NICOLETTE LEE

Magsimula sa umpisa
                                    

Nanginginig ang katawan ko nang alam kong nakikita nya ako.

"Meron dyan Walter?" Ani ng kasama nya.

Umangat ang gilid ng labi nya habang nakatitig pa rin sakin. It's now my end. Pumikit ako ng mariin at inilagay ang mga palad sa aking mukha.

"Wala" shocked all over my body. tumingin agad ako sa mga mata nyang malalalim.

"Ewan ko ba at lagi akong pinapapunta ni boss dito. Sabi na kasing wala eh." Inis na sambit ng kasama nya sa malayo.

"We should tell him that there's none" aniya at nakatitig pa rin sakin.

Napalunok ako. Bakit sya nagsinungaling?

Hanggang sa lumipas ang isang linggo ay palaisipan pa rin sa'kin kung bakit ako niligtas ni Walter?

Nagulat ako isang araw nang nakita ko siya sa loob ng bahay ko ng walang kasama. Nakapambahay sya at walang planong umalis

"You must be lonely." Aniya at pumagpag ng alikabok sa upuang kahoy at umupo.

Nakatayo pa rin ako sa tabi at nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo nya na para bang ang sama sama kong tao at di ko man lang kinakausap ang bisita.

"Scared? Don't be. Hindi kita pagkakakitaan" aniya at inilibot ang paningin.

Nanliit ako dahil hindi man lang malinis ang pamamahay ko. I can't touch things you know.

"Di ka nagsasalita?" Aniya. Tumayo sya malapit sa fireplace kung saan may picture frame duon na naalikabukan na. Tinanggal nya ang dumi dun.

Umiling ako nang tumingin siya. Hindi ako makapagsalita dahil hindi naman talaga pwede. hindi ako pwede makipagkaibigan sa kanya. Haunter sya, kaluluwa ako. It's complicated.

"Come on. Speak" aniya at napagalaman kong galit sya.

Napabuka ang bibig ko nang makita ang galit nyang mukha. Nakakamangha.

Ngumisi siya habang nakatitig sakin.

"labas tayo" aya niya.

Is he asking me for a date? No. Sinong matinong lalaking aaya ng date sa isang patay na?

"A date?" tanong ko, nakatayo pa rin.

Tumawa siya. "Are you crazy? Dyan lang naman tayo sa labas" aniya at napailing iling pa.

Napanguso ako sa sinabi niya. How rude. Pwede namang sabihing hindi. Sumasabi pa sya dyan ng Crazy eh.

"Ano?" Aniya at binuksan ang pintuan sa likod ng bahay. "Don't worry, I'll protect you"

Lumabas ako at natangay ng hangin ang buhok ko sa lakas nang lumabas kami.

Makulimlim ang langit.

Lumakad ako sa punong malaki at tinanaw ang mga patay na halaman kung saan nagtatanim si mommy dati. It's hurting me seeing my mom's plants are dead.

"I miss them" sabi ko nang maramdaman ang pagkakaulila.

"Didn't know ghosts has heart." Aniya at tinitignan ako.

"Ghost haunter ka yet di mo sila kilala?" tumaas ang kilay niya sa tanong ko. "K-kami pala"

"Nope. I just sell them." Nagkibit balikat sya. "Is this your home?" Tukoy niya sa malaking bahay at hardin ni mommy.

Tumango ako. Miss ko na sila. Lagi kami naglalaro dito nung hindi pa matigas ang ulo ko.

Lahat ng alaala ay dumagsa lahat sa utak ko. Hindi na ako umiiyak. Nung bago pa ang trahedya sa akin ay halos gabi gabi umiiyak ako. Siguro di na ako makaiyak dahil ubos na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bluer Than Blue (Dedicated To blue_maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon