First Heartbeats

Magsimula sa umpisa
                                    

Siguro noong panahon ding iyon ako nagka-crush sa kanya.

Sinigurado kong walang makakaalam na may crush ako sa kanya. Iniiwasan ko ang mga tanong ng mga kaibigan ko. Kilaka ko kasi ang sarili ko. Alam kong maaamin ko yun kapag tinanong ako kasi di ako magaling magsinungaling.

Lumipas ang ilang buwan at walang pagbabago sa buhay ko. Mga klase, quizzes, recitation, intramurals, at iba pa.

Hanggang sa naganap ang Student Council Elections.

Alam ko namang maraming nagkakagusto sa kanya. Beauty and Brains nga kasi. Maganda na, Top 1 pa sa klase.

Nasa labas ako noon kasama ang mga kaibigan ko habang ang iba sa mga kaklase ko eh nasa classroom. Tapos na kasi akong bumoto.

Narinig kong may sigawan sa classroom. Pumasok ako. Bukod kasi sa suplado eh tsismoso rin ako. Nakita kong nakapalibot ang mga kaklase ko sa kanya. Sa kanila ni V.

Kinikilig yung mga kaklase ko. Umamin kasi si V sa kanya. Nagsimula ang tuksuhan at dahil magaling ako, nakisabay naman ako sa panunukso. Kahit na may kung ano sakin na para bang nabato ng semento.

Doon ko na realize.

Gusto ko na pala siya.

Second Year.

Ito yung taon na nalaman ng lahat ang sikreto ko.

Mayroon kasi kaming klase na papasok kami sa library, magbabasa ng libro, at magsusulat ng summary sa notebook.

Apat kaming magkaklase sa iisang table. Dalawa kaming lalake at dalawang babae. Sina K, A at J. Tapos na kami sa pagsulat ng summary kaya nag-usap kami. Mahilig kaming apat sa katatakutan kaya iyon ang pinag-usapan namin.

Isang araw, iniba nila yung topic. Lagi nalang daw kasi katatakutan ang pinag-uusapan namin at boring na daw.

Nagsuggest silang mag Truth or Dare kami. Ayaw kong sumali kasi nung mga panahong yun, curious na curious sila sa kung sino crush ko. Kapag sumali ako, either way makakahanap sila ng paraan para mapaamin ako.

Tinawag nila akong killjoy at kung ano pa pero ayoko pa rin. Napasali lang nila ako nang sinabi nilang walang kahit ano tungkol sa mga crush crush na yan.

Kaso, trick lang nila yun.

Nang napunta sakin, nag Truth ako. Ayoko kasi mag Dare at baka pagalitan pa ako ng teacher. Pinaamin nila ako. Iginiit ko yung usapan pero in the end, napaamin nila ako.

At ayun, may nakaalam.

Sekreto lang namin dapat yun. Pero nabunyag.

Nasa isa kaming trip. Nasa isang jeep kaming boys at sa kabilang jeep yung girls. Di ko alam kung anong kasalanan ko sa kanya pero ipinagsigawan ni K sa mga boys kung sino ang crush ko.

At pagkatapos ng araw na yun, kumalat na sa klase kung sino ang crush ko. At siyempre! Nagkailangan na kami pagkatapos.

Isang gabi, habang gumagamit ako ng FB, may nagchat sakin. Yung bestfriend ng crush ko.

"Crush mo ba yung bf ko?"

"Paano kung sabihin kong oo?"

Inamin ko na may crush ako sa bestfriend niya. In fact, inaamin ko sa lahat ng nagtatanong sakin. There's no point in keeping it a secret anymore.

Nalaman kong tatlo kaming may gusto sa kanya sa classroom. Alam ko naman kasing wala akong laban kaya hanggang tingin lang ang ginawa ko.

Hanggang sa dumating yung birthday niya. Saktong exams nun kaya half day kami. Kaso, babalik kami pagkahapon para sa props namin for Intramurals.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon