Naglakad ako palayo sa lugar na iyon. Ramdam ko na rin ang paninikip ng dibdib. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Bakit? Bakit kasi sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, bakit si Steve pa ang napili ng bwisit na puso na ito.
'At bakit si Cattleya pa ang napili niya?'
'Bakit hindi na lang ako?'
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa loob ng CR. Nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa salamin. Medyo maga na rin ang mga mata ko.
Mula first year high school ay magkaibigan na kami ni Cattleya. BESTFRIENDS kami. Super. Pero para sa akin ay naputol na iyon mula nang malaman kong karibal ko siya sa lalaking matagal ko ng gusto.Malayong malayo ako kay Cattleya. Opposite kami sabi ng iba. Masyado akong konsentrado sa pag-aaral habang siya, happy-go-lucky. Hindi niya sineseryoso ang mga bagay-bagay.
Sa aming dalawa, siya ang beauty at ako ang brainy. Palagi siyang nilalaban sa mga beauty pageant. Sa school at kahit sa mga amateur beauty contests. Sikat siya dahil bukod sa maganda siya ay sobrang bait pa niya. Madaling lumambot ang kaniyang puso.
Ako naman ay sa mga academic subjects napapansin. Nerd at bookworm. Aloof ako sa mga tao. Hindi naman ako masyadong sikat dahil sa asignatura lang naman iyon.
Palagi kaming napagkukumpara.
Mas maganda siya.
Mas famous.
Mas talented.
Nakakapanliit kasi sa tuwing kasama ko siya, ngumingiti lang ako pero sa totoo lang, nasasaktan ako.
Lalo na nung makilala namin si Steve.
Transferee siya sa school namin at naging classmate namin siya. Botohan ng mga officers noon. As usuall, ako ang President habang ang bestfriend ko ang Muse. Nakakaproud kasi kasama kami sa officers.
At ang escort niya?
Walang iba kung hindi ang lalaking pareho naming crush.
At sa minalas-malas, ang kaibigan ko ang nagustuhan niya't niligawan.
"Agatha! Nandito ka lang pala. Bakit ba palagi na lang kitang hinahanap?" Napalingon ako sa kaniya na ngayom ay nakanguso habang nakahalukipkip. Nakatayo siya sa pintuan ng CR. Ngumiti ako sa kaniya. Lumapit ako at saka niyakap ito.
"Grabe! Sweet mo yata ngayon?" Narinig kong tanong niya.
"Hayaan muna, last ko na ito." Nagtawanan kami matapos kong sabihin iyon.
'Patawarin mo sana ako, Catt. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng patawad.'
End of Flashback
Cattleya's POV
Naibuga ko ang kape na iniinom ko nang makita ko si Sir Steve na naka-boxer lang na lumabas ng kwarto nito. Nasa condo na nito kami ngayon at katatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit ko sa kabilang kwarto. Napatutop na lang ako sa bibig ko at dali-daling pinunasan ang nabasa kong sando.
"You look sexy tonight, Cattleya." Huli na nang mapagtanto ko na manipis nga pala ang suot ko. Mabilis kong tinakpan ng mga kamay ko ang dibdib ko ng pa-letter-X.
"Bastos!" sigaw ko. Hahakbang na sana ako para pumunta sa kwarto ko nang bigla siyang humarang.
"Where do you think you're going?" malapad na ngisi nitong tanong. Ang ngipin niyang sobrang puti at pantay-pantay ay ang nagpatalon ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Tiningnan ko siya sa mga mata niya na nakatitig lang sa akin.
Dahan-dahan na lumapit ang kaniyang mukha sa akin. Pero unti-unti rin akong umatras. "S-sa kwarto ko. M-magpapalit ako ng damit," sagot ko.
Lalo pa niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Napatitig ako sa mga labi niya.
Pumikit ako nang mariin habang hinihintay ang paglapat nang kaniyang labi sa akin.
Ilang minuto akong nakapikit.
Hanggang sa marinig ko siya tumawa. "Assuming." Sabay talikod.
Sinamaan mo siya ng tingin habang humahakbang ako papasok sa kwarto ko.
"Assuming pala, huh? Tingnan natin kung makatikim ka," bulong ko pagka-lock ko ng pinto.
Isang panjama na kulay violet at white t-shirt ang nakuha ko sa aking damitan. Kumuha rin ako ng towel, toothbrush at sabon. Dahan-dahan akong lumabas ng salan. Tinanaw ko pa ang pintuan ng kwarto nito at nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin kong nakasara iyon.
Dumeretso ako sa banyo at pumasok doon. Isinabit ko muna ang aking damit at towel bago naghubad.
Ilang minuto rin akong nagtagal doon upang gawin ang aking ritwal.
Magbibihis na lang sana ako nang bigla kong maalala.
'Nakakuha ba ako ng undies?'
'Damn it! I forgot'
Halos hindi ako mapakali sa loob ng banyo.
'Paano ako magbibihis?'
'Paano ako lalabas?'
Bahala na.
TIP-TOED ang ginawa kong lakad habang binabagtas ang daan papunta sa kwarto ko. Bitbit ko ang malinis kong damit, toothbrush, sabo at marumi kong damit.
"What the hell?" Huminto ako sa paghakbang ng marinig ko na nagsalita buhat sa likod ko si Steve. Napapikit ako habang mahigpit kong hawak ang towel na nakabalot sa aking kahubaran. "Bakit ganiyan ang itsura mo?"
"Wala," sabi ko at saka humakbang muli pero kapag minamalas ka nga naman.
Nadulas ako't nabitawan ko ang lahat ng hawak ko.
Kahit ang kamay kong nakaalalay sa towel ay nabitawan ko kaya humalagpos.
"Shit!" Narinig kong mura ni sir Steve at mabilis na pumunta sa akin. Medyo napahinto pa siya nang makita niya ang katawan kong nakalantad. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin o sasabihin. "Are you okay?" tanong niya nang alalayan akong tumayo. Aabuti ko sana ang towel sa sahig kaso naunahan niya ko.
"Give me back my towel," utos ko sa kaniya.
"What if I don't?" Ngumisi na naman itong mokong na ito. Basang-basa pa ako at nilalamig.
"A-ang ginaw, akin na kasi 'yan!" Sinubukan kong agawin iyon pero iniiwas niya habang tumatawa nang mahina. "Fuck you, Steve!" Inis na sabi ko sa kaniya.
Naisip ko tumakbo na lang papasok sa kwarto ko.
'Sa kaniya na iyong towel ko na iyon. Kainin niya! Saksak niya sa baga niya'Kaso, punyemis na sabon. Naapakan ko at nadulas na naman ako. Napahiga na lang ako sa sahig habang iniinda ang namimilipit kong balakang.
"Come, let me help you." Hinawakan niya ko sa braso ko pero pumiglas ako.
"I don't need your help!" angil ko sa kaniya. Sinubukan kong tumayo pero sa isang iglap lang ay nadulas na naman ako. This time mas worst!
Napakapit ako sa kaniya at nadala ko siya.
Napapikit na lang ako nang marealized ko ang itsura namin.
Nakahiga ako sa sahig,
Walang damit,
Nakapatong siya,
At boxer lang niya ang tanging suot niya.
Napalunok ako nang tatlong beses nang maramdaman ko ang kaniyang pagkalalaki na gumalaw sa tapat ng hita ko.
'Damn!'
BINABASA MO ANG
LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)
General FictionDate started: January 20, 2017 Date completed: Febuary 27, 2017 All Rights Reserved 2017 (c) EmpressAffy13
🌸CHAPTER 8🌸
Magsimula sa umpisa