" Hi, Kat! Ihahatid na kita," nakangiting alok nito

" Makulit ka talaga. Ilang beses ko bang sasabihin saiyo na tigilan mo na ako..." wika nya.
At hindi na nya ito hinintay na sumagot dahil ipinagpatuloy na lamang nya ang paglalakad.
Ngunit nagulat sya nang biglang may humawak sa braso nya. Si Jin ang nalingunan nya.

" Ang sabi ko.. ihahatid na kita " Jin

" Ayoko nga, eh. Bakit ba ang kulit mo?" Katrina

" Talagang makulit ako at hindi mo na ako mapipigilan sa pagkakataong ito." Jin

" Ewan ko sayo!.." Tinalikuran uli nya ito. At pinara ang dumaang jeep. Sumakay si Katrina roon.
Pero nagulat sya nang sumunod ito sa kanya. Tumabi pa ito sa kanya.

" Aba't talagang seryoso ka nga?" Sarkastikong wika ni Katrina

" Mukha ba akong nagbibiro?" Tugon naman ni Jin

Bagaman naiinis ay hinayaan na lamang nya ito. Hindi naman nya ito pwdeng ipagtulakan pababa.
Umaandar na ang jeep. Napansin ni Katrina na pinagtitinginan ito ng mga pasahero. Alin lang sa dalawa ang dahilan. Ang napakagwapong mukha nito o ang suot nitong Amerikana?

Ayaw man nya ay napangiti sya nang makita ang mukha nito. Nakangiwi ito. Halatang asiwa. Pinagpapawisan din ito. Malamang kaysa sa hindi na noon lamang ito nakasakay sa isang pamapasaherong jeep.

Parang hinaplos ang puso ni Katrina. Hindi nya inakala o kahit siguro sino ay hindi aakalain na mapapasakay sa isang pampasaherong jeep ang isang Kim Seoki Jin.

" Kung hindi mo na matagalan, pwde ka nang bumaba, Mr.Seoki" bulong na wika ni Katrina kay Jin

" hindi naman ako nagrereklamo, ah. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Mabuti at natatagalan mo ang ganito araw araw. Pwde naman kitang ihatid sundo na lang gamit ang kotse ko. Kung papayag ka." Wika ni jin

" Hindi kami mayaman na tulad mo, wala kaming sariling sasakyan kaya dapat lamang na masanay ako sa ganito. Saka hindi ko kailangan ang paghatid sundo mo.." sabi naman ni Katrina

Hindi ito kumibo.
" Ma, bayad ho." Anang isang pasahero.

Tiningnan lamang ni Jin ang kamay na nasa tapat nito.
Siniko naman ni Katrina si Jin

" Abutin mo yung. Bayad at ibigay mo sa driver." Wika ni Katrina

Tumalima naman si Jin.
Mayamaya ay hinugot nito ang wallet nito mula sa bulsa ng slacks nito.

" Magkano ba ang ibinabayad dito?" Tanong ni Jin,
habang nagbubuklat ng wallet. May dinukot ito roon.

" Bayad!" Sabi ni Jin kapagkuwan. Sabay abot ng bayad sa driver

" Limang daan? Wala na bang mas malaki pa rito?" Bulalas ng driver sa naiinis na tono.

" Meron. Isang libo. Magkano ba ang gusto mo?" Sagot naman ni Jin

" Ang yabang mo, ah!" Tugon naman ng driver

" Naghahanap ka ng mas malaki, diba? Sinasagot lang kita, nayayabangan ka na ro'n? Bilhin ko pa itong bulok mong jeep, eh. Kasama kana rin." Sabi ni Jin

" Jin, pls.. Tumigil kana," awat ni Katrina kay Jin

" Manong.. akin na po ang limang daan, may barya ho ako rito." Aniya nang bumaling sya sa driver. Kinuha nya ang pera mula rito at pinalitan iyon ng barya.

" Heto na 'ng limangdaan mo.." nakairap na wika ni Katrina kay Jin habang inaabot nya dito ang pera. Nagtataka sya kung bakit ito nakangiti sa kanya.

" i like the way you call my name, honey.." bulong na wika ni Jin

Ayaw man ay kinilig sya.
Hindi naman nagtagal ay narating nila ang kantong bababaan nya.

" Pasensya kana.." wika ni Jin nang makababa na sila

" Talaga bang hindi mo maiwasang magyabang at makipag awa" tugon ni Katrina

Natigilan ito. Matagal bago ito sumagot.

" Pipilitin kong iwasan par sayo.." Jin
Si Katrina naman ang natigilan. Totoo ba ang nahimigan nyang sinseridad sa tinig nito?
Inilibot nito ang paningin sa paligid.

" Ahmm... medyo nagugutom na ako. Baka pwdeng hwag ka munang umuwi? Kumain muna tayo ro'n, oh!" Wika ni Jin, sabay itinuro ang isang sikat na fast food chain sa di kalayuan.
Hindi sya sumagot. Nakatingin lamang sya rito.

Napakamot si Jin sa ulo. " Please?"
Paano ba nya tatanggihan ang nagsusumamong mga mata nito?

" Sige.. " Kapagkuwan pagpayag nya

" Yes!" Masayang bulalas nito na napakumpas pa ang kamay.
Lihim napangiti si Katrina sa reaksiyon nito. Parang bata ito na binilhan ng ice cream.

" Thanks. Lets go?" Nakangiting wika ni Jin

Nagpatiuna si Katrina sa paglalakad. Naramdaman nya ang paghawak ni Jin sa kanyang siko nang patawid na sila sa kalsada. Binawi nya iyon dito nang makatawid na sila. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita nya itong napakamot uli sa ulo.
Ipinaghila sya ni Jin nang silya nang makapasok sila sa loob ng fast food. Umupo ito sa kaibayo nya.

" Anong gusto mong kainin?"tanong sa kanya ni Jin

" Bahala ka na.." Tugon nalang ni Katrina

" Okay. Just wait for me here."sabi nito at sabay kindat bago pumunta sa counter

Nang magbalik ito ay may dala na itong isang tray. Fried chicken, spaghetti, sundae at soft drinks ang in-order ni Jin.
Nagsimula na silang kumain.

" Kumakain ka pala sa ganito?" Biglang wika ni Katrina kay jin

" Actually.. ngayon lang ako nakakain dito." Tugon ni Jin, sabay sumubo uli nang spaghetti

" Hindi ka pala kumakain sa ganito. Bakit dito mo ako niyaya?" Katrina

" Alam ko namang hindi ka papayag kung sa malayo pa kita dadalhin para lang kumain kaya dito na lang." Tugon nito.

Abangan..

The Notorious Playboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon