Pinahid ko ang luha ko pero Hindi sila natigil. Mas lalo silang dumami at lumaki.
Ano ba ang nangyayari?!
*****
Mugto ang mga Mata ko, maaga palang ay nakaupo na ako dito sa labas ng bahay namin. Inaabangan kong lumabas si Vander, dahil ngayon kami mag rereport sa dati naming school. Sasabay ako sa kanya. Tinanggihan ko ang alok ni Daddy na sya ang maghahatid sakin.
Hindi ako galit sa kanya, Hindi rin ako nagtatampo. Sanay naman ako na madalas pagsupladuhan ni Vander, mas nagugulat nga ako pag nagiging mabait ito at maayos akong kinakausap.
Pinahid ko ang pawis sa noo, medyo mataas na ang araw at masakit na ang tama nito. Labing limang minuto na akong nakaabang sa paglabas ng kotse ni Vander.
Anim na minuto pa, ng bumukas ang gate nila at papalabas ang kotse ni Vander mabilis akong tumawid at kinatok ang passenger side ng kotse. Bumaba ang bintana nito at hinanda ko agad ang matamis Kong ngiti.
"GOOD MORNING MY PRINCE!!! please unlock the door at sasakay ako." Nakangiti kong sabi.
Diretso lang ang tingin nito sa daan. "I can't. Pahatid ka nalang Kay Ninong Trip may dadaanan pa ako." Muling tumaas ang bintana ng kotse. Pinigilan ko ito pero sumara parin.
"Vander!" Katok ko "VANDER! VANDER!" sunod-sunod ang ginawa Kong pagkatok. Hindi naman ako nabigo ng muli nyang binaba.
Ngunit iritang mukha ang bumaling sakin. "Can't you understand na ayokong isabay ka dahil may iba akong lakad?! Ano ba Anika! Stop being childish!"
Nag-igtingan ang litid nya kaya alam ko naman na naiinis na talaga ito. Pero bakit ba sya ganyan?
"Vander, isabay mo nalang ako hihintayin naman kita kahit saan ka magpunta eh." a meaning beyond.
"Pahatid ka Anika." Diin nyang sabi.
"Eh.... U-umalis na kasi si Daddy." Namasa na naman ang Mata ko. Hindi na ako makatingin sa kanya, yukong-yuko na ako para Hindi nya ulet makita ang mga Mata ko.
Nasasaktan ako Vander! Ano bang meron?
Mas yumugyog ang balikat ko ng walang salitang humarurot ang kotse nya palayo. Napakagat labi ako ng usok nalang ang naiwan sakin.
Ang sakit. Mas masakit ang masaktan ka na Hindi mo alam ang dahilan.
Hindi ako sanay na magcommute. Palagi kasing nakaalalay si Vander kahit palagi itong masungit sakin. Doon nakikilig ako at nabibiro ko sya. Pero ngayon, pinaiyak nya ako... Worst pinaglotion ng alikabok at pinasinghot ng usok.
Pagbaba ko ng jeep, dumaan ako ng University parking lot, Hindi pa pala dumadating si Vander bakante kasi ang pwestong para lang sa kanya.
Hindi na muna ako pupunta ng registar, hihintayin ko muli si Vander. Didiskarte na naman ako at susubukang lambingin sya.
Tahimik akong naupo sa isang bench, dito dumadaan ang estudyanteng nagpapark ng kotse.
Thirty minutes. Wala pa rin sya. One hour, wala pa rin. One and twenty three minutes nakita kong dumaan na ang Audi r8 na kulay grey. Namawis ang kamay ko excited akong salubungin si Vander.
Tumayo ako at tinungo ang parking space nya. Nakatayo ako sa may passenger side, ng bumaba si Vander sa kabilang side nagulat pa ito ng makita ako pero malapad ang ngiti ko sa kanya. May pag aalinlangan sya, batid ko pero binaliwala ko yun.
"Hello!" Kaway ko.
Umikot sya papunta sa harap ko.
Bumukas-sara ang labi nya pero bago pa sya may masabi ay bumukas ang passenger door at bumaba ang isang maputi, makinis, blonde at magandang babae. Hindi ako nito napansin, inangkla nya ang kamay sa braso ni Vander.Hindi naman kumibo si Vander, hindi makatingin sakin.
"Let's go?" Yaya ng napaka hinhin na boses ng babae.
Nilagpasan nila ako, Hindi ako makapaniwala kaya mabilis ko silang hinabol.
"WAIT!!! Sandali lang...." Hinawakan ko sa kabilang kamay si Vander kaya napatigil sila sa paglalakad. The girl raise her eyebrow, sinamaan ko ito ng tingin at binalingan si Vander.
Hindi na ako natutuwa! Naghihimagsik na ang loob ko!
"Sino sya ha? Bakit sya nakasakay sa kotse mo at sobra pa kong makayakap sa'yo?" Gigil Kong sabi.
Bored akong binalingan ni Vander. Bahagyang ngumisi ng nakakaloko.
"Ikaw? Sino ka ba sa tingin mo? Kaano-ano kita para kwestyunin ako?"
Aray! Muli along nagtimpi. Not minding what he said.
"You know who I am. Everyone knows what we have!" Sabi ko sa kanya.
He just smirk. "Baliw ka." Napanganga ako. "Childish." Kumuyom ang kamao ko. "Crazy." Susuntukin ko na Sana sya ng nagpahina sakin ang sunod nyang sinabi.
"Pinagbigyan ko ang ka pretso mo Chamilla Anika, tapos na ang palabas I hope you enjoyed! But please.... Ako naman ang pagbigyan mo...."
Nilapit nya ang mukha sakin, pigil na pigil ko ang matinding emosyon. Naamoy ko na ang hininga nya sa sobrang lapit. Nanginginig ang laman ko.
"Stay Away! I hate your guts! I hate your face! I hate your existense!"
BOOM! Para akong nawalan ng balanse at malapit matumba. Ni hindi rin nagfunction ang utak ko ng ilang segundo. Si Vander ba yun? Paano nya nasabi sa akin yun. Bakit nya ba ako palaging sinasaksak ng masasakit na salita?
Ilang beses nya pa akong dapat saktan? Para tuluyan ko na syang sukuan? Masakit. Pero mas masakit na sumuko nalang ako na Hindi alam ang dahilan. Nagmamahal ako, kaya sasakripisyo ako. Mahal mo ako Vander.
Hihintayin ko ang araw na pagsisisihan mo lahat ng sinabi mo sakin!
*****
Is this the end? 345° Chammy and Vander's story ay may malaking pagbabago.
Kung ang mundo ay umiikot ng 360° gaano ka kasigurado na para sya sayo? Ano ang magagawa ng nalalabing 15°. Kung Ikaw ang tatanungin ko, ano ang gagawin mo?
I'm back. Para magbigay na naman ng kakaibang twist and turns. Break you. Hurt you.
Sa mga interesado, please read sa isa ko pang gawa ang In the name of Love this is....."WHAT I CAN GIVE" a short story with only 3 parts. Para may Idea kayo kung anong klaseng writer ako.
Para naman matuwa ako. Lol. :) peace... Peace... Peace. ✌✌✌
*****
Love,
MAEJESTY
BINABASA MO ANG
SHUT UP AND BE MY BOY
Teen FictionSabi nya bakla ako. Alam ko sa sarili ko hindi kaya nakipagtalo ako sa kanya. Sa tagal naming nagtalo, may solusyon syang naisip. Shut up! And be My Boy daw Yun ba talaga ang solusyon? Eh, di patunayan. Mags...
STAY AWAY
Magsimula sa umpisa