"Ate Aly!" dali-daling pinuntahan ni Bea si Aly na nakaupo sa isang monoblock chair.
"Bei!" natuwa sya ng makita ito. "Thank you, Bei.." yumakap agad si Aly. Hindi nya alam kanina kung sino ang tatawagan. Hindi naman sya makapag-commute, takot sya dahil na rin sa mga kwento ng Yaya Fe nya. Mabuti na lang may Bea syang kaibigan.
"Oh my god! You're bleeding!" puna ni Bea sa dumudugong ulo ni Alyssa.
"I'm alright.." binendahan nya lang ito ng towel kanina. Hindi nya kasi agad napansin no'ng una. Natuluan tuloy ang suot nyang white blouse.
"Let's go, Ate Aly.. Let's get out of here.." yaya ni Bea, kinuha nya ang bitbit na bag ni Ly at inalalayan ito papunta sa car nya. Wala na ang sasakyan ni Aly, malamang nakuha na ito ng mechanic. Nakita nya ang bakas ng gulong ng sasakyan nito sa kalye, halatang nag-preno ito agad at bumangga sa sidewalk railings. Natakot si Bea.
Inabutan nya ng bottled water si Aly. Mukhang ok naman ito maliban sa sugat sa ulo.
"Thank you so much, Bei for coming.." nakangiting sabi ni Alyssa.
"May masakit ba sa'yo?" tanong ni Bea, nag-aalala pa rin sya.
"Ok lang ako.. Stop worrying na.." malambing na sabi ni Aly.
"We're going to a hospital. You still need to be check." sabi ni Bea at pinaandar na ang sasakyan matapos silang makapag-seatbelt.
Kinabahan naman si Alyssa ng marinig ang salitang hospital. "There's no need, Bei. I'm really okay.." hinawakan nya ang braso ni Bea. "Let's just go home, please.."
"Takot ka ba sa hospital?" tanong ni Bea, nahalata nya kasi na nag-flinch si Aly ng sabihin nyang dadalhin nya ito sa hospital gaya ng kapatid nyang si Loel.
"Medyo.." pag-amin ni Aly.
"Ok.. We will not go to a hospital. But someone should check on you, Ate Aly. You might have a serious injury, so please.. Wag matigas ang ulo, ok?" sabi ni Bea, para nyang narinig ang Mom nya ng sabihin iyon.
"Where are you bringing me now?" usisa ni Aly ng mapansing hindi 'yon ang way papunta sa school nila.
"My home.. Saan pa? You don't want in a hospital di ba? My mom will help us. She'll know what to do. And also you need to clean up. You look terrible, you know.." pointing sa blouse ni Aly na may bloodstained.
"Aah.. Ok.." pumayag na rin si Aly, mas okay na siguro sa bahay na lang nina Bea kesa sa hospital. Tutal na-meet na nya ang parents nito at super bait nina Tito Elmer at Tita Det.Kausap ni Jho si Coach. Matapos kasi ang training, nabasa nya ang message ni Bea. Kailangan nyang i-update si Coach, gaya ng bilin nito kanina matapos nyang ibalita ang nangyari.
"Thank God at 'yon lang ang nangyari. Sabihin mo kay Aly, magpahinga muna sya. Wag muna nya pilitin ang sarili nya mag-training. Mahirap na.." sabi ni Coach.
"Sige po, Coach.. Sasabihin ko po." at nagpaalam na si Jho.
Pag-ikot nya para bumalik sana sa dug out, nakita nya si Fille, nakatayo at malapit sa kanya. Kinabahan na si Jho.
"Tell me everything, Jho!" may awtoridad na sabi ni Fille. May narinig sya pero hindi sya sigurado kung ano ba talaga ang nangyari at sabay na nawala si Aly at Bea sa training nila ngayon. Mabuti na nga lang sinundan nya si Jho kasi napuna nyang wala ito sa sarili during training. Kakausapin nya sana ito.
"Ate Fille kasi po.." nahiya sya dito, napakabait ni Ate Fille at ayaw naman nya na maglihim at magsinungaling pero nagbilin si Bea sa kanya.
"I have the right to know what's happening to my team as well!" kunot noo na sabi ni Fille habang palapit kay Jhoana.
"Ate Fille, I'm really sorry.. Nagbilin po kasi sila na wag ipaalam kay Ate Den. Baka po kasi, magalit naman sila sa akin.." paliwanag ni Jho, napayuko ito.
"I understand, Jho.. You know you can always trust me. Nag-aalala lang din ako. Pamilya tayo dito, remember.." inakbayan ni Fille ito. "Ano bang nangyari?" mahinahon nyang tanong.
Huminga ng malalim si Jho. "Naaksidente po si Ate Aly kanina kaya pinuntahan sya agad ni Bea. No'ng una ang sabi, hindi nasaktan si Ate Aly pero pagdating ni Bea doon, may sugat si Ate Aly sa ulo. Ayaw naman nya magpa-hospital kaya inuwi na lang muna ni Bea sa kanila. 'Yon lang ang alam ko sa ngayon, Ate Fille.." parang lumuwag ang pakiramdam ni Jho matapos maikwento ang nangyari.
Natahimik si Fille. Naalala nya ang nangyari kay Den sa dorm, nang mabasag ang baso, kinabahan ito at nag-alala kay Alyssa. Pakiramdam ni Den may nangyaring masama kay Aly pero hindi nila pinansin ang sinabi ni Den. At ngayon, nabalitaan nyang naaksidente si Aly. Coincidence o premonition.. Kinabahan si Fille.
"Pwede mo ba tawagan si Bea?" pakiusap ni Fille. "Kamustahin mo kung ok lang ba si Aly?" kabado pa rin si Fille. Gusto nya makasigurado na talagang ayos lang si Alyssa.
"Sige po.." at tinawagan ni Jho ang phone ang Bea. Ngunit walang sagot ito. Sinubukan nya ulit. "Hindi sumasagot, Ate Fille.." sabi ni Jho.
"Baka busy lang sa pag-aasikaso kay Aly.. Mamaya subukan mo na lang ulit.. Halika na, umuwi na muna tayo. Sumabay ka na sa amin ni Gretch.." yaya ni Fille kay Jho.
Chapter 10
Magsimula sa umpisa