Chapter 44 - reality bites

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagtawanan  silang lahat.

Bea:  pero besides the hike I am really looking forward to your surprise Dei.

Dei:  I really hope you will like it Bea, its just a thank you gift for all of you guys kasi sasamahan ninyo ako sa first hiking experience ko.

Pagdating ni RJ at Rodjun, nagpicture taking lang sila at umalis na. Mahigit isang oras na byahe at nasa starting point na sila ng pagakyat sa Mt. Palay-palay.  Nagregister at briefing sila pagkatapos nagsimula na sila sa trail.  Ang Mt. palay-palay ay 664 meters above sea level.  May dalawang bahagi ang trail. Yung una gradual na pagakyat papunta sa Camp Base at ang pangalawa ay may matarik na pagakyat papunta sa  Campsite.  Puro puno ang trail kaya naenjoy nila ang pagakyat.  walang reklamo si Dei tahimik lang na naglalakad  kasunod ni Bea. Nagkukwentuhan pa sila habang naglalakad.  Ikinukwento ni bea ang mga nakakatawang experience nila noon sa paghahike.  Nasa unahan ng grupo nila ang isang hiker guide tapos si Kris kasunod si Irene, Bea tapos si Dei, Rodjun at RJ.

RJ:  Dei sabihin mo lang pag kailangang magpahinga ha.

Dei:  Don't worry about me sanay ako sa lakaran, at ngayon minamaster ko ang pagakyat. I am fine. Kaya ko to, ako pa!

Kris:  That's the spirit!

Nakarating sila sa campbase in less than an hour bilib na bilib ang kanilang hiker guide.

Guide:  Inom na kayo ng tubig at magpahinga ng konti.  Mukhang ako ang napagod hindi kayo eh. Puro matatagal na hiker na ata kayo eh.

Bea:  lahat po kami nakaakyat na pero si Dei first time niya.

Guide:  Ayos Miss Dei! High five tayo dyan.

nakipaghigh-five naman si Dei sa guide.

Dei:  kunyari lang kuya, nakakahiya naman sa mga kasama ko kung magiinarte pa ako eh sinamahan na nga nila ako pero yung totoo oh  lawit na ang dila ko sa hingal.

Inilabas nito ang dila at nagmake face. Nagtawanan  silang lahat. 

Rodjun:  Ako Dei, hinihingal sa pagtawa sa mga hirit mo eh! 

Dei:  Sorry force of habit lang ni Yaya Dee para hind mabore.

Bea: Ok nga eh ang saya, natawa ako don sa buti pa ang puno lumalaki ako hindi.

Irene:  Ako, yung mabuti pa ang makahiya may hiya, ako wala!

Ang lakas ng tawanan nila.

Dei:  Pero may isang reklamo lang ako, sana yung mga tubig natin malamig di ba?

Kris:  here, I brought extra for you... malamig yan promise!

Kinuha naman ni Dei at uminom.

Dei:  halleluiah! malamig nga! Ok na ako! buhay na ako ulit, game na!

Nagtawanan silang lahat.

RJ:  Mate huwag excited mas steep ang kasunod na trail.

Dei:  bring it on! Dadaanin ko lang ulit sa hugot para matawa kayong lahat at hingalin para kayo ang magyayang magpahinga.

Habang umaakyat, pinagmamasdan lang ni RJ si Dei at binabantayan mula sa malayo.  Siniko siya ni Rodjun.

Rodjun:  Kanina ko pa napapansin hindi maalis ang tingin mo sa kanya ha.

RJ:  First time niya, nagaalala lang ako.  Kargo ko yan  kapag may nangyaring hindi maganda.

Rodjun:  Talaga ba?  Kung hindi kita kilala iisipin kong iba ang tumatakbo dyan sa utak mo pero alam kong may Koreen ka na.

RJ:  At gusto siya ni Kris kaya tama lang na hindi ka magisip ng kung ano-ano maglakad ka na nga lang.

Pero iba pa rin ang pakiramdam ni Rodjun.  Pero minabuti na lang niya na hindi umimik.

Hanggang sa may naapakan na bato si Dei na natanggal sa pagkakabaon sa lupa nadulas ito. Napatakbo si RJ palapit dito at hinawakan ito sa bewang. 

RJ: Ok ka lang? 

Dei:  Oo, yung bato bumigay ata sa bigat ko eh. Ok lang ako.

RJ:  Kris, hawakan mo na lang si Dei. Matarik na kasi eh.

Bahagya namang bumaba si Kris at hinawakan ang kamay ni Dei. Nagsimula na sila uling umakyat.   Ilang sandali silang natahimik... ng biglang

Dei:  Mabuti pa yung bato madaling nakahulagpos ako tanga wala ng kakapitan kumakapit pa.

Natawa silang lahat.

Bea: loka ka talaga girl!  Nadulas ka na nga humuhugot ka pa.

Isa't kalahating oras ang dumaan ng marating nila ang campsite. 

Guide:  Hihinto ba tayo dito or derecho na tayo sa summit. Limang minuto na lang nandon na tayo.

Dei:  Ay ituloy na natin ito manong, mamaya na ako sa summit magpapahinga.

Nagpatuloy sila sa paglakad. Nang marating nila ang summit tuwang-tuwa si Dei dahil 360 degrees overlooking view of Cavite and Batangas ang tumambad sa kanila. Nagsigawan sila, nagpicture taking. Niyakap ni Dei ang bawat isa sa kanila para magpasalamat. 

Dei:  Thanks talaga guys! This is an experience na hindi ko makakalimutan.

Matapos ang picture taking... nakita ni Dei ang parrot's peek at monolith dalawang rock formations.

Dei:  Pupunta tayo don? Ano ba yon?

Guide:  Yan ang parrot's peek  yung kabila naman ang monolith.  Kung gusto ninyo pwede naman tayong pumunta don.

RJ:  No, that's a tedious hike for beginners like you.

Guide: Medyo mahihirapan ka nga since first timer ka.

Dei:  Bea, Irene, palagay niyo kaya nyo yan?

Bea:  Oo kaya naman mahirap pero kaya yan.

Dei: Kung kakayanin nila. Pwede ko bang itry?

RJ: No. Delikado.

Dei:  Mate kanina ka pa No ng No eh. Papano ko malalaman kung hindi ko susubukan.

Kris:  Tama si RJ mahihirapan ka kasi eh.

Dei:  Basta kung kakayanin ni Bea at Irene, i will try.

Rodjun:  Gusto niyang subukan it would be an accomplishment for her kapag nagawa niya kaya nga natin siya sinamahan di ba para maturuan natin siya. Eh might as well let her try. 

Niyakap ni Dei si Rodjun.

Dei: Luv na kita Rodjun!

Bea: Tama naman si Rodjun, sige mauuna na kami nila Rodjun at Irene kapag narating namin kayo na manong, RJ at Kris ang umalalay sa kanya.  Siguro naman wala ng mangyayaring masama sa kanya dahil tatlo na kayong nagbabantay.

Narating naman nila Bea, Rodjun at Irene ang Parrot's peek kaya sumunod na Kris, Dei at RJ. Medyo nahirapan nga si Dei, dalawang beses itong nagasgas sa palad at sa tuhod pero walang reklamo.  Tahimik at seryoso lang na nakikinig sa instructions sa kanya ng Guide.  Hanggang sa narating nila ang Parrot's Peak parang batang nagtatalon si Dei.  Nagpicture taking sila ng napakaraming shots.  May solo-solo, may daladalawa, may puro girls or puro boys lang at ang group pics nila. Naggroupie pa sila kasama ang guide nila.

Masayang masaya si Dei sa bagong experience pero higit sa lahat masaya siya dahil nagawa niya at nakasama si RJ sa isang bagay na alam niyang gustong gustong gawin nito.






The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon