Humanimal University

84.7K 1.7K 132
                                    

Ang Humanimal University ay ang paaralang nagsasanay sa mga taong half human at half animal para ma-develop pa nila lalo ang kanilang kakayahan.

Humanimal, kalahating tao at kalahating hayop. Hindi sila nakakasalamuha ng mga tao noon ngunit nang dahil sa insidente na nangyari ay nagbago ang lahat. Ang dating mundo ng mga mortal at ang mundo ng humanimal ay naging isa. Kailangan ang mga humanimal na napili ng Unibersidad upang maprotektahan nila ang mundo laban kay Sondem.

Nang dahil sa pagiging sakim at mapaghangad sa kapangyarihan ni Sondem, ang dimensiyong naghahati sa mundo ng mga tao at humanimal ay nasira. Balak niyang sakupin ang buong mundo at upang kilalanin bilang pinuno ng sanlibutan. Dahil doon, naghanap ang HU ng magigiting na nilalang para mapigilan si Sondem sa masamang balak.

Ngunit, paano sila makikisalimuha sa mga mortal na tao kung ang mga ito ay takot sa mga kagaya nila?

Ikaw bilang humanimal, handa ka bang ibuwis ang buhay mo upang maprotektahan mo ang mundo? Tinatanggap mo ba ang paanyaya sa iyo ng Unibersidad? Handa ka bang kaharapin ang mga problemang hindi mo inaasahan? Kayanin mo kaya? Hanggang saan kaya tatagal ang iyong tapang? O masisilaw ka rin sa kapangyarihan?

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Nov 16, 2023 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Humanimal University (Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant