" ano bayan! umulan pa! kainis naman oh! " - ayame


" hay naku may balat ka ata sa pwet kaya minamalas tayo! " - jun


" anong sinabi mo ikaw talaga bruha ka ako nanaman ang sinisisi mo! " - ayame


" hhmmpp!!! " - jun


" tama na ngayan, kayong dalawa wala naman pupuntahan yang pag-aasaran nyo, tignan nalang nating sa balita baka may bagyo, madilim ang kalangitan at sa tingin ko magtatagal pa ang ulan na yan " kinuha ko ang remote at binuksan ang t.v, ayon sa balita may bagyo nga at ngayon tatama sa kalupaan, pinag-iingat ang mga tao sa baha at landslide sa matataas na lugar.


" Naku po! may bagyo nga, paano yan, hindi na tayo matutuloy sa mall " malungkot na sabi ni akane


" ang mabuti pa, dumito nalang tayo mas ligtas tayo dito sa loob ng bahay, ihanda nalang natin ang mga iluluto mamaya " kalmadong sabi ni kaede


" syangapala migz, kuya aalis muna ako, magdadala nalang ako ng payong sandali lang naman ako habang hindi pa tumitindi ang lakas ng ulan may kailangan lang akong puntahan " kinuha ni zhella ang payong malapit sa pintuan


" zhella! " biglang tumaas ang boses ni kaede, ano kayang meron? at sino kaya ang pupuntahan ni zhella


" kuya! sandali lang ako pangako babalik din agad ako "


" sasamahan kita! "


" hindi na! alam mo namang ako lang ang gustong makita ni uncle edward diba? " nabanggit nya ang pangalang edward, sya yata yung lalaking naghahanap sakanilang dalawa, kung ganun magkikita sila ni zhella, ano naman kaya ang kailangan ng taong yun sakanya, tinawag nya itong uncle siguradong kamag-anak nila, sana dito nalang sya tumuloy sa rest house nila kesa makipag kita pa kay zhella sa ganitong panahon.


" tumawag ka kaagad para masundu kita kung kinakailangan naintindihan mo zhella! "


" Oo kuya! wag kang mag-alala, sige mauna na ako baka maabutan pa ako ng masmalakas na ulan "


" sige mag-iingat ka zhella, bumalik ka kaagad "-  akane


Lumabas si zhella ng bahay at umalis na, naiwan kami dito sa loob, samantala dahil hindi natuloy ang lakad nila sa mall mas minabuti nalang nila na ihanda mga lulutuin para sa handaan mamayang despiras ng pasko, ako naman nasa loob ng kuwarto hinalungkat ko ang bag ko sa paghahalungkat ko nakita ko ang mga sulat na binigay nila jun, akane, at ayame, ano kaya ang mga ito love letter? nag-abala pa silang magbigay samantalang lagi ko naman silang naririnig na pinagtatalunan ako hay! iba talaga ang pogi. Habang tinititigan ko ang mga sulat nila mayamayapay bigla akong napahikab at... at...


" MIGZZZ!!!! Hoy!!! migz gising!!! "


" HUh?!!! Hah?!!! a-anong nangyari?!!!! " napabangon ako bigla sa pagkakahiga sa kama, nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan, nagising ako sa lakas ng boses ni kaede.

Harem King & Popsicle Queen ( Unedited )Where stories live. Discover now