HMH - Chapter 48

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ha? Bakit?" Mas lumaki ang ngiti ni Lily.

"Kase nagpustahan kami kung kailan kayo magkakaamina ni Mr. Leonard. Ako two weeks, itong baklang 'to sabi niya four weeks. Nung friday, yun na yung last day and what a coincidence na kayo na pala ni boss." Hindi niya alam ang sasabihin.

"Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin, pinagpustahan niyo--"

"Girl---" si Jax,

"Obvious na obvious kung makatingin si Leo sa'yo parang my korteng pink na puso ang mga mata--"

"---at yung ngiti niyo--" si Lily,

"---halatang inlove. Kulang nalang, may mga paru-parong nakapalibot sa inyo. Tsaka unicorns na rin, my favorite." Dagdag ni Jax.

"Ganun ka-obvious?" Sabay na tumango ang dalawa.

Ganoon ba talaga?

Biglang natigilan sa pagsubo si Jax nang may makita.

"Oh? Jax?" tanong niya. Hindi pa rin kumilos ang kaibigan matapos ang ilang segundo, sinundan ito ng tingin ni Lily tsaka ng makita ang sinusulyapan ni Jax, napatango rin.

"Ahhhh," tumingin din si Sierra sa tinitingnan ng dalawa. Anong meron?

Wala naman siyang nakitang kakaiba, may mga employees na taga-ibang department.

"Si Lavander, total b*tch ng Men's Department sa 8th Floor."

"Ha?" Nabigla siya sa sinabi ng kaibigan.

Sumang-ayon naman si Lily,"totoo Sierra. Wag kang mabigla or mag-isip na napakajudgemental namin kase totoo. Halos lahat ng nasa Departments sa 5th to 10th floor hate ang babaeng yan. Plastic, nang-aagaw ng boyfriend, kabit, nakikialam ng buhay ng iba, total b*tch nga sabi ni Jax."

"And girl, mag-ingat ka, inggetera yan at walang hiya sa katawan. Lahat na nga siguro ng negative traits ng isang tao nasa kanya na. Baka maiingit yan sa beauty mo at ng akin." Nagbeautiful eyes pa si Jax na binatukan lang ni Lily.

"So hindi ako kasali ganun?" sabi ni Lily. Napatingin siya sa mga tinutukoy ng mga kaibigan. Wala naman siyang nakita, hindi niya kase alam ang hitsura. Napakibit-balikat lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.


. . .


"Did you like the food?" tanong sa kanya maya-maya ni Leo. Galing sila sa paboritong restaurant ni Leo at ng pamilya nito. Super sarap ng pagkain.

"*two thumbs up* Ang saya, sobrang nakakabusog. Ang sasarap ng pagkain." Ngumiti ito.

"Mabuti naman at nagustuhan mo, sa susunod kapag kasama natin si Rena di ba, maaamaze ka sa takaw nun sobra." Natatawa nitong sabi.

It's nice to hear Leo talking about the future. Ewan, hindi alam ni Sierra pero sobrang natutuwa siya kapag nagkikwento si Leo at kasali siya sa mga plano nito.

Nang makarating na sila sa apartment niya, niyaya niya itong pumasok at uminom na muna ng tea o kahit anong gusto nito.

She simply just wanted to spend some time with him. Every moment she spends with Leo keeps making her want more of his time, more of him in general. Hindi niya lang masabi kay Leo dahil ayaw niya itong maabala. She'll just have to keep it to herself tsaka pigilin ang sarili.





Thursday

"Sierra? Are you ready?" tanong ni Leo sa kanya saka niya agad na kinuha ang purse tsaka humarap sa kanyang boss/boyfriend.

"Yes, your car is ready and everything else. Nacontact ko na rin si Ms. Joan," ang editor ng Conquer Magazine.

Ngayon gagawin ang photoshoot at kasama siya as his--of course--secretary (temporary) and...girlfriend.

𝙷𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚢 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 [𝙱𝚘𝚘𝚔 𝙸 & 𝙸𝙸]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon