Agad naman akong nilapitan ng limang armadong lalaki.
"Siguraduhin niyo na wala siyang kasunod papunta dito. Siguraduhin niyo din na wala siyang dalang armas. Mag-masid na kayong lahat." Utos ng isang lalaki.
Agad naman nila akong kinapkapan. Tapos nun ay nilagyan ako ng posas at hinila papasok sa abandonadong gusali. Masyado silang sigurista saakin, gusto ko sanang matawa pero hindi ito ang tamang oras para doon.
"Valdez, Valdez, Valdez." Nang-aasar na tinig ni Kim. Nasa likod niya si Michelle. Ano pa bang dapat na asahan ko? Nalaman ko na matalik silang mag-kaibigan at parehong malaki ang galit sakin. Natural lang na mag join force sila.
"Nandito ka na pala. Gusto ko lang malaman kung kamusta ka na?" Tanong niya pa.
I just gave her my deadly stare. "Nasaan si Dennise?"
"Woah! Masyado ka naman atang mabilis? Tingin mo ba ganun-ganun na lang ha?" Lumapit siya sakin at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Pwes mali ka." Napahawak na lang ako sa panga ko ng bigla kong maramdaman ang mabilis na pag-tama ng kamao niya dito.
"Dalhin niyo siya saakin pag nabigyan niyo na siya ng leksyon." Sabi ni Kim at nag-lakad palayo.
Pumalibot saakin ang limang babae na may malalaking katawan rin. Alam ko, expected ko na lahat ng 'to. Hindi ako dapat manlaban. Hahayaan ko lang hanggang sa mag-sawa sila.
"Mag-isa ka lang pero napakaangas mo pa rin." Sabi nung isang babae at sinikmuraan ako.
Tinitigan ko lang silang mabuti, inaalala ang itsura nila, at binibigyan sila ng death glares na alam kong mas lalong magpapainit sa makitid nilang utak.
"Bugbugin niyo na ako. Ano pa bang hinihintay niyo?" Tila naiinip na tanong ko.
Kaya naman sunod-sunod na suntok ang pinakawalan nila saakin. Sanay na ako sa mga ganitong bagay. Halos buong buhay ko naman yata ay nilaan ko sa mga gang wars. At kung ikukumpara yung suntok ng limang babaeng 'to sa mga nararanasan ko sa gang wars, siguro ang comment ko ay mag-ensayo pa. Masyadong mahina.
Nalasahan ko na yung metallic taste sa labi ko. Alam ko puro sugat, pasa, at dugo na ang katawan ko, even my face. Pero di pa rin ako nanlalaban, alam kong kaya pa 'to ng katawan ko.
"Tama na yan!" Sigaw ni Gumabao na bigla na lang sumulpot kung saan.
Agad naman na lumayo sakin yung limang babae at nilapitan ako ni Michelle. "Totoo bang hindi ka manlang nanlaban? Anong gusto mo mangyari, Valdez?"
"Wala." Casual na sagot ko.
"Talaga? Baka naman may back-up ka kaya ka ganyan? Baka hanggang dito binabantayan ka ng demonyo mong ama? Pasensya na lang sa kanya kung maabutan ka pa niya dito na buhay."
I smirked. "Isipin mo kung anong gusto mong isipin."
"Talaga? Sige, iisipin ko na lang si Dennise... habang unti-unti siyang nilalamon ng tubig sa pinupunong pool sa 18th floor. Yung prinsesa mo kasi, masyadong palaban kaya ayan, pinaupo namin siya sa gitna ng pool habang nakatali yung kamay niya. Siguro naman wala na siyang laban nun diba?"
BINABASA MO ANG
Trapped (Completed)
Fanfiction"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life would be incomplete without this beautiful escapade... without her, without Alyssa." -Den. All rights reserved 2016. Written by mika m./mikays...
Chapter 16
Magsimula sa umpisa