CHAPTER 6: Love Survive

Magsimula sa umpisa
                                    

[HARUNA POV]

Papalapit ako sa kanya at buo na ang aking loob na talunin siya. Kung gusto niyang makita ang totoo kong lakas pagbibigyan ko siya. matagal tagal ko na itong hindi na gagamit at ito ang tamang pagkakataon na gamitin ang ability ni Love Survive.

“Nufufufu~ ano na ngayon Haruna Joestar? Magseseryoso ka na ba? Sa nakikita ko mukhang seryoso ka na, kaya naman hindi na ko magpipigil sa susunod na pag atake ko nufufu~ “TEMPTATION BOX!”

Tatlong laser ang sabay sabay na lumabas sa magkakaibang direksyon galing sa kanyang Stand, mabilis at napakalakas. Pero kahit malakas ang pag atake ng kalaban kung mawawala rin ang bilis nito mawawalan ng saysay ang lakas dahil sa madali na lamang maiilagan ang malalakas na pag atake na ito at yun ang kayang gawin ng aking Stand!

“LOVE SURVIVE!”

…..

“B-bakit ganito? Bakit bumagal ang pag kilos maging ang atake ko bumagal din??? Ito ba? Ito ba ang ability ni Love Survive? ” tanong ni Mr. Hello Hello sa sarili.

 Ito ang ability ng aking Stand. Ang pabagalin ang oras dahilan kung bakit nagkakaroon ng slow motion movement ang paligid

Kitang kita ko ang mga laser na papalapit sa akin~ madali ko na lamang sila naiiwasan  habang papalapit ako sa aking target at tapusin ang kalokohan na ito.

“Mr. Helllo Hello siguradong pag sisihan mo na ginalit mo ko”

“ORA! ORA! ORA! ORA! ORA!

ORA! ORA! ORA! ORA! ORA!

ORA! ORA! ORA! ORA! ORA!

ORA! ORA! ORA! ORA! ORA!

ORA! ORA! ORA! ORA! ORA! “

Pinaulanan ko ng malalakas na suntok ang kalaban na Stand user na si Mr. Hello Hello gamit si Love Survive, dahilan ng kanyang bugbog na mukha at pagkatalo sa laban. Hanggang sa bumalik na muli sa normal ang takbo ng oras~

“Ngayon sabihin mo saken nasaan ang kasama mo at saan nya dinala si Rina?” Pasigaw na tanong ko sa bugbog sarado na si Mr. Hello Hello habang kinukuwelyohan ko ito.

“S-Si Rina ang b-bestfriend mo Siya”

Naputol ang pagsasalita niya nang biglang may nilalang na umatake kay Mr. Hello Hello mula sa itaas. Ako’y umiwas papalayo mula sa pag atake. Isa pa lang Stand ang umatake kay Mr. Hello Hello.

“ Sino ka? Tanong ko sa kanya

SUNNY DAY SUNDAY (SD2) Maganda ang pinakita mo Haruna Joestar. Pero humanda ka sa susunod nating pagkikita dahil ako ang tatapos sayo”

Biglang naglaho ang misteryosong Stand at agad akong lumapit kay Mr. Hello Hello. Nagulat ako ng makita ang tunaw na bangkay ni Mr. Hello Hello. Halos masuka suka ako sa aking nakita ganun din si Tomomi na lumapit sa akin pagkatapos ng biglaang pag atake.

“Haru anong nangyari sa kanya? Sino ang user ng Stand na umatake sa kanya?” tanong sa akin ni Tomomi na nagpipigil ng pagsuka.

“Hindi ko rin alam Tomo” sagot ko sa kanya “ngayon ko lang din nakita ang Stand na yun pero may binanggit siyang pangalan “Sunny Day SunDay”

“Sunny Day SunDay or SD2 yun ang pangalan ng Stand na yun” boses na narining namin ni Tomo mula sa entrance ng subway~

“Mami? Anong ginagawa mo dito? Hindi pa magaling ang mga sugat mo! Kanina ka pa ba nandyan? ” tanong ni Tomo kay Mami na papalapit sa amin.

“Hindi Tomo kararating ko lang nang biglang nagpakita si SD2. Pasensya na pero sa sobrang takot ko sa kanya hindi muna ako nagpakita dahil alam kong ako ang isusunod niya” sagot ni Mami kay Tomomi.

Agad kong hinarap si Mami at tinanong tungkol sa Stand na si Sunny Day SunDay at kung saan niya dinala si Rina

“Siya ang pinaka malakas na miyembro ng grupo namin na GLAMOROUS 7 lahat ng tamaan ng pag atake niya ay natutunaw yun ang Stand ability niya” sagot ni Mami sa akin.

“Ang user? Sino ang user ng Stand na yun?” tanong ko ulit sa kanya.

“Haruna,  pasensya na pero hindi ko alam kung sino ang user ni SD2 dahil ako ang huling miyembro na sumali sa GLAMOROUS 7 at noon pa ay talagang kinatatakutan na siya bago pa ako sumali sa grupo” sagot ni Mami.

“Si Rina!? Saan ko ngayon hahanapin si Rina!?” tanong ko sa kanila.

Walang na akong nagawa kundi lumuhod na lang at umiyak dahil sa pag aalala sa aking bestfriend na si Rina.

Lumapit si Tomo sa akin at agad akong niyakap.

“Haru wag kang mag alala mahahanap din natin siya. Sa ngayon magpahinga na muna tayo.  Nanghihina ka na. Sabi ni Tomo habang yakap at hinahaplos niya ang aking buhok.

Agad ang akong inakay ni Tomo at ni Mami palabas ng Subway.

Nang makalabas kami ng Subway bigla ako napahinto sa aking nakita isang babaeng walang malay sa gilid ng kalsada agad ko itong nilapitan.

“Rina! Gising ako ito si Haruna” di ko mapigilan lumuha sa sobrang saya ng makitang buhay at ligtas ang bestfriend ko “Tomo, Mami tignan niyo buhay ang bestfriend ko si Rina ligtas siya” sabi ko sa dalawa habang mahigpit kong yakap si Rina.

“Natutuwa ako para sayo Haru sabi ko naman sayo makikita din natin siya, tayo na at dadalhin na namin kayo sa malapit na hospital” sabi ni Tomo sa akin.

Salamat kay Mami dahil kahit na hindi pa magaling ang mga sugat niya nagawa pa din niyang buhatin si Rina hanggang sa hospital. Doon na kami nagpalipas ng gabi.

-to be continued

SCANDAL BIZARRE ADVENTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon