At tuluyan itong humagulgol. Niyakap ito ni Joaquin, hinimas ang likod pilit pinapakalma pero hindi niya ito mapatahan.
Joaquin: Shhhhhh, tama na huwag ka ng umiyak, hanggat kasama mo ako, walang mangyayaring masama sa yo. Hindi kita pababayaan kaya huwag ka ng umiyak.
Pinagmasdan niya ito, inayos ang buhok na nakatakip sa mukha nito at isinabit sa likod ng tenga. Pinahid niya ang luha nito sa pisngi. Nakatingin lang si Alex sa mukha ni Joaquin. Pinagmasdan ni Joaquin ang mukha ni Alex at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa dalaga napapikit si Alex at lumapat ang labi ni Joaquin sa labi niya. Limang segundo parang huminto ang ikot ng mundo ni Alex, hindi din siya kumilos at kusang napanatag ang loob niya. Inilayo ni Joaquin ang labi niya at mahinang nagsalita.
Joaquin: Tama na ha, huwag ka ng umiyak baka nasa malapit lang sila marinig pa nila ang pagiyak mo. Sige ba magpahinga ka na muna.
Tumango lang si Alex at sumandal sa mga bato at ipinikit ang mata para makapagpahinga. Sumandal din sa tabi niya si Joaquin, pumikit at itinakip ang braso sa mga mata at nagpahinga. Hinanap ng kabilang kamay nito ang kamay ni Alex at ng mahawakan ito natahimik na. Makalipas ang limang minuto narinig nilang sumigaw si Direk ng cut!
Maganda naman daw ang ginawa nila pero ipinaulit pa ni Direk ang eksena ng dalawang beses para makuhanan ang ibang angulo.
Paglabas nila ng kweba, nagpalakpakan ang mga staff at crew. Lumapit si Sheena at bumulong sa kanya.
Sheena: Girl ang pula ng mukha mo.
Kumapit siya kay Sheena at nagmamadali silang lumayo kay RJ at lumusong sa dagat.
Dei: Nakita kaya yon sa kamera girl?
Sheena: Kung nakita man hindi na mahahalata yon kasi madilim sa loob pwedeng isipin na sa lighting lang kaya ganon.
Dei: Sure ka?
Sheena: Besides ok lang yon pareho naman kayo ni RJ na pulang pula ang mukha paglabas ninyo eh.
Kasunod na kinunan ang pagdating ng bangka sakay si Irma Adlawan ang nanay ni Alex at Aliana at ni Gabby Concepcion ang ama ni Joaquin kasama ang mga sundalo. Magkahawak kamay na tumatakbong palapit sa pampang si Alex at Aliana (Dei at Sheena) para salubungin ang Ina kasunod nila si Joaquin.
Madamdaming nagyakap ang magiina, umaagos ang mga luha sa mata ni Irma, Sheena at Dei. Binitawan ni Irma ang madamdaming linya niya na lalong nagpaiyak kay Dei at Sheena. Hinalikan ni Irma ang dalawang anak sa buhok at mahigpit silang nagyakap na tatlo. Nakatayo si Gabby sa di kalayuan, habang sumusugod ang mga sundalo para hulihin ang mga salarin. Nakita ni pinuno ng mga kidnaper si Joaquin na tumatakbo, binaril ito bago pa siya nabaril ng mga sundalo.
Nilingon ni Alex ang tumatakbong si Joaquin kaya kitangkita niya ng tamaan ito sa likod at bago pa ito mapaluhod sa buhangin ay tinawag ang pangalan niya.
RK: Alex!
Isang malakas na sigaw ang nanggaling sa bibig ni Alex.
Dei: JOAQUIIIIIIIN!!!
Gabby: ANAK!
Tumakbo itong palapit kay RJ at nasalo niya ang ulo nito bago tuluyang bumagsak. Tumakbo na din si Gabby sa tabi ng anak at tumutulo ang luhang itinihaya ang katawan nito habang kalong ni Dei ang agaw buhay na si Joaquin.
Gabby: TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI! Sarhento ang anak ko nabaril.
Rumadyo ang sarhento, habang nanatiling nakaluhod si Gabby sa tabi ng anak.
Alex: Joaquin, nandito ako, imulat mo ang mata mo parang awa mo na. Joaquin, please!
Humahagulgol si Alex, niyuyugyog ang katawan ni RJ. Patuloy ang pagtulo ng luha.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...
Chapter 63 - Kisses
Magsimula sa umpisa