lamang siyang gumanon ganon pero ‘pag talaga kaming dalwa nabangga, pepektusan ko talaga sya.

Bigla kong naalala ang mga nangyari sa pinsan ko ‘nung mga panahong nag-away ang mama at papa niya sa mismong harapin naming dalawa. We were just 10 years old back then when tito Zoen and tita Dana’s first fight happened—and take note, sa harap pa namin, sa harap ng pinsan ko. And yes, you’ve read it right—their first fight. My cousin’s family was beyond perfect back then. They even had time for each other; her parents even treated my cousin as the girl who only matters to them—and their gem that they promise to never break nor let someone break her. They promise to never hurt their precious gem. They promise to be there in every moment for their daughter. They promise to never leave by her side. And time passes by so quickly that made me wonder—why their family isn’t beyond perfect anymore? It’s like the three of them build a barrier in each other.


FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon