Baka kasabay ng pagbabalik ng ala-ala ko ay ang pagbabalik ng feelings ko for her?
Oh my Janus boy! In love ka na ba sa isang babae?
***
Tulala ako habang nagla-lunch sa Regal Diner’s kasama ang barkada. Pansin ko, dito na lang ako nakatambay palagi pag hindi si Cassidy ang kasama ko. At least si Cassidy, pwede mong makasama sa Cherry’s Pie, sa Acacia Groove… eh sila Stacey, balak atang dito na tumira sa Regal Diner’s. Kaboring narin minsan.
“Uy Janus! Problema mo? Akala ko ba hindi ka kasama nila Dave kagabi? Ba’t busangot din ang mukha mo?” Si Stacey. Nalaman niya na ang nangyari kagabi. Tumingin ako sa kanilang lahat. Lahat sila ay subdued na kumakain. Nakasuot naman ng cap si Tanner samantalang naka-bonnet naman si Peter. Agad kong pinigilang matawa. Kapag kasi makita ng lahat ang itsura ng mga buhok nila, tiyak pagtatawanan talaga sila. Ang sagwa kasi ng pagkakagupit ng buhok nila.
“Ah... eh… iniisip ko lang kung sino naman ang gagawa ng nakakatakot na prank na yun sa inyo guys...” palusot ko. Lately, nagiging sinungaling na ako. Tss.
“Oo nga!” dugtong ni Stacey. Mukhang outraged din siya na may magtatangkang paglaruan ang elite group nila. “Siguro naman Dave, may idea kayo kung sino ang gagawa ng ganun sa inyo?”
“Oo naman,” sagot ni Dave at napansin kong napatitig siya sa table nila Owen. Nandun sila Atlas at Owen na naglalaro ng chess. Nanonood naman sina Chari at Charles. Wala doon si Cassidy. Haay. (Insert chinito sob face here.)
“Pero ewan ko, hindi ko alam kung paano nila magagawa ang ganung ka-komplikadong prank...” sabi pa ni Dave. Kung alam mo lang Dave, kung alam mo lang ang bagay na nagagawa ni Atlas.
“Kahit na!” sabi naman ni Stacey na lalo pang nainis. “Hindi to makatarungan! Una si Jio. Tapos si Mich. Tapos eto naman. Hindi kaya…”
Patay. Na-gets na nila na may pattern?
“Hindi kaya masyado na kayong nagpapabaya?” bulyaw ni Stacey sa lahat. Ako naman, muntik ko nang matapon yung kape ko. Akala ko pa naman nahalata na nila.
“Kahit sino pa sila… sinisiguro kong makakaganti tayo sa kanila” galit na banta ni Dave. “Jio, Mich, gusto kong tawagin niyo mamaya ang mga ‘underlings’ natin noon. It’s time na ibalik nang tuluyan ang Noble’s Break.”
***
Kinakabahan ako sa kung ano ang kayang gawin nila Dave para lang makaganti. Napag-alaman ko rin kasing yung sinasabi nilang mga ‘underlings’ nila noon nung high school ay mga fratmen na ngayon sa school.
Oh God.
Malakas pa naman ang kutob kong alam nila Dave na may kinalaman sila Atlas sa prank.
Nawala na lang sa isip ko yung pag-alala kinabukasan ng may lumapit sakin habang naglalakad ako pauwi galing Cherry’s Pie. Nagbabakasali kasi akong makikita ko doon si Cassidy. Pero no show na naman siya.
Lumapit sa akin si Jane. “Janus, pwede ba kitang makausap? Tungkol sana kay Cassidy.”
Napukaw naman agad ang interes ko. “Oh, Jane, ikaw pala. Bakit? May alam ka ba kung asan si Cassidy?”
Seryoso ang mukha ni Jane. “Janus. May hinihinging favor sa akin si Cassidy. Sundan mo ako.”
“Teka, asan ba si Cassidy?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang alam ko kasi ay roommates ni Cassidy sila Jane at Lucy. Sila ang girl bestfriends niya eh. Baka naman may alam sila.
BINABASA MO ANG
Don't Forget
General FictionNawala ang ala-ala ni Janus nung maaksidente siya bago pa man siya maka-graduate ng high school. At sa pagtuntong niya ng college, gusto niyang makilala ulit ang mga kaibigan niya noong high school pa siya. Ngunit sa paghahanap niya sa kanyang mga...
19. The Bad Boy Falls In Love
Magsimula sa umpisa