Saka lang ako tapatunghay ng marinig ko ang pangalan ko. May tinatanong ata si ella. "Ano ulit yun besh?"
"Ano ba yang inaalis mo dyan? Kanina mo pa yan pinipispis." Sabi naman nito at tiningnan din yung part na madumi.
"Ah wala to. Nadumihan lang. Gawa siguro nung dumaan tayo samay grills ng gate kanina." Paliwanag ko habang patuloy paring inaalis yung dumi. Ang kapit kapit naman nito. Lagot ako kay mama nito eh.
"Ay nakalimutan ko nanaman. Oy, den! Meet my other bestfriend, aly. Aly, meet my other bestfriend denden." Saka lang ako napatingin dun sa taong kausap nya.
Parang nanuyo ang lalamunan ko ng makita ko yung nakangiti nyang mukha. I think i even saw a spark when our eyes met in an instant. Ang cute nya Lalo na yung dimples nya sa ilalim lang ng mga mata nya. Mas matangkad pa ito samin ni ella. Yumuko sya ng konti at inabot ang kamay para makipag shake hands. I mentally composed myself at inabot din iyon. Mabuti at magaling ako sa mga ganitong bagay, pretending. Para namang bigla kaming nakuryente at agad na napabitaw sa pagkakahawak na ipanagtaka ni ella. Para hindi na ito magtanong ay sinegway ko nalang. Di ko rin kasi alam kung ano yun.
"Nice meeting you, aly. Ikaw pala yung sinasabi nitong pinagkakautangan nya ng malaking utang na loob?" Turo ko kay ella. Natawa naman sya sa sinabi ko at tumingin kay ella. Di ko rin maiwasang mapangiti. Her smile is just so genuine.
"Pots talaga oh." Naiiling lang na sabi nito na ikinanguso ni ella. Mukha ngang close sila. Maybe closer than we are. Teka, bakit parang gusto ko ding makaclose si aly? Aish! I immediately brush off the thought.
Napatingin kami sa unahan ng magsalita yung emcee na magsisimula na daw.
"Hali na kayo pots, den. Dun nalang kayo sa may area ng team. Para rin maayos kayong makapanood at hindi kayo mangalay kakatayo. Baka rin madumihan kayo lalo jan. Ang dami pa namang careless na nandito."
"Asus.. talaga bang 'kayo' yun?" Bulong ni ella kaya tinapik sya ni aly at hinila nya na kami patungo sa area nga nila. I blused when i felt her hands being enclosed to mine. Ang lambot naman ng kamay nya. Basketbolista ba talaga to?
Pagkarating namin ay agad nya kaming pinaupo at kinuha ng makakain. Napaka maalaga naman nya. Nagpasalamat lang kami at sinabihan sya ng goodluck dahil tinawag nadin sya ng coach nila. Nakapaikot sila at parang nagmemeeting. May isang nakaakbay sakanya na nakaboycut kaya napakunot ang noo ko. Napansin naman ako ni ella at ginalaw galaw yung braso nya na naka incline sa braso ko. Muntik na tuloy matapon yung softdrink na hawak ko.
"Ano ba yun besh?" At ang loko nginisian lang ako.
"Ikaw besh ah. Akala mo hindi ko alam?" Lalong napakunot ang noo ko sa pinagsasabi nya.
"Ano nanaman yun? Lahat ka nalang eh." Asik ko sakanya at ibinaling nalang sa iba ang tingin.
"Iiiihhh! Crush mo si baldo noh?!" Napa 'ha' naman ako dun. Nababaliw nanaman to.
"Sinong baldo?! Ok ka lang? Imbento ka nanaman eh."
"Luh. Si aly yun. Petname nya lang ba. Oooyy, aminin. May krass ka sa baldo namin ano?" Pang aalaska pa nya. Pero imbis na sitahin ay naisip ko bigla. Namin? At sino sino naman yun?
"Sinong namin naman yan?" Nainis naman ako dun. Nubayan. Feeling ko ang babaero naman nun.
"Eeeeehhhh! Biglang naging selosa oh. Besh naman! Wag kang magalala. Sayo lang deds na deds yang si baldo kahit pa labs na labs ng mga naggagandahang babae sa paligid yan." Sinamaan ko naman sya ng tingin at ang loka ngiting ngiti pa.
"Anong ibig mong sabihin?!" sinamaan ko sya ng tingin pero hindi naman na nya napansin dahil nagsimula na ang game.
Habang patagal ng patagal ay lalo akong humahang sakanya. Sobrang liksi ng mga galaw nya at para bang naglalaro lang sya. Balewala ang nagagawa nyang mga puntos at patuloy lang sa paglalaro na para bang hindi finals ang pinablalabanan. Ang cute cute nya nga eh, lalo na kapag nakakashoot sya tapos magsisigawan ang mga tao at ichicheer sya, lalo na itong katabi ko na kulang nalang ay takbuhin sya sa kinatatayuan nya at doon purihin ng purihin. Tutungo lang sya o di kaya ay kakamot sa batok na para bang batang nahihiya. Sure din akong nagbblush sya dahil sa pamumula ng tenga nya. Ang cute lang talaga. Hindi mayabang tulad ng iba. Panay tulak at palo naman ang natatamasa ko kay ella na sigaw ng sigaw. Mag cheer manlang daw ako kesa puro palakpak lang.
YOU ARE READING
Scenarios Of Us
RomanceShort stories ahead. This is a gxg kind of stories. If you're not comfortable with it you're free to leave this page. No hate just Love
Basketball
Start from the beginning