"Fine my mouth is zipped" at umakto na parang zinipper niya yung bibig niya. Ang ingay talaga ng lalaking to.

Kahit kinakabahan ako medyo nawala yung konting pagaalinlangan ko sa ngiti niya. Thank goodness he's with me.

Nagdoorbell ako at may lumabas na maid. "Congrats po ma'am"

"Thank you. " ngiti ngiting pasasalamat ni joohyuk. Feel na feel niya talaga yung kasal namin ano? Bigla niya ding hinawakan yung kamay ko. Pilit kong tinatanggal pero pinipisil niya pa din yung kamay ko.

Pag pasok namin nakita kong nasa living room sila mama at papa habang nanonood ng tv. Tumayo bigla si mama at sinalubong ako ng yakap. "Oh kumusta? Kumusta ang honeymoon? Maupo kayo"

Biglang umubo si papa. Alam ko na yun ayaw niya nung sinabi ni mama. Umupo na din kami ni Joohyuk at hindi niya pa rin binibitawan yung kamay ko.

"So, now that it's all over, care to explain to me what happened yesterday Sung kyung?" tanong ni papa at kitang kita ko yung galit sa mga mata niya. Hindi ko pa rin talaga alam kung anong sasbihin ko kay papa. Bigla niyang nilipat yung tingin niya kay Joohyuk.

"Alam ko po Sir. na hindi ito yung napagusapan natin pero nangyari na po eh." Bigla niyang nilagay yung kamay ko sa hita niya. "We're married now"

Aba gago pero nagsalita na din ako. "Sorry po papa. Nahihirapan po si Seohyun kaya tinulungan ko po siya tumakas. Sorry po talaga" pinipigilan kong umiyak. Ayokong makita ako ni Joohyuk na umiiyak.

"Para ikaw naman ang mahirapan? Anong pagkakaiba nun?" sabi ni Papa.

"Pa, may boyfriend po siya. May iba siyang gusto." sabi ko dahil hindi nila alam yun.

"At ikaw gusto mo tong lalaking to?" sagot ni papa at bumaling ng tingin kay Joohyuk.

"Kaya mo ba tinulungan tumakas yung kapatid mo kasi gusto mo tong lalaking to?"

"Pa, hindi po sa ganun. I didn't plan everything okay? It just..... happened." sabi ko habang naiiyak na. Hindi ako sanay lumabag sa utos ni Papa.

"Tumigil ka nga ano ba." sabi ni mama at inukyabit yung kamay sa braso ni papa. "Wag mo nang pagalitan. Our daughter just saved us from humiliation and from losing everything and her sister for marrying a man she doesn't love. Ang pinakamagandang gawin mo sa anak mo ay magpasalamat ka."

Naramdaman kong umakbay si joohyuk sa akin. "What's done is done. I'm not backing out from our agreement sir. We're only here so she can get her things and move in with me.." sagot ni joohyuk na parang siya pa rin yung batas.

Parang hindi pinansin ni papa yung sinabi ni Joohyuk. Humarap siya sa akin. "Kelan ka maguumpisa magtrabaho sa kumpanya? okay na ang lahat ikaw nalang ang hinihintay iha "

Naramdaman kong humigpit yung hawak niya sa balikat ko. "Wait! She can't work with you!"

Naguguluhang sumagot si papa. "Why?"

"She's my wife now. Hindi siya pwedeng magdesisyon ng ganyan nang hindi namin pinaguusapan. As for now, I need my wife with me sir." bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya.

Tumayo bigla si papa kaya nagulat ang lahat. "Ayan na nga ba yung sinasabi ko eh. Yan ba yung gusto mong bata ka ha? Ang tigas talaga ng ulo mo." sigaw niya at nagwalkout. Rinig na rinig namin sa baba kung gaano kalakas yung pagsara ng pintuan.

"Sorry Joohyuk. Excuse me" pagkasabi ni mama noon ay sinundan niya si papa sa taas.

Tinakpan ko yung mukha ko ng mga kamay ko habang umiiyak. Ayokong nakikitang masaktan yung kapatid ko pero ayoko ding galit sa akin si daddy. Hindi ako sanay. Naramdaman kong niyakap ako ni Joohyuk.

"Kyungie come on, wala na tayong magagawa. Kunin na lang natin yung gamit mo para makauwi na tayo."

Pinunasan ko yung luha ko at tumayo papunta sa kwarto ko. Nararamdaman ko namang nakasunod sakin si Joohyuk. Pagpasok namin sa kwarto ko ay dali dali akong pumunta sa cabinet ko para kunin yung bag ko.

Napalingon naman ako kay joohyuk na tingin ng tingin sa bawat sulok ng kwarto ko. Simple lang yung kwarto ko. I'm a minimalist. My wall is covered with white painting. I also have a painting hanging on top of the headboard. I have a cabinet in front. Just a simple cabinet.  Hindi yung walk in closet. Sobrang simple lang ng itsura ng kwarto ko. Ang luho ko lang ay make up. I have a vanity table na punong puno ng make up. Nakita kong hindi pa rin siya tumitigil sa pageksamina ng kwarto ko.

"Anong problema mo sa kwarto ko?" tanong ko.

"I know I know. My room isn't as flashy as yours. Wala akong walk in closet. Okay?" Pangaasar ko sa kanya. Naglakad siya papalapit sa akin at tiningna yung closet ko.

"I just want everything in order okay? I mean look at this mess how do you find anything in here?" Tanong niya at akmang makikihaluhog sa cabinet ko.

"Wag na wag mong hahawakan kahit ano." Hinila ko siya palayo sa closet ko. "Kahit magulo yan alam ko kung nasaan yung kailangan ko."

"So what can I do to help?" tanong ni Joohyuk.

"Wala okay na. You've done a lot for me today seriously." Wala sa sarili kong hinalikan siya sa pisngi.

"A lot? Really" habang titig na titig siya sa akin at niyakap ako.

"More than you can imagine" ngiti ko sa kanya.

The truth is no one not even my mother nor my sister stood up for me before. Nasanay ako na kahit kumpleto yung pamilya ko mag-isa ako. Ginawa lang ni mama yung kanina kasi nandito si Joohyuk. Si joohyuk yung sagot niya para hindi mawala yung mga luho niya. Mas inaalala niya talaga si Joohyuk kesa sa akin alam ko yun. Halata ko rin na paborito ni mama si Seohyun. Kapag nagaaway kami si Seohyun lagi niyang kinakampihan kahit madalas siya naman ang mali. Hindi ko nalang sinasabi yun. Si papa naman okay naman siya pero minsan cold din siya. Hindi lang sa akin kahit kay Seohyun ganun siya. Kaya natuwa talaga ako sa ginawa ni joohyuk kanina.

"I deserve a prize" sabi ni joohyuk. Isip bata talaga to.

"Prize? Anong prize naman?" tanong ko.

He bit his lower lips while staring at me. I felt him pulling me closer and whispered. "A proper kiss is enough"

Aalma pa lang ako pero bigla niya akong hinalikan. He kissed me slowly, sensually. It took me a lot of strength to finally end the kiss.

"Ya-"

Bigla niyang tinakpan yung bibig ko gamit yung daliri niya na para bang sinesenyas na manahimik ako.

"Believe it or not that was me being slow. So sige na magimpake ka na para makauwi na tayo." sabi niya at dalidaling humiga sa kama ko.

Inirapan ko nalang siya at bumalik sa pageempake.

Lumabas kami ng kwarto ko at hindi ko nakita yung mga magulang ko. Napahinga ako ng malalim at nakita ko ang isa sa mga maid namin.

"Pasabi nalang na nauna na kami." Sabi ko habang hindi ko napigilan na mapaiyak. Hindi talaga nila ako nilabas. Naramdaman kong inakbayan ako ni Joohyuk.

"Shhh let's go." sabi nya at inalalayan ako palabas ng bahay.  


A/N: Next week po ulit! Thank you sa lahat ng comments and votes. I love you all 

Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon