Nanlaki ang mata ko. "Bastos mo talaga! Pervert!"

Iniwan ko siya sa kusina at dumiretso sa sala.

"Uy sorry! Joke lang yun. Masyado ka namang seryoso." Paliwanag niya.

Umiwas ako ng tingin. "Hmp! Ayokong makita ang mukha mo."

"Edi wag. Ikaw naman ang mawawalan hindi ako. Alis na ako. Hindi ako babalik bukas kaya ikaw na bahala dito sa gawaing bahay. Babye Baby Lei!" Paalam niya kaya nakuha niya ang atensyon ko.

"Hoy! Hindi pwede yun. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako pinagawa ng gawaing bahay kaya dapat ikaw ang gumawa." Sabi ko.

"Pinapaalis mo ako eh. Kaya susundin ko." Banggit niya habang dahang dahan na naglalakad papunta sa pinto.

"Aish! Oo na, sige na. Bumalik ka na rito." Sigaw ko.

Bumalik naman siya kasabay nun ang pagdingdong. Napatingin kami sa isa't isa ni Kerwin. OMG! Si GD na yata yun. Ang aga niyang umuwi.

"Umalis ka na Kerwin. Dun ka sa may likod dumaan. Bilis baka maabutan ka ni GD." Tinulak ko siya.

Tumakbo ako papunta sa gate para mabuksan ko na yun.

"Why are your so slow to open the god damn gate, Franzine?!" Bungad niya.

"Sorry." Yumuko ako.

"Sorry? Tss..." Dinaan niya lang ako na parang multo.

Sinundan ko siya paloob ng matapos ko ng isarado ang gate.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa. May pagkain ba?" Tanong niya.

"Ahm..." Shit! Hindi ako ang nagluto kaya baka magtaka si GD. "Pinadeliver ko lang."

"Saan?"

"Huh?...S-sa kahit saan. Hehehe." Nauutal kong sagot.

"Tapos mo na ba gawin utos ko?" Tumango ako. "Sige. Pwede ka ng lumabas at pumunta kahit saan. Do whatever you want but you should tell me where you are." Aniya.

"Sa mall lang ako pupunta." Paalam ko.

Tumango lang siya at umakyat na siya kaya napahinga na ako ng maluwag.

"Tara labas tayo!" Napatalon na lang ako sa gulat ng hilahin ako palabas ni Kerwin.

"Kerwin!" Sigaw ko.

Pinigilan ko siya sa paghila sa akin. "Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Huwag kang sumigaw. Baka marinig ka ni GD at baka mapalabas ka ng wala sa oras ng hindi nagagamit ang paa mo. Quiet ka lang." Saway ko.

"Hehehe. Sorry. Halika na!" Aniya at hinila na naman ako.

Kasalukuyan akong naghihintay kay Kerwin nang tumunog ang cellphone ko at mukhang may tumatawag. Sinilip ko iyon at halos muntikan ko ng mabitawan yung cellphone ko pero naagapan ko naman. Muli kong tiningnan kung sino yung nasa screen baka kasi namamalikmata lang ako but I'm wrong.

"H-hello?"

(Bakit ang tagal mong sumagot?)

"Sorry"

(Anyway...Kelangan mo munang umuwi dahil pupunta daw sila Appa with Tito and Tita in our house. Kaya bilisan mo ng pumunta dito)

Bigla akong nataranta. Gosh! Wrong timing naman. Kung kelan nasa labas na may humarang pa.

Married To A Sasaeng FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon