PART II : Coco 'n Miel

Magsimula sa umpisa
                                    

"How dare you say that to my daughter" isang sampal ang dumampi sa pisngi ko mula sa kaniyang ama inaawat naman siya ng mama niya at ni denise.

"Pa, tama na" umiiyak na sabi ni Denise. Okay lang na saktan nila ako, mas masakit ang mga sinabi ko sa kanilang anak.

"Denise" tawag ko sa kaniya.

"Halika, pag usapan natin" hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo kami sa garden. Tahimik lang kaming nakaupo.

"Denise i'm sorry..i'm sorry for hurting you." Panimula ko. Hindi siya nag sasalita, alam kong umiiyak siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Si Jade ba ang dahilan?" Ngumiti siya sakin habang namumula ang mga mata. Tumango lang ako sa kaniya. "Alam mo Al, masaya ako nung dumating ka sa buhay ko kase finally, may makakasama na ko habambuhay, alam mo naman na gusto ko na magkapamilya di ba?"

"Yes, and handa naman ako tuparin yun eh kaya lang..." hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko.

"Kaya lang mahal mo pa rin si Jade" tumingin ako sa kaniya habang pilit na ngumingiti sakin. " mahal mo pa rin siya at hindi na yun mawawala. Sobrang laki nga ng pasasalamat ko nung aminin mong mahal mo na ako at gusto mo na akong pakasalan. Pero nung dumating si Jade, nag iba ka na. Na kahit magkasama tayo alam kong ang isip at puso mo ay nasa kaniya" hinawakan ko pareho ang kamay ni Denise at hinalikan ito habang umiiyak kami pareho. Lumuhod ako sa harap niya habang nakaupo siya sa bench.

"I'm sorry Denise, hindi ko gustong saktan ka. Hindi mo deserve masaktan ako lang talaga ang may problema. I'm so sorry"

"Althea. Tumayo ka jan" tinulungan niya akong tumayo at pinapahid niya ang mga luha ko. "Dapat kinasusuklaman na kita sa mga oras na ito, pero hindi ko yun magagawa. Mahal kita at kung saan ka masaya, hahayaan na kita. Sa taong totoong nagmamahal sayo at minamahal mo" Tumingin ako sa kaniya at kita ko sa kaniyang mga mata ang pagpaparaya.

"Pero.." dinampi niya sa labi ko ang daliri niya.

"Balikan mo na si Jade, wag mo na pahirapan ang sarili mo. Alam kong sa kaniya ka lang magiging masaya. Ako na ang bahalang magpaliwanag kila Mama" Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you Denise, napakabuti mo, alam kong may nakalaan para sayo, yung talagang mamahalin ka at papakasalan ka. Yung makakasama mo sa pagtanda." I kiss her forehead and bid goodbye.

I hope this is not the last time that i'll see her, gusto ko kapag nagkita kaming muli ay masaya na siya kasama ng taong mahal niya.

Agad akong sumakay sa kotse ko at nag dialed sa number ni Cathleen. Kailangan kong makausap si Jade.

"Hello?"

" uhm Hi Cath si Althea to"

" oh napatawag ka?"

"Uhm i need to know kung nasan si Jade ngayon" sandaling natahimik si Cath, i think magkausap sila ni Jade. "Hey Cath?"

"Oh i'm sorry ..i'm still here.. Jade's angry.." pabulong niyang sabi.

"Why? Why's she angry?"

"Maybe because of you?. You know preggy Jade" haist sinusumpong nanaman ang mahal ko.

"Okay i think i can handle her. Need to buy some favorite of her. Thank you Cath i'll be there in a minute" sabi ko sa kaniya.

"Okay Althea hurry up, i can't handle her right now  ohh shiit Jade, mahal yang vase wag yan!" rinig kong sabi ni Cathleen. Agad akong pumunta sa flowershop at binili ang paboritong bulaklak ni Jade plus bumili pa ako ng iba pa niyang mga paborito. Binilhan ko narin ng ibang pagkain sila Mama at Cathleen.

THE SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon