"Promise ko sayong babalik ako, matatagalan pero hintayin mo ako. Huwag ka na malungkot ikaw lang ang magiging bestfriend ko hindi ako hahanap ng iba basta babalik ako pangako." Iyak pa din ako ng iyak hanggang sa niyakap nya ko at iniwan na sumakay na sya ng van at di kona nakita pang muli.
Mamimiss kita aki, pangako hihintayin kita kahit gaano pa katagal."
END OF FLASHBACK
Pero eto ngayon, inaya nya pa ako para lumabas. Nasa kwarto ako at kumakain, kinuha ko ang diary ko at nagsulat.
Dear,eug
Oo gusto ko na magbreak kayo, pero ayaw kong nakikita ka na malungkot. Gusto ko kung saan ka sasaya dun ako kahit na alam kong ikasasakit ko pa ang pagpapasya mo.Pumasok si Happy ang alaga kong cute na aso, kinuha ko sya nilock ang pinto tutal tapos na din naman ako kumain. Niyakap ko si happy.
"Sa tingin mo ba kaya nya kong mahalin pabalik?" Tumahol lang si happy at dinilaan ako. Buti pa sya ang saya saya nya, humiga ako sa kama at tinabihan ako ni happy pinatay ko na ang lamp at unti unti nakong nakakatulog.
Nakita ko ang isang pamilyar na lalake, hawak nya ang kamay ko ang saya saya namin, ang saya saya ni aki. Hinarap nya ko sakanya at unti unting nawawala iiwan nanaman ba nya ko? Biglang may isang lalake na papalapit sa akin at lumabo na ang lahat.
"Anak gising na may pasok ka pa." Sigaw at katok ni mama ang gumising sa akin.
"Susunod na po." Agad akong tumayo at kinuha ang towel, hinanda ko na din ang aking damit pamasok. Bumaba ako at nakita kong nasa table na silang lahat.
Iniisip ko pa din ang naging panaginip ko, sino kaya yung lalake na papalapit sa akin? Kumain nako at agad na naligo.
Lumabas nako ng bahay, saktong lumabas na din si maybel.
"Uy! Magandang umaga." Masigla nyang bati anong meron at napakahyper nya yata ngayong umaga?
"Yea yea mas maganda pako sa umaga di ako pakakabog." pagbibiro ko na ikinairap nya sa hangin.
"Balita ko nagbalik yung childhood bestfriend mo? Pakilala mo naman ako. Simula nung lumipat kami dito di ko pa sya nakikita." Sumakay kami ng jeep para makapasok na, sa private kami nag-aaral dahil yun lang ang pinakamalapit na school dito sa bahay namin at kinakaya naman nila mama, yun nga lang nakakapos pa din dahil sa sobrang daming bayarin.
"Mamayang uwian sumama ka sakin." Nagtataka pa sya pero di kalaunan ay pumayag din naman.
Nagpara na kami at agad na tinungo ang school, ang daming mga studyante na may magagandang kotse at motor, habang papasok kami nakita ko si eugene. Agad akong natameme nung nagkatitigan kami homygash yung mga mata nya waaaaaaa!
Yung mga titig nya, nakakalusaw, ang gaan sa pakiramdam, parang may kung ano ang kumikiliti sa tyan ko bumagal ang lahat, sinuklay ng kamay nya ang buhok nya.
"Tenetetegen nye ke emeyged tengnen me ihihihi." Kanina pako kinakalabit ni maybel pero di ko sya pinapansin.
Natauhan nalang ako ng biglang
"Tanga! Si raven kase! Nasa likod mo lang!" Napawi bigla ang mga ngiti ko sa labi, natulala ako at parang gusto kong magpakin sa lupa dahil sa kahihiyan. Ginising ako ni maybel sa katotohanan. Ang sakit nun ha! Nakita kong dumaan si raven sa gilid ko.
Habang sya ay nakataligod at naglalakad walang pakeelam na naglakad din si eugene, parang hindi nila kilala ang isa't isa parang walang nangyare. Nakita kong napatingin si raven kay eugene at hindi sya nito pinansin parang bagong salpak na studyante lang si raven sa kanyang paningin.
Oooh I smell something fishy.
"Awkward." Bulong sa akin ni maybel.
Tinungo namin ang unang klase namin iniisip ko pa din ang mga nangyare kanina. Pero kailangan kong baliwalain iyon at isipin ang mga mangyayari sa paglabas namin ni aki.
Nagdaan pa ang ilan naming mga subjects, umalis ang prof at inaya ako ni maybel na bumili ng pagkain dahil sa gutom. Lumabas kami at pumuntang canteen luminga linga ako sa paligid mukhang wala dito sila eug.
Si eug at ang ilang mga kabanda nya ang may pinakamalaking kompanya sa pilipinas, may koneksyon din ang pamilya ni eugene dito sa school kaya malaya syang gawin ang lahat.
Malaki din kasi ang donasyon ng magulang ni eugene sa school kaya ganun nalang sya ipasa ng mga teachers. Sobrang unfair pero nakakatulong naman sila kaya walang ibang studyante ang umiimik.
Hindi rin naman katulad si Eugene ng mga napapanood natin sa t.v na palaaway at hambog na kala mong boss sa school. Pero sya, iba sya. Kaya ko nga nagustuhan dahil kakaiba sya.
Umorder ako ng shake at donut, punuan ang mga lamesa. Kaya nagdesisyon ako na sa tambayan nalang namin kami kakain, baka sakaling makita ko pa si eug.
Nang nakaupo na kami, nilabas ko ang diary ko at nag-umpisa ulit na magsulat.
Dear,eug
Akala ko ako na! Akala ko ako na yung tinititigan mo kanina! Mali pala sad, puro ka raven puro ka raven di ka naman mahal! Kailan mo bako mapapansin ha? Hihihi kung hindi moko kayang pansinin! Ako ang magpapansin sayo ahihi.Abot tenga ang aking ngiti.
"Para kang timang! Minsan gusto ko ng magtaka kung baliw ka na ba! Bigla bigla ka nalang napapangiti eh kumakain lang naman tayo!" Panira talaga ng moment.
"Kumain ka nalang bilisan mo mauubos na oras natin may pupuntahan pa tayo!" Tinaasan nya ko ng kilay na nagtatanong. Di ko sya sinagot at pinagpatuloy ang pagkain habang nililigpit ang gamit.
Natapos na kami, thiz iz it panzit. Nakita ko si eugene na patungo kung saan mang sulok ng mundo kailangan ko ng magpapansin.
Ika nga, walang mangyayari kung hindi susubukan. Magpapapansin nako para rin naman 'to sa future namin at sa magiging cute naming mga anak hihi.
Habang papalapit sya mas kinakabahan ako jeez, tumayo ako nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin sakin si maybel. Maraming tao dito pero wapakels kase hindi naman future nila ang nakataya dito.
Nang malapit na sya, shit sinadya ko na matapilok patungo sakanya base kase sa mga napapanood ko at mga nababasa ko magkakakiss kapag natumba ko sakanya.
Di ko alam bat ko gagawin to kahit hindi naman ako naniniwala sa ganon pero sobrang walang wala na akong maisip na paraan.
Eto na eto na.
1
2
3
GO
Anak ng pitumput kabayong tupa at aso napakabango nya shit napakakisig at ramdam ko ang init ng katawan nya ng magkadikit kami, nang matutumba na kami pumikit ako at nag-aabang pero hampas lupang anak ng tokwa naman! Imbis na makiss ko sya nagpagulong gulong kami jusmeyo marimar.
Rinig ko ang ilang mga tawa ng ibang studyante habang ako eto gustong magpakain sa lupa narinig kong napamura si eug dahilan upang idilat ko ang mga mata ko napakalayo ng agwat namin natameme ako sa katangahang ginawa ko
Plan A, Mission failed! napaka epic pa. Nakita ko si maybel na nakatulala at napakalaki ng mata sa gulat. Habang ang mga kabanda nya ay nagulat din at tumatawa.
Juskolord katapusan ko na to "Miss, sana naman sa susunod siguraduhin mong gagana ang mga pangmamanyak mo ha? Pati ako nadadamay sa katangahan mo." WTF! Katangahan? Miss? Hokage? Binabawi ko na pala yung sinabi ko kanina! Kapareho lang nya yung mga mayayabang sa teleserye na studyanteng mayaman!
Nakatulala lang ako sa mukha nya at gustong gusto ko na talagang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan.
Isang Eugene Gabriel? Narealize ko na tanga pala talaga ko. Dahil mismong sya na ang may sabi. Halatang halata ba ang ginawa kong pagpapapansin? Shet napaka tanga ko naman pala talaga kung ganon.
Eh teka? Kaya nga ko nagpapansin para mapansin nya ko eh.
Uy ayos ah? Mukhang Mission Accomplished ako kasi napansin nya ko. Kaso nga lang di kami makakabuo ng tatlong anak sa ginawa kong yon.
So considered as failed. Aaaaargh!
BINABASA MO ANG
Unrealistic Destiny (ON-GOING)
Teen FictionIs destiny real? Maniniwala ba ako na lahat ng bagay ay may dahilan at ang tadhana lang ang gumagawa ng paraan para sumaya ako? O ako lang naman ang bumubuo ng storya ng pagkatao ko? Kung mamahalin mo ba ako pabalik tadhana nga ba talaga ang gumawa...