Ipinikit ko na ang aking mata at hinayaan na lang na tuluyan akong makatulog.
~~
Hindi ko maintindihan. Nasaan ako ngayon?
Parang nasa bukid ako. Mahangin, pero tirik na tirik ang araw. Pero bakit parang wala akong maramdaman?
Naglakad lakad ako sa lilim. Nakasalubong ko ang isang tank na kung saan may nakasakay na mga sundalo.
Nagsibabaan silang lahat at tumungo sa isang building sa gitna ng bukid. Hindi naman ganoon kalayo sa kinaroroonan namin.
May isang sundalo na hindi ko malaman kung babae ba o lalaki dahil sa sombrerong kaniyang suot. Lumapit sa akin, tila natatakot at kinakabahan. Bakas sa kaniyang mukha ang sinabak niyang laban sapagkat siya'y may putik pa sa kaniyang pisngi.
"Huwag mong hayaan na atakihin ka nila. Maaaring sundalo sila, pero sinasabi ko sayo, umalis ka na." Ang sabi niya.
Wala akong maintindihan. Anong sinasabi niya? Bakit kailangan kong umalis?
Napatingin ako sa building na iyon. Nakadungaw ang mga sundalo sa bintana. Nagbabadya ang kanilang mga tingin na tila ba may atraso ako.
Unti unti akong kumakad ng patalikod, iniiwasan ang kanilang mga tingin.
Pero mas lalo lang silang nagulantang sa aking ginawa.
"Atake!" Sigaw ng isang sundalo.
Napatakbo na lang ako bigla. Nagsimula silang atakihin ako gamit ang mga pana.
Makakatakas na dapat ako, kung hindi lang napukaw ng mata ko ang isang batang lalaki na nakasuot ng sombrero. Nakaupo siya sa gitna ng bukid at mga atake. Umiiyak, walang kasama.
Nilapitan ko ang bata at sinubukan ko siyang protektahan mula sa mga pana.
"'Wag niyo na siyang idamay!" Sigaw ko.
"Walang makakaligtas sa mga atake namin! Kahit langgam, hindi magagawang makaiwas, kaya paniguradong sapul yang batang iyan!" Sigaw ng sundalo.
Hindi ko na alam kung gagalaw pa ba ako sa pwesto ko. Isang maling galaw, patay ang kasama ko.
Patuloy pa rin sila sa pagpapatapon ng mga pana sa amin.
"Umalis na kayo! Hindi nila kayo titigilan hangga't nandito kayo!" Sabi nung sundalong nagbigay sa akin ng babala kanina.
Sinunod ko ang payo ng sundalong iyon. Binuhat ko ang bata at tumakbo palayo sa building na iyon.
Patuloy pa rin sila sa pag atake, at ako nama'y patuloy sa pagtakbo at pag iwas.
Makakaalis na sana kami, kung hindi lang ako nakatapak sa isang kumunoy na pinigilan akong makapaglakad.
Dahil na rin sa bigat ng bata, ay hindi ako makaangat mula sa kumunoy na ito. Patuloy pa rin sila sa pagpapatapon ng mga pana.
Hanggang sa natamaan na rin nila ang bata.
~~
Naninibago ako ngayon sa classroom. Ilang linggo na ring wala si Stacey, pero bakit ngayon pa ako nanibago? I mean, bakit ganoon? Nandito naman sila Helga, mga iba kong kaibigan, pero parang walang makakatumbas sa halaga ni Stacey.
Ang laking kawalan.
Hindi ako mapakali. Parang kailangan ko na talaga atang bisitahin si Stacey.
BINABASA MO ANG
Decoding Tadhana
Mystery / ThrillerMga tanong na hindi masagot. May sagot nga ba? Nangyayari ba talaga? May dahilan ba ang bawat pangyayari? O baka naman ito'y si Tadhana lamang, Pinaglalaruan tayo, Nag iiwan ng mga kuro kuro, Ngunit wala naman palang tanong at sagot na dapat nating...
14th: Walk Along a Grave
Magsimula sa umpisa