"Ang boring! Puro na lang Uno cards ang katabi ko dahil sayo, Pat! Labas naman tayo sa dorm!"
"May bangkay na naman palang nakitang walang ulo."
Napatigil kami sa sinabing balita ni Pat.
Kung ganon may naglakas ng loob na magsimula ng gulo? Sana hindi lang ito basta kung sino lang, lalo pa't nababalitaan ang pagbalik nila. Hindi magandang magbiro ng tulad niyon dahil pagdating sa ganoong bagay, hindi tumatanggap ng biro ang mga iyon.
"Tingin niyo sino ang gumawa non?" Muli kaming napatigil ni Bryx ng magsalita ulit si Pat.
"Pat! Kinikilabutan ako sayo! Leche ka! Baka mayroon lang nagkapikunan sa tabi tabi o napagtripan lang!" Histerikal na sigaw ni Bryx kay Pat.
Napaisip ako dahil doon. Imposibleng nagkaroon lang ng maliit na alitan kaya napatay ang taong yun. Dahil walang gagawa ng bagay na makakapagsimula ng gulo sa mataong lugar.
At iniwan pa ang bangkay.
"Kung papatay ako, gusto ko walang makakakita. Pero gusto ko maraming makakaalam na ako ang pumatay sa taong iyon."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I have my own way to kill, Allen."
"What is it?"
"No breathe. No head. Dahil hindi na kailangan pang makilala ng lahat ang bangkay na iyon. Dahil mas masayang mag ipon ng ulo kaysa ng titulo."
Napatigil ako sa bigla kong naalala. Imposible.
"Allen! Huy! Ano? Dito ka lang? Kung kailan naman pumayag na ang babaeng Uno na to tsaka ka naman tutunganga?"
Para akong naubusan ng lakas dahil sa bagay na iyon. Hindi basta alaala iyon. Hindi.
-
Aerope's
Halos mag iisang oras na kong nakatago sa ilalim ng hagdan na to dahil sa pesteng babaeng humahabol sa akin kanina pa. Alam ko namang susundan niya ko matapos ko siyang itulak pero jusko! Ilang oras na kaming naghahabulan! Ilang oras na kong nagtitiis sa bantot ng lugar na to! Ewan ko din ba sa sarili ko kung bakit dito ko pa naisipang magtago. Tss.
Ilang minuto pa ng wala akong marinig na kung ano ay napagpasyahan ko ng lumabas. Ayoko na ng alikabok sa lugar na to! Baka masuffocate ako at mamatay! Wala pa man ding dumadaan sa pwesto na to kaya baka mabulok lang ang katawan ko dito kung sakali.
Paalis na sana ako ng makarinig ako ng pababang mga yabag. Kung eestimahin ko ang lakad nila, dalawa sila.
Napatago akong muli sa ilalim ng magsimula na silang magsalita. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa silang taguan samantalang hindi ko naman sila kilala.
Pero may pakiramdam akong kailangan kong magtago dahil baka may gawin silang masama sakin.
"Ikaw ang may gawa non." Paninimula ng isa. At kung pagbabasehan, lalaki siya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Sagot ng isa namang babae.
"H'wag ka ng mag maang maangan. I saw everything."
"So? Are you going to tell everyone that a woman like me killed someone? How sure you are na maniniwala ang lahat sayo?"
"Well, you can say na walang maniniwala sakin pero kahit saan mo tingnan you are checkmate. Na kahit walang maniwala sakin I can make a way na ilabas na ikaw ang naglakas ng loob na magsimula ng laro. Paano mo nga ba nagawa ang bagay na iniiwasan ng lahat? Imposibleng walang dahilan. Dahil hindi ka kikilos ng walang alas."
YOU ARE READING
Pandemonium
Mystery / ThrillerThe school of Hell or also called 'The paradise Lost'
Third
Start from the beginning