“Hmm...Ang ganda.” wika nito.

Hindi niya kita ang mukha nito dahil nagpatiuna siya sa paglakad.

Of course. Maganda talaga ‘to. This was made by the most famous-“ 

“I’m referring to you”

Nilingon niya ito, “I’m sorry?” tanong niya. Ano bang pinagsasabi nito?

“I said you’re pretty” ngiting wika nito.

“I’m already know about that but we’re not here to talk about that matter Mr. Castillo”

“I said drop the formalities. And besides walang makapagpipigil sa’kin sa gusto kong gawin o sabihin. If I say I love you. I don’t care if no one cares as long as you care” anito.

“I don’t mix business with pleasure Mr. Castillo and we are here to talk about business” wika niya. Ayaw niyang Ipakita dito na kinikilig siya.

Nagbigay ito ng nang-uuyam na ngiti,” huh. You don’t mix business with pleasure? Well, then” anito at hinatak siya palapit dito. Amoy niya ang hininga nito “Let us drop the business and start the pleasure...Miss Cadiz” wika nito at inilapit ang mukha nito sa kanya.

Pumikit siya ng mariin.

He’s going to kiss me! He’s going to kiss me! Paulit-ulit na umalingawngaw sa ulo niya.

Nabigla siya ng bitawan siya nito at maramdaman ang paglipad ng plane.

“Umaandar?” tanong niya.

“Why asking the obvious?” tanong nito.

Ray, 

I hope mag-enjoy kayo sa bakasyon niyo ni Beng-beng. Pag-uwi mo, saka ka na mag-thank you. Alam kong mabait ako

Ingat!J

                Ding-ding_ cuteJ

Naiinis siya sa sarili niya. Bakit ba siya hindi niya ‘to naisip? Walang imposible kay Ding-ding.

Binalingan niya si Beng-beng. Naningkit ang mga mata niya. Parang kampanteng-kampante lang ito. Parang may nabubuo na naman siyang ideya.

“Benedicto?” aniya sa pinakamalambing na tono.

“Hmm? Bakit mahal?” tanong nito. Nakapikit lang ito habang umuupo.

“Ahmm...” hinampas niya ito ng bag niya. “Walanghiya ka! Magkasabwat na naman kayo ni Decemie, noh?”

“Aray! Ano ba?” reklamo nito at hinawakan siya sa braso “tama na Ray, ok? Napakabayolente mo talaga. Di kana nagbago”   

Bahagya siyang napangiti sa tinuran nito. Naalala pa pala nito ang pagiging bayolente niya?

“Magkasabwat kayo ni Decemie, noh?!” asik niya rito.

Ngumiti ito sabay sabing, “Oo” kaya hinampas na naman niya ito.

“Nakakainis ka! Nakakainis ka!” Paulit-ulit niyang wika.

“Aray! Tama na Ray!” anito na ginawang panangga ang kamay nito. Ngunit hindi siya Tumigil.

“Sige ‘pag hindi ka Tumigil hahalikan kita!” banta pa nito. Pero bakit naman siya titigil? She like the idea, anyway.

“Ah! Gusto mo palang mahalikan ko, noh? Nabitin ka kanina” anito sa nang-uuyam na tono. Dun na sya Tumigil.

Umalis siya sa harap nito at umupo sa kabilang upuan. Hindi naman siya ganun ka-baliw para ipamukha dito na gusto niyang mahalikan. Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya. Hindi niya ito pinansin.

“Ray, wag ka ng magalit.” anito.

Pero hindi siya umimik.

“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung saan tayo pupunta?”

Hindi pa rin siya umimik.

“Pupunta tayo sa lugar kung saan unang nagsimula ang ating pag-iibigan”

Dun na siya Lumingon. “Sa Manjuyod?!” tanong niya dito.

“Oo” anito na ngumiti.

“As in Manjuyod, Negros Oriental?!” hindi siya makapaniwala.

“Oo nga! Paulit-ulit?” tanong nito.

Dun na siya na alarma, hindi siya pwedeng lumayo sa Maynila.

“Damn it Benedicto! May negosyo akong naiwan!” aniya sa galit na tono.

“I don’t care”

“But I care! It’s my business!”

“Relax Raya...Mayaman ka naman. Tsaka kung maghirap ka, nandito pa ako. Mayaman naman ako” pagmamayabang nito.

“I don’t care kung mayaman ka! Hindi mo kasi ako naiintindihan eh! Yun lang ang nagpapasaya sa’kin!” bulyaw niya.

‘Then I’m here to make you happy!”

“To make me happy? Damn it, Benedicto! All these times sinasaktan mo lang ako! Matatanggap ko pa kung pisikal pero hindi, eh! You’re hurting me emotionally!” pag-amin niya. What’s the use og hiding it, anyway?

“I-I’m sorry I didn’t mean to hurt you” wika nito at niyakap siya. “I promise, I will never hurt you again”

Thirteen years ago, that was the thought she’s waiting him to tell her. Pero bakit ngayon pa? It’s just too late.

“Magpahinga ka muna Ray...”

Hindi siya umimik. Deep inside her heart, she’s still inlove with him. But by this time... it’s deeper than before....

Promises and MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon