"Nalaman ko kay Seulgi na gagawing solo artist si Chanyeol ng CEO nyo. Hahayaan na nya kayong magdisband pero magpapatuloy si Chanyeol. Pero ang hinding hindi ko matatanggap ay ang pinagagawa ng CEO sakin. Kai, tulungan mo kong itigil to please"

Hinawakan ko ang braso nya at pinaharap sakin, "Sabihin mo sakin Krystal"

"Ipapalabas ng CEO na buntis ako at ikaw ang ama. Yun ang gagawing rason kung bakit magdidisband ang KSY. Pag hindi ako papayag, pipilitin nyang paalisin ang kapatid ko sa pagiging idolo. Ayokong madamay si Jessica unnie dito. Hindi ako papayag Kai. Please tulungan mo ko"

-

Naglakad ako papunta sa bahay ng lola ko. Hinatid ko na si Krystal sa bahay nya. Buti nalang nandun si Jessica para alalayan sya. Solo artist si Jessica at isa sa pinakasuccessful na solo artist. Kung aalis sya sa pagiging idolo na walang dahilan, masasayang lahat ng pinaghirapan nya. Kaya hindi ko masisisi si Krystal kung bakit pinili nyang pumayag sa issue na ipapalabas ng CEO.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit saakin napunta ang problemang yun? Bakit sinisira ng CEO ang imahe ko sa mga tagasuporta ko? Ano bang nagawa ko at bakit ganito ang ginanti sakin?

Hahakbang na sana ako ng kalsada nang biglang umiba ang kulay ng traffic light. Aatras na sana ako nang nawalan ako ng balanse. Buti nalang at may humila sakin paalis sa sasakyang babangga dapat sakin.

"Mag-ingat ka nga!" Nabigla ako nang makita ko si Kyungsoo. Sya yung humila sakin. Magpapasalamat sana ako nang hinampas nya ako sa dibdib, "Pano kung wala ako ha?! Pano kung nabangga at namatay ka!? Gusto mo bang sumunod kay Hyoyeon at Daehyun ha!? Hindi porket magdidisband kayo, pwede ka nang mamatay hinayupak ka!!"

Imbes na magulat ako dahil sa biglaang panenermon nya, bigla akong napangiti. Hinila ko ang siko nya at niyakap ang nakabalot nyang katawan.

"Salamat" bulong ko at binaon ang mukha nya sa dibdib ko.

"A-ano..." Tinulak nya ako ng mahina at tininghala ako, "... joke lang yung panenermon ko. Wag mo dibdibin yun a-ano nabigla lang a-ako.."

"So naalala mong namatay sina Daehyun at Hyoyeon? Pero hindi mo ko naalala" agad syang umiling.

"Kinwento lang sakin ni Suho. Ah pati si Eunji." sabi nya.

Hinawakan ko ang pisngi nya sa loob ng malaking hoodie na bumalot sa ulo nya at nilapit sa mukha ko. Naramdaman kong biglang uminit ang pisngi nya sa ilalim ng palad ko.

"Kyungsoo, mag-usap tayo"


-



"I'm sorry" tumayo sya sa swing na kinauupuan nya at lumuhod sa harapan ko, "I'm so sorry Jongin. Ginawa lang naman namin to dahil gusto naming makalimutan nyo na kami. Nang dahil samin, nagiging ganito kayo. Gusto namin ibalik ang buhay nyo nung panahong hindi nyo pa kami nakilala. Yung panahong hindi pa kami pumasok sa buhay nyo"

Pumikit ako at bumuntong hininga.

"Nangyari na ang nangyari Kyungsoo. Nakilala na namin kayo, minahal na namin kayo. Sa tingin nyo kaya nyo pang maibalik ang panahong hindi nyo pa kami nakilala?! Sa tingin nyo madali lang kayong makalimutan? Sa panahong nagsasama tayo at yung mga alaala natin, hindi na namin kayang ibaon sa limot ang mga yun. I'm so disappointed. Dapat isipin nyo rin ang maaaring mangyari pag ginawa nyo to. Lalong lalo ka na! Paano kita makakalimutan?! Minahal kita noon palang. Sana alam mo yun. Nag-iisip ba kayo!? Lalo nyong pinapagulo ang sitwasyong to!" Hindi ko mapigilang magalit. At dapat lang na magalit ako. Bakit sa lahat lahat ng pwedeng gawin nila ay ang magpanggap? Ang magpanggap na hindi kami maalala para makalimutan namin sila?

"Jongin... Hindi lang naman yun eh" sabi nya at inabot ang kamay ko na nakahawak sa chain ng swing.

"Kyungsoo, ano pa bang rason?" Tanong ko sakanya.

"Takot kami" tiningnan ko lang sya. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa mata nyang puno ng luha, "Takot ako. Na kapag bumalik kami, masasaktan namin kayo"

"Nonsense," binaon nya ang mukha nya sa palad ko at umiyak ulit, "takot kayo na baka masaktan kami? Kyungsoo, sinaktan nyo na kami eh. Nasasaktan na kami. Tell me, what's the use of that reason ha Kyungsoo? Pinapahirapan nyo lang kami lalo eh! A-alam mo naman kung gano kita kamahal diba?" My voice cracked. Alam kong napansin nya yun kaya napatinghala sya sakin. Nagulat sya nang makita nya akong umiiyak.

"Jongin...."

"Isang taon Kyungsoo. Simula nung umalis ka at nagkahiwalay tayo, hindi ko na alam kung pano ako sasaya ulit. Umasa ako dahil sinabi mo saking babalik ka. Naghintay ako kasi mahal kita Kyung. Sumama ako sa China para hanapin ka pero nandito ka lang pala. Ginawa nyo lang kaming tanga dun eh! Tapos pagbalik namin dito, ang bubungad samin ay ang pagpapanggap nyong hindi kami kilala? Anong klaseng kalokohan to!?"
Magsasalita na ulit sana ako nang makita kong binuksan nya ang bibig nya.

"P-Pumunta kami ng China Kai"

"Pero bakit hindi nyo kami hinanap?"

"Kasi hindi namin kaya!" Tumayo sya at dahan-dahang umupo sa swing sa tabi ko. Tiningnan ko sya at hinintay syang magsalita ulit, "Hindi namin kayang lumapit sainyo. Ang saya saya nyo eh"

Masaya? Mukha lang kaming masaya pag kaharap namin ang mga tagasuporta namin but the truth is, simula nung nagkahiwalay kami ni Kyungsoo, hindi ko na kayang maging masaya ulit. Yung totoong kasiyahan.

"Masaya na kayo, Jongin. Nalilito na kami sa gagawin namin. Paggising namin sa aksidenteng yun, kayo agad ang hinahanap namin. Kahit ang dami pa naming sugat sa katawan, nakaya pa naming tumakas para lang pumunta ng China. Pero akala namin na pag nakarating kami dun, masasatisfy kami pag nakita namin kayo. Ang saya namin nung nakita namin kayo eh... pero ang saya nyong tatlo na sa puntong iniisip naming hindi nyo kami deserve. Kasi mas gusto naming makita kayong masaya sa mga fans nyo kesa sa masolo namin ang mga ngiti nyo. Iniisip din namin na baka kami ang sanhi ng gulong to. Nalilito ako nun kaya hindi ako nakapagisip at pumayag na umuwi nalang sa South Korea at magpanggap na hindi kayo kilala. Akala naming magiging successful yung plano namin pero hindi ko alam kung bakit naisip yun ni Sehun... I'm so sorry. Sana lumapit nalang kami nun at bumalik sainyo. Sana hindi nalang kami umuwi ng South Korea—"

"Kyungsoo..." Tumayo ako sa swing para pumunta sa harapan nya tsaka sya hinila patayo at niyakap, "..mahal na mahal kita. Kung may nagawa ka man, mapapatawad kita. Magsisi ka kung yan ang gusto mo. Basta ang importante, naintindihan kita. Mahal kita, mahal natin ang isa't isa. Ang kailangan lang nating gawin ngayon Kyungsoo ay magtulungan" tumingin sya sakin at nginitian ko sya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi nya, "Tulungan mo kong matapos to Kyungsoo. Kailangan kita. Sawa na akong bumangon mag-isa eh. Sawa na akong makipaglaban sa utak ko na palaging sinasabing kailangan ko nang sumuko. Pero hindi pwede. Kaya tulungan mo ko"

-

Tf i'm suck of making dramas 😂😂 hindi po ako marunong magdrama kaya ampanget hahahaha salamat parin sa pagbabasa XD

[EDITING PROCESS] Pretend (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon